Chapter 30. Humohopia

662 15 4
                                    

ANNE'S POV

Nagpout ako ng lips. Inipit ang dibdib. at inayos ang buhok. Okay na siguro tong ayos ko. Naka 4 inches stiletto, revealing blue backless dress na 6 inches above the knee. Kinulot ko pa nga ang buhok ko. Naku, ewan ko lang di maakit sakin si Troy.. Hihihi *evil smile

Time check. 8:30 na.. Ang tagal naman ni Troy. Halos maubos na yung bagong bili kong lipstick at foundation sa kakaretouch di pa din sya dumarating. Baka naman pinagtitripan lang ako nun. 7 daw kasi, eh anong oras na.. Tsk. Tawagan ko na nga lang sya. Binuksan ko ang bag ko para hanapin ang phone ko.

Asan na ba yun phone ko. Ang gulo gulo na naman ng gamit ko, di ko talaga makita.

"I'm sorry to keep you waiting." Mula sa tinig na lumapit sakin. Nakatayo pa sya sa gilid ko at tumingala ako para tingnan ang mukha nya. Shet. Ang gwapo talaga ni Troy. Naka shirt and jeans lang sya pero ang gwapo pa din. >///<

"Ahh. Eh. Hehe. Okay lang. Actually kakarating ko lang din." Sabi ko. Tapos naupo na sya sa upuan katapat ko.

"Ahh. Okay. Kala ko kasi kanina ka pa, eh inasikaso ko pa kasi ang asawa ko bago ako umalis kaya na-late ako." Asawa na naman. Pakelam ko ba sa asawa mo?

"Ahh. It's okay, halos magkasunod lang naman tayo." *Fake smile

May lumapit na waiter sa amin. "Good evening po Mr. Lee. I wo-"

"Good evening Mister. Hmmm. Can I have the menu"

"Ah Sir, your foods were actually settled kaninang tangahali, ordered and paid."

"Ahh. Ganon ba. Oo nga pala. Okay. Thank you."

"Okay Sir. Just wait for about 3 to 5 minutes lang po Ma'am and Sir for your dinner. If may additional orders po kayo. Please do let mw know. Thank you po."

"Okay. Thanks." Sagot naman ni Troy.

Siguro ito na ang time para masabi ko na kay Troy ang nararamdaman ko. Tutal sakin naman sya pinaubaya ni Cindy. Pakialam ko ba kung may asawa na sya, uso na ngayon ang pangaagaw ng asawa. Madami nag kabit ang naglipana sa mundo, kaya ok lang yun. Haaay. Ang pogi pogi talaga nito. Parang nung unang beses ko lang sya makita. Parang walang pinagbago. Napakaganda ng mata, ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha at ang mga labi nya, ang pula pula parang ang sarap sarap halikan.

Bilang tumingin sakin si Troy so I looked away. Napansin ata na tinititigan ko sya. -_-

"Ahm. Ang tagal ata ng pagkain." Sabi ko.

"Gutom ka na?"

"Ah. Hindi naman. Okay lang."

"Ahh. Okay."

*riiingg. riiinggg.

Kinuha ni Troy ang phone nya at sinagot ang tawag.

"Ling. Nandito na ko." Sabi ni Troy sa kausap sa cellphone nya.

Hmp. Asawa pala nya.

"Ahh. Hindi naman. Kamusta kayo dyan? Ahhh. Okay. Buti naman nandyan na sya para may kasama kayo. Sabihin mo pakabait sya." Patuloy padin si Troy sa pakikipagusap sa phone.

Haaay. Naku. Para san ba tong dinner na to. At wala naman ata akong makakausap.

"Hahaha. Osige. Ingat ah. Love you. Ba-bye. Love you. Love you." Sabi nya tapos binaba na.

Tiningnan ko lang sya at tumingin naman sya sakin. Pero nanatili lang ako na nakatingin sa kanya. Nakakainis naman.

"Ahh. Bye the way, I would like to inform you that starting tomorrow, ite-train ka na ni Ms. Legaspi, ikaw na ang bagong Department Head ng Registration Office." Sabi ni Troy

Call Me When You're BoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon