Chapter 33. Truth Hurts

634 15 4
                                    

CHAPTER 33. TRUTH HURTS

EKS' POV

Sinundo ko ang Papa ni Troy sa airport at nagdiretso kami sa bahay para iwan ang mga gamit nya saka kami tumuloy sa ospital. Kahit matanda na sya, di pa rin halata sa kanya. Parehas sila ni Troy ng pangangatawan. Tapos ang cute ng mata nya, parehas kami. Hehe. Mukhang madali din sya makapalagayang ng loob.

"Baka po gusto nyo muna kumain?" Pag-aalok ko bago kami umalis ng bahay.

"Hindi na hija. Kelangan na natin pumunta sa ospital."

"Sigurado po kayo?"

He nodded.

"Alam nyo po, para po kayong si Troy. Inuuna ang iba bago ang sarili."

Di sya umimik.

Lunok laway. Bat kasi ang daldal ko. -_-

"Sorry po. Wala po akong ibang ibig sabihin"

"Yes. I know." He smiled. "Tara na sa ospital, baka magtampo na sakin si Chonna."

"Opo. Tara."

"Erie.. Salamat ha.."

"Para saan po?"

"Para sa pag-aalaga mo kay Chonna. Sa pagganap mo sa mga tungkulin namin ni Troy."

"Sus. Wala po yun. Ina po sya ng asawa ko, dapat ko lang din po syang ituring na sarili kong ina."

"Ang swerte naman ng mga magulang mo sayo. Napakabait mo. Maganda ang pagpapalaki nila sa'yo."

I smiled. "Tara na po Mr. Ryan."

"Anong Mr. Ryan? Papa ang itawag mo sakin."

"Hehe. Opo. Tara na po Papa."

Pagbalik namin sa ospital, chinecheck ng nurse ang bp ni Mama. Matic naglaglagan ang luha nya nang makita nya si Papa Ryan. Si Papa naman titig na titig sa kanya, parang di makapaniwala sa nakikita.

"Sorry po medyo natagalan kami. Nainip po ba kayo?" Tanong ko kay Mama. Pero di sya sumagot, nakatingin lang sya kay Papa.

"Ma'am, okay na po yung bp nya. Kanina po kasi medyo bumaba. Sige po Ma'am mauna na po ako, tawagan nyo na lang po ako pag may kailangan po kayo. Pero babalik din naman po ako mamayang 3PM para sa gamot nya." Sabi ng nurse.

"Ah. Sige salamat nurse." Sagot ko.

"Okay. Welcome po." Sabi nung nurse at lumabas na sya.

"Ahm.. Sige po, maiwan ko din muna po kayo." Sabi ko sa mag-asawa.

RYAN'S POV

"Ryan.."

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko.

"Hindi okay. Pero masaya ako na... Na nandito ka.." Mahinang pagsambit ni Chonna.

"Ahmm. Maayos ba naman ang pag-asikaso sayo dito?"

She nodded. "Saka inaalagaan akong mabuti ni Erie. Buti na nga lang nandyan sya. Siguro wala na ko kung di dahil sa kanya."

"I'm sorry Chonna." I said. Nakatungo lang ako hawak ang kamay nya. Di ko inaakala na ganito ko sya madadatnan. Malamyang malamya ang itsura nya. Malalim na ang eye bugs. Mapayat at maputla. Hinang hina ang pangagatawan at hirap na makapagsalita. Nagiguilty ako..

"No. You don't have to say that. Wala ka namang kasalanan." Hinawakan nya ko sa kamay.

"Alam ko naman na kasalanan ko. Wala ako sa tabi mo. I'm sorry for being mean and making you feel that I don't care about you. Sorry ngayon lang kita nasamahan. Pakiramdam ko, ang sama sama kong tao. Di man lang kita inisip." My tears fell.

Call Me When You're BoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon