//2//

5 0 0
                                    


Gaya ng dati kinwento ko lahat ng nangyari kanina kay Aly.

"Kung ako sayo girl, try mo kaya siyang hanapin" nakangising sabi nito na sinundan ng isang kindat. Haha funny.

"Paano nga? Eh hindi ko na alam ang gagawin ko. Para na akong mababaliw? Bakit ba ganitoooooo? Huhuhu. Kung magkakalovelife naman ako bakit pa ako pinapahirapan ng ganito?" pagmamaktol ko.

"I have a bright idea" Sambit ni Aly.

"Ano na naman yan? Tandaan mo yung last time na sinabi mong may bright idea ka, nandilim ang buhay ko dahil dun" seriously. Kinakabahan ako sa bawat bright idea na sina-suggest ng babae na to eh. "Ano ka ba! Accurate na to this time. See ha, diba sabi mo nagkakatotoo yung nangyayari sa panaginip mo?"

"Ahuh?" sagot ko.

"So it means, kailangan mong tandaan yung mga bagay na sa tingin mo ay magbibigay ng clue sayo para mahanap mo sya! Talino ko right?" sa totoo lang.... Medyo may point sya.

"Okay?" sagot ko na nagdadalawang isip. "Tulad ng?"

"Ano ba gurl! For example may sasabihin siya about sa sarili niya or kung san sya nakatira. Di mo ba macontrol yung sarili mo habang nasa panaginip ka?" tanong ni Aly.

"Hindi.... May sariling mundo ang sarili ko pag nasa panaginip. Gustuhin ko mang tanungin ang pangalan niya, hindi ko kaya. Para lamang akong nanonood ng sarili kong show"

"Uh-oh. Mahirap to ah. Pero basta tandaan mo lang ang sinabi ko. Tara na uwi na tayo gusto ko nang matulooooog" tumayo ito at bababa na sa aming pinipwestuhan.

Nandirito kami sa rooftop ng apartment na tinutuluyan namin. Nakahiligan na namin tumambay dito upang magpalamig at magkwentuhan ng mga nangyayari sa amin sa araw araw. Almost 1 year na rin kaming magkasama sa iisang room ni Aly kaya naman komportable na kami sa isa't-isa. Pabalik na rin ako sa aming apartment at pagpasok ko ay nakita ko si Aly na nasa kama na at mahimbing nang natutulog

Mabuti pa si Aly, walang pinoproblema...

Di tulad ko. Lagi akong ginugulo nang lalaking nasa panaginip ko. Pero bakit ko nga ba siya pinoproblema? Wala naman sigurong mangyayari kung hahayaan ko na lang siya na sa panaginip lang diba? Well okay, that's enough for tonight. I badly need some rest.


"Akin na nga yang dala mo" Kinuha niya ang dala kong mga gamit at masaya kaming naglalakad papunta sa aking tinutuluyan.

Makikita mo sa aming mga ngiti at mga mata kung gaano namin kamahal ang bawat isa. Magkahawak kamay pa kaming nag-uusap nang bigla kaming napahinto dahil nakasalubong namin si Rian, naging kaklase ko siya noong elementary pero madalang na lamang kami magkita.

"Oy Rian. Kamusta?" bati ko sa kanya.

"Ayos lang, ikaw ha di mo sakin binabalita.... Kayo na pala ng pinsan ko" doon ko napansin na pareho ng mga mata si Rian at ng lalaking kasama ko.

Ngumiti lang kami at nagpaalam na rin si Rian.

Nagpatuloy naman kami ng paglalakad nang bigla nya akong tanungin.

"Magkakilala pala kayo ni Rian?"

"Ahh.. Oo, classmate ko siya nung elementary. Ikaw ha, di mo sakin sinabi na magpinsan pala kayo" humarap ako sa kanya at tinitigan ang kaniyang mga mata.

Tinitigan niya rin ako at halos lumabas yung puso ko nang hinawakan niya ang aking mukha. Di ko alam pero kinikilig ako myghad. Mahihimatay na yata ako.

"Magp-pinsan talaga kayo, pareho kayo ng m-mata..." nauutal kong sabi dahil sa sobrang kilig.

Mahina itong tumawa at halos mawala na ang kaniyang mga mata.

"Swerte mo sakin. Araw-araw kang kikiligin" pang-aasar nito.

"Oh? Kinikilig? Ako? Hindi noh!"

"Kaya pala nauutal ka at halos masunog na yung pisngi mo sa sobrang pula at init" sambit nya at saka kinuha ang kamay ko at ipinulupot sa kaniyang braso.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pasulyap-sulyap akong tumitingin sa kaniya. Ang gwapo nya talaga sobrang swerte ko nga. Bigla akong natigilan nang mapansin kong napunta kami sa isang lugar.

School.

Ito yung school kung saan naging magkaklase kami ni Rian noon elementary. Pero ba't kami nandirito?

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kaniya.

Pero ngumiti lang ito at akma nang hahalikan ang pisngi ko nang.....



"Hoy babae gising!"

What the f?!


Fated DreamsWhere stories live. Discover now