Bumungad sa akin ang mukha ni Aly. Di ko mapigilan ang pagkainis ko at nabato ko sya ng unan."Anong problema mo?!"
"Waaaaah! Bat mo ko ginising ha?!" mangiyak-ngiyak kong sigaw sa kaniya.
"Sorry" sabay peace-sign. "eh malay ko ba kung nanaginip ka o binabangungot na tss!" tumayo ito mula sa tabi ko at humarap sa salamin.
"Oh mukhang maganda ang panaginip mo ah. Ano ba yun?" tanong nito at bumalik na naman sa aking ala-ala lahat ng nangyari sa panaginip ko.
Di ko mapigilang kiligin at nagtakip ng unan at tsaka humiyaw.
"Iiiihhhhhh. Myghad girl, engkekeleg eke" nakangiti kong sinabi.
Nagulat ako nang mabitawan ni Aly ang kaniyang hairbrush. At natatarantang umupo sa kama ko at hinarap ang mukha ko sa kaniya.
"A-anong problema mo?" tanong ko.
"Okay ka lang girl? Wala kang sakit?"
"Ha? Oo naman. Bakit?" naguguluhan kong sagot.
"Ow. I'm. Gorg. Dalaga ka naaaaaa!" sigaw nito at habang inaalog-alog ang balikat ko.
"W-wait! Di kita maintindihan!" sigaw ko.
"Anuba. Kinikilig ka na. Ngayon ko lang narinig sayo yan ha. Ano ba yung nangyari?" sabay nanalumbaba.
Kinwento ko lahat sa kaniya ang mga nangyari sa panaginip ko, pati na rin si Rian.
"Ayun! May clue na tayo. Pinsan siya ni Rian" sambit nito at pumunta sa kaniyang kama at inopen ang laptop.
Alas nwebe na pala ng umaga. Medyo napasarap ang tulog. Sino ba naman ang gugustuhing magising sa ganda ng panaginip ko? Hayyss.
Ang swerte ko naman kung siya talaga ang magiging boyfriend ko. Iiihhhh, hang gwapo eh.
"Ano full name ni Rian?" tanong ni Aly na ngayon ay nagsisearch sa Facebook.
"Uh-oh. Girl, di ko na alam eh. Halerr, almost 7 years na yun. Nakalimutan ko na" napakamot ako ng ulo ko.
"Patay. Wala ka bang contact sa kaniya? Or try mo kaya tanungin sa mga mutual friends nyo?" suggest ni Aly.
Napapaisip ako... Totoo kaya na magpinsan sila ni Rian? O gawa gawa lang ng isip ko? Huhuhu ang hirap. Baka masaktan lang ak o kaya di muna ako mag-eexpect.
"Girl, samahan mo ko." aya ko kay Aly.
"H-ha? Saan?"
At last, nakarating na rin kami sa KR Academy. Di ako mapakali, parang may something na tumutulak sakin para pumunta dito. Umaasa lang ako na sana ay may makuha akong sagot dito, kung saan naging magkaklase kami ni Rian.
Habang nasa biyahe kami ni Aly, kinausap ko na lahat ng mutual friend namin ni Rian pero walang nakakaalam ng last name nya. Di ko rin macontact yung numbers na binigay nila.
"Oy girl di pa ba tayo papasok?" nabalik ako sa realidad sa tanong ni Aly.
Pumasok na kami sa loob at bumalik sa ala-ala ko ang buhay elementary. Habulan, asaran, iyakan, at walang ibang iniisip kundi ang maging masaya. Hayy, ang sarap maging bata.
Nasa loob na kami ng library, and we're now at yearbooks section. Medyo ilang minuto lang rin ay nahanap na rin namin ang yearbook ng batch namin.
I put it on the table at pinagpagan dahil maalikabok na rin ito. Katabi ko si Aly ngayon na kapareho kong tuwang tuwa sa bawat nakikita namin in every pages.
May mga pictures ito ng ilan naming activities. Sobrang nakakamiss.
Maya-maya lang ay narating na namin ni Aly ang graduates profile. Hiyang-hiya talaga ako sa mukha ko. When puberty hits you hahahaha. Pero si Aly cute na cute sakin. Iwww. Eh wala nang nagkakagusto sakin noong elementary hayyss. Kaaway lang yata ang marami ako eh.
"Ang cute mo talaga girl. May pa-bangs ka pa oh hahahaha" Halos nag-aagaw hininga na si Aly kakatawa.
"Ssssh" suway ng librarian.
"Ano ba! Tumigil ka na nga"
Isa-isa ko na ring tiningnan ang mga names na nandoon hanggang sa....
"Finally. I found you. Rian Marcel." tinitigan ito ni Aly.
"Ang cute nya ha. Feeling ko maganda na siya ngayon. Ohmy besh!" sabay hawak sa braso ko.
"Oh ano?" nakasimangot kong tanong.
"Ibig sabihin, kung magpinsan sila..... Gwapo rin si boy ano?" pang-aasar nito.
I don't know but I suddenly realized myself smiling. What the hell's happening.
"Kinikilig ka na naman! Girl, wag mong sabihin na gusto mo na sya! Am I wrong?!" nabigla ako sa tanong ni Aly.
No way. Gusto ko na kaya sya?
H-hindi! Masaya lang ako na kahit papaano nararanasan kong maging masaya kahit sa panaginip lang.
"Masama ba girl kung mafall ako sa kanya?" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Pero wala nang bawian pa, nasabi ko na.
"Sa ngayon girl, oo. Di pa natin alam kung totoo nga ba siya or imagination mo lang dahil sa kakanood mo ng While you were sleeping" Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. She's right. Baka masaktan lang ako sa kahibangan ko.
"Diba nga to see is to believe? Baka nga nagugustuhan mo lang siya dahil napapasaya ka niya sa PANAGINIP. Pero hanggang sa panaginip na lang ba lahat ng pagmamahalan nyo? Sa huli ikaw lang din ang masasaktan girl. Wag kang magpakahibang sa mga napapanaginipan mo hanggat wala pa tayong kasiguraduhan na magkikita kayo at magkakatotoo lahat ng yan. Tandaan mo mas okay nang mamuhay sa masalimuot na realidad kesa sa panaginip na mapanglinlang" tugon nito sabay kindat.
Di ko alam kung namangha ba ako o nainis sa dami ng sinabi niya eh iisa lang naman ang tanong ko.
"Words of wisdom. Wow. Di ko alam ang dami mo palang alam. Tsss. Isa lang naman tanong ko ang dami mong sinabi" I said rolling my eyes on her habang ibinabalik na ang yearbook sa shelf.
Pagkatapos ko nun ay napagdesisyonan na naming umuwi.
Naglalakad kami ni Aly papuntang bus stop nang may bigla akong naramdaman. Yung pakiramdam ko sa panaginip ko habang naglalakad kami ni boy, parehong pareho sa nararamdaman ko ngayon. Biglang nagflashback sakin lahat ng nangyari sa panaginip ko...
Sana makita na kita.
Ang tanging naisambit ko sa hangin.
Nagmamadali nang makarating si Aly sa Bus stop, habang ako nagsisearch sa facebook ng account ni Rian. Takip-takip ko pa ito dahil medyo madilim ang screen dahil nasa outdoor ako kahit na full na ang brightness.
Finally, I found Rian's account. I was about to click the friend request button nang biglang may nabunggo ako sa paglalakad.
"Ouch!" rinig kong reklamo nito.
Humarap ako dito at halos hindi ako makahinga sa sobrang kaligayahan.
"Rian..."
YOU ARE READING
Fated Dreams
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo pa nakikita o nakakasama? Hindi lang yan. Maging ang kaniyang pangalan ay hindi mo alam. Sa madaling salita, nahulog ka na ba sa taong hindi mo kilala? Nahulog ka na ba sa taong sa panaginip mo lang...