A/n:
Sorry sa late updated. I'm just really busy as of now like the others writter there.
Anyway, abangan nyo po ang nalalapit na pagpasok ni skyla sa M.H.
Ps. Enjoy reading. .
Dedicated to @RinShizuka
___________
[8]Welcome to MAGUS MUNDOS. .
China POV
Nagtataka ako kung bakit nagtanong sya kung mapagkakatiwalaan nya ba ako o kung hindi. She's really weard now. Yung parang may tinatago.
At ang kinagulat ko ay nagtanong sya tungkol sa Vetatis Serpens na nakatira sa isang delikadong gubat ng Magus Mundos. Pinagbabawal ang pagpasok sa gubat na yun dahil walang sino man ang may kakayahang makaligtas ng buhay sa gubat na yun. Kaya walang nakakaalam ng iba pang kakayahan ng Vetatis Serpens.
Ang Frobidden forest ay pinamumugaran ng mga class s creature from Magus Mundos and Demon World. At kasama na dito ang Vetatis serpens.
Ang gubat na ito ay hindi lang pinamumugaran nang mga class s creature. Ang gubat na ito ay mapanlinlang.
“Morning. .” Pagbati ni Skyla pagkapasok nya nang dining.
Nakangiti ito. At una mong mapapansin ang gintong mata nito. Pati na rin yung gold highlights sa buhok nya. Lalo syang gumanda.
“Anong nangyari sa mata at buhok mo, Skyla? Bakit naging kulay ginto?” Tanong ni Laila nang mapansing may nag-iba sa anak-anakan nya. Inaasahan ko na ang tungkol sa bagay na ito kaya hindi nakakagulat ang tanong nya.
“Ganyan talaga ang nangyayari sa mga tulad namin. Uhmm. . Ms. Skyla? Gusto ko lang ipaalam na pagkatapos nating kumain ay kailangan na nating umalis.” Paliwanag ni Prof Thalia kay laila sabay baling kay Skyla.
“Uh? Sa Magus Mundos ba tayo pupunta?” Inosente nyang tanong. Patay! Wala palang kaalam-alam sila prof Mystie na sinabi ko na kay Skyla ang paroroonan namin.
“Paano--- s-sinong nagsabi sayo?” Nagulat na tanong ni prof Thalia.
Sigh. “Hehe sorry? Nasabi ko kahapon eh,” Matatawa tawa kong ani.
![](https://img.wattpad.com/cover/14032553-288-k953689.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Journey and The Propecy (EDITING)
FantasíaMagical High , Isang eskwelahang itinayo libong taon ng nakakaraan para sa mga studyanteng may kakaibang kakayahan . Kakayahang di kayang gawin ng isang ordinaryong tao o mortal Witch , Wizard , Sorcerrer , fairy , elemental at ang may abilities ang...