Chapter 32.Good and Bad

507 11 0
                                    

Chapter 32.Good and Bad

EKS' POV

Ang tagal naman ni Troy, kanina ko pa sya hinihintay. Susunduin nya lang ako tapos diretso na kami sa airport.  Yieee naeexcite na ko..

*riing riing

Ling Calling

"Hello Ling, san ka na?" Bungad ko.

"Ling, di na kita masusundo." Sabi nya

"Ha? Di na tuloy?!"

"Tuloy pa, ano ka ba. Sayang naman ang excitement mo. Hehe. Si John nalang ang susundo sayo."

"Sino yun?" Tanong ko.

"School service driver. Kilala mo yun. Familiar sya sayo. Mga 30 minutes na lang, andyan na sya."

"Eh teka. Bakit hindi ikaw?"

"May inaasikaso pa kasi ako, diretso na kami ng airport. Dun na lang tayo magkita ha, love you."

"Ahh. Magkasabay kayo ni Anne?"

"Oo Ling, sige na po. May gagawin lang ako. See you later. Love you."

"Ahh. Sige. Love you too."

-call ended-

Hmmm. Sabay pala sila ni Anne. Hmp.

Teka. Asan kaya si Ms. Chonna? Parang di lumalabas ng kwarto ah, tanghali na. O baka naman maaga pa umalis? Hmmm. Ewan ko sa kanya. Buti pa nga siguro na di kami magkita. Inaaway nya lang naman ako.

Naupo muna ako sa couch. Matagal tagal pa yung 30 minutes ahh. Napansin ko ang tasa sa ibabaw ng mesa. Ito yung ginamit ni Ms. Chonna kahapon ah. Hmp. Hindi man lang hinugasan o di kaya nilagay man lang sa lababo o di kaya tinapon na lang sana kung ayaw hugasan. Hmp. Tumayo ako at huhugasan ko muna tong tasa nya. Pero kakatayo ko pa lang, may narinig akong kumalabog mula sa kwarto nya. Hala, ano yun? Andun ba sya?

Pinatong ko muna ulit sa mesa yung tasa. Sa totoo lang, kabadong kabado ako. Baka magnanakaw yun o kaya nagpakamatay si Ms. Chonna. Aish!! Ano ba tong naiisip ko. Ewan ko ba. Nakakapraning naman!! Lakas loob  kong binuksan ag kwarto nya. Hindi naka lock. Lunok laway sabay pagbukas ko ng pinto.

O_O "Ms Chonna??!!!" Napatak ko ang phone ko sa sahig sa gulat.

Nakahandusay sya sa sahig tapos yung mga gamit na nasa side table ay nakakalat sa sahig.

O_O nagpakamatay nga ata???? Oh my god!!! Anong gagawin ko??!! Tatawagan ko na ba si Troy? Pupulutin ko na sana ang phone ko nang bigla sya gumalaw, at nabitawan ko ulit ang phone ko.. Ahh Nanay ko po!! 1 2 3 tatakbo na talaga ko. Huhuhu. Nu ba yan, Eks, relax. Wag ka magpapanic.

Nilapitan ko sya. Huhuhu O_O may dugo sya sa ulo. "Ms. Chonna naman, parang awa nyo na po. Wag nyo po ako mumultuhin."

Huhuhu. Pano ba to... I'm shaking.

Relax. Inhale. Exhale.

Hinawakan ko sya. "O_O Teka bakit mainit?? Di pa matigas. Baka pede pa isalba."

Hinawakan ko ang kamay nya at pinakiramdaman ko ang pulso tapos tinapat ko ang tenga ko dibdib nya para pakinggan ang heartbeat nya.  "Natibok pa."

Tinapat ko ang mukha ko sa mukha para maramdaman ko kung nahinga pa. "O_O Buhay pa."

"Baliw" Mahinang sabi nya.

Nagsalita sya??!! "Buhay pa nga!!! O_O"

Nagmulat sya ng mata. Ang pula ng mata nya. Oh. Creepy. Huhuhu. Takot po talaga ako sa bangkay at sa mga naghihingalo.

Call Me When You're BoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon