Chapter 31. SG, Here I Come

692 11 0
                                    

Chapter 31. SG, here I come

EKS' POV

Pagmulat ng mata ko, ang mahimbing na si Troy ang bumungad sakin. Napangiti ako. Nakapasok yung kamay nya sa blusa ko pero wag po kayong malisyoso, sa lumalaki kong tyan sya nakahawak.. ^_^

Nilingon ko yung orasan na nasa side table. 10AM na pala. Meron pa syang pasok. Tinapik tapik ko yung mukha nya para magising sya. "Ling, gising ka na.."

"Hmmmm." Yun lang sagot nya. Pero pikit padin sya at nakakunot ang noo. Ang sarap sa pakiramdam noh? Yung makita mo yung mahal mo ng nasa ganitong ayos. Tulog. Tapos magulo ang buhok. Pogi parin.

"Gising na po Mr. Lee, may trabaho ka pa po." Sabi ko habang gumuguhit ng linya sa dibdib nya, nakahubad kasi sya, naka boxers lang.

Tinanggal nya yung kamay nya sa tyan ko sabay talikod sakin. "Mamaya na baby"

"Baby????!!!!!" Napabangon ako bigla

"Hmmm." Tugon nya. Aba. Ginagalit ako ng lalaking to. Isang gabi lang nawala, may tinatawag nang baby?

Tumayo na ako. Parang nagising bigla ang diwa ko. "Hoy Troy. Bumangon ka na dyan!"

"Hmmm. Baby naman."

"Anong baby? Hoy Troying!! Bangon!" Sinipa ko sya sa pwet.

"Aish. Aray ko naman baby." Sabi nya tapos bumangon na sya pakamot kamot pa ng ulo.

"Anong baby? Isang gabi lang, pinagpalit mo na ko kaagad?"

O_O -->> si Troy

"Oh ano? Gulat ka na hindi ako yung baby mo??"

"Ling!!!!!!" Sigaw nya tapos malapad ang ngiti. Tumayo pa sya sa ibabaw ng kama at nagtatalon.

O_o anong nangyayari kay Troy??? Hala. Baliw na ata to.

"Nakahithit ka ba ng katol?" Tanong ko.

"Goooooodd morrrniiiiiingg Darling!!!!!!" Sabi nya tapos lumapit sakin at inakap ako ng mahigpit.

"Aray. Hindi ako makahinga." Pagtutol ko. Ang higpit kasi ng akap nya tapos alam nyo yung gigil na gigil tapos humahampay pa yung katawan. Kawawa ako ang laki nya kayang tao.

Tumigil na sya tapos tiningnan lang ako sa mata. Nakangiti sya pero tinaasan ko lang sya ng kilay. "Anong oras ka umuwi?" Tanong ko.

"Kanina lang pong madaling araw."

"Ano???!!!" O_o

"Ling, Sumabog kasi ang gulong ng kotse tapos ang lakas pa ng ulan kagabi. Ayun. Kailangan namin magpalipas ng gabi. Tumigl muna kami sa isang hotel. Promise, wala akong ginawa. Naiintindiha mo naman po, diba Ling? Kasi may tiwala ka sakin diba?" :)

"Hmmm. Oo naman." Sabi ko.

"Ling.... Good morning..." :) Sabi nya ulit.

"Ewan ko sayo. Para kang adik."

"Ling, good morning.."Sabi nya ulit.

"Ayan na. Confirmed. Siraulo nga."

He chuckled. "Ling, good morning..." Sabi nya ulit. Ay grabe. Sirang plaka.

"Osya oo na. Sige na. Bitaw na. Kanina pa natutusok yung anak mo baka nasasaktan na."

"Huh?" Nakakunot ang noo nya. Halatang di nagets.

"Yung ano mo po oh. Tumutusok."

"Ahh. Hahahahahaha." Niyakap nya ako ulit mas mahigpit pa.

"Aray ko. Hahaha. Tama na. Bitaw hahaha bitaw na kasi." with matching pangingiliti pa si Troy. Syempre pag kinikiliti ka, parang kiti kiti. Sa sobrang likot namin natapakan nya tuloy ang tsinelas sa sahig tapos nadulas sya. Kasama ako.

Call Me When You're BoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon