masayang 700 reads mga walang utak na mga nagbabasa ng kwentong to! :) kumusta kayo mga chikabeybs? hehehe
salamat sa pagbabasa at sa komento niyo sa aking comment board at nawa'y pagpalain kayo ng may likha. haha tang ina kahit tinatamad ako pero nais ko pa ring ibahagi ang aking tatlong oras sa pagtatayp at magdamagang usapan at kulitan sa inyo. at kahit labag sa aking kalooban na kausapin kayo. push ko parin hehe basta ang importante ang mahalaga!
at dahil mag iisang linggo na ako sa lugar na to, napakawalang kwenta naman kasi kung paulit ulit akong magpapasalamat sa mga magbabasa haha! :) pero maraming salamat talaga. oo nagmumura ako. di ko kasi alam kung paano kayo pasalamatan. hehe kaya dun ko dinadaan yung pasasalamat ko. :) di kasi talaga ako umasa na may magababasa nitong aking kwento ngunit tanggapin niyo na ang katotohanang GWAPO ako. haha!
maiba ako,
heto talaga ang ikukwento ko sa gabing ito...
Uuwi si Ace sa lugar nila at dahil ako'y isang pobreng alindahaw haha tang ina, naisipan kong sumama sa kanya papunta sa lugar kung saan kame nararapat. singkwenta pesos ang bayad sa byahe na yun at dahil likas na kuripot si Ace dun kame sa pinakamurang sea vessel na yun at sa upper deck kame pumwesto. tang ina. nakakarelax ng puso at utak pagsakay sa sasakyang pandagat na yun.
uuwi si Ace sa kanila dahil bibisita siya sa kanyang mga kinagisnang magulang at pamilya at dahil malayo yung akin eh di makisali ako sa pamilya niya. haha! swak yun dahil sa angking kagwapuhan ko, paborito nila ako not to mention na mabait talaga akong nilalang. haha
*sign of the cross. :)
alas dos palang nasa lugar na kame ng sakayan ng mga sasakyang pandagat ngnunit sa kasamaang palad alas kwatro pa raw ang dating kasi natrapik raw yung sasakyang pandagat na yun! hehehe akalain niyo yun. di bale na lang.
balita ko uuwi rin siya! kaya kahit pangatlong pagkakataon ko pa lang na sumugod sa isang mapanganib na lugar, ginawa ko yun. kinaya kong tawirin ang dagat para lang masundan ko siya e kasi stalker ako. haha! biro lang, sumama ako kay Ace para magrelax. hehe
pagsakay palang namin ng sasakyang pandagat na yun nahagip na agad siya ng aking mata at ako'y sadyang napangiti ng nakakaloko. ano ba to? nasan ba ang hustisya sa mundo at bakit di man lang pinaglagpas na magkrus ang landas namin nung hapong yun, alas kwatro treintay singko at apat na put walong segundo. napagmasdan ko siya paakyat ng hagdan papuntang upper deck. tang ina! kelangan kong makalapit!
at dahil nga stalker ako, pumwesto ako sa may likuran nung babaeng yun! itago na natin sa pangalang "bituin" hehehe :) pumwesto ako sa likuran niya at dahil halos magkadikit lang ang upuan, nalalanghap ko ang amoy ng kanyang buhok. "she's a DOVE girl" haha! amoy DOVE na shampoo ang buhok wag magtaka kung panu ko iyon napagtanto sapagkat ganung shampoo rin ang ginagamit ko sa aking buhok. so smooth and silky. haha syet!
at dahil dun naamoy ko siya. tang ina ang bango niya nakayuko lang ako sa likuran na parang nalalasing sa amoy ng kanyang buhok at pabango. di ko maipaliwanag amo'y fresh na preppy na pabango. grabe! pinawisan ako dun sa di ko malamang dahilan! hahaha dami kong tawa. pumipikit ako at dinadama ang kanyang bango sa paglipad ng kanyang buhok dahil sa mahinang hanging habagat.
Binatukan ako ni Ace. tang ina sa sobrang kakornihan ko di ko napansin na kanina pa pala ako kinakausap nung crew ng sasakyang pandagat na yun dahil sila'y nangongolekta na ng ticket! syet lang panira ng moment. haha! nasa harapan ko lang siya at nakikita kong nagwawattpad siya sa cellphone niya. nasisilip ko lang kaya ang ginagawa niya himalang wala siyang katext at nag iinternet lang siya sa phone niya. :) nakikita ko kasi ang ginagawa niya sa may likuran eh di naman malayo ang mga upuan dun sa sasakyan na yun. haha
dumidilim na kasi parang alas singko na nung umalis galing samin yung sasakyan na yun. alas singko treintay singko :) nagsimula na ang byahe ng pag ibig! haha minsan sinusulyapan ko. minsan kinakausap ko siya alam kong di niya naman ako maririnig dahil naka earphone naman siya. haha! tang ina. tanga na ba ako? haha! dami ko tawa. hanggang sa dumating kami sa aming destinasyon alas otso ng gabi. nag aalala ako sa kanya dahil baka gutom na siya bibigyan ko sana siya ng katol panghithit o di kaya'y thinner kaso wala akong dala. haha.
------sino kaya siya? haha!
pakinshit! haha
hinahangaan ko siya sa loob at labas at kahit binubulong ni Ace na chicks daw ang nasa harap di ko magawang maka damoves dahil alam kong di naman niya ako makikita. haha. oo bulag siya dahil nakatuon ang mata niya sa isang taong pinapahalagahan niya! haha. korni ba? pero yun ang totoo! haha.
at kahit ganun, ayos lang marami pa namang ibang pwedeng hangaan diyan. ngunit. haha. :) hinangaan ko siya hindi ng dahil sa maganda siya bagkus para sakin maganda siya dahil hinahangaan ko siya. :)
kung alam mo lang sinta,
marami mang babae pero ikaw ang iba.
maganda nga sila pero ikaw ang hanap ko. :)
ikaw ang gusto ko naririnig mo ba ako?
haha! baduy na baduy ngunit alam kong isang pag iinarte lang to at lilipas din! :) haha at sa mga umaasa diyan na mapansin ko, tang ina niyo. wag mawalang ng pag asa! :) pogi kasi ako. de, biro lang yun. :) alam ko namang walang nagkakagusto sakin dito sa mundo ng wattpad. meron ba? raise your left hand! haha :) tang ina lasing yata ako. nakainom kasi ng konti. emperador light ni @iamuwa at nakahithit ng tsinelas ni @emosyon :) kapwa pogi kong manunulat yan! na may saltik din sa pag iisip. haha! :)
feeling pogi talaga ako no? :) sorry naman. ayaw ko kasing magsinungaling lalong lalo na sa inyo at sa sarili ko. haha!
ayun nga sa pogi code #1 ni @iamuwa:
"ang Tunay na Pogi ay naniniwala na siya ay Tunay na Pogi!"
"ang Tunay na Pogi walang Girlfriend pero may Utak at may CONDOM sa wallet" haha!
edited~ :)
at sa kasabihan naman ni @emosyon:
"may mga bagay kasing DI TALAGA pwede..."
may maipapayo ba kayo? :) hehehe
haha nakahithit ako ng mertayolet. haha :)
nahihithit ba yun? hehe
![](https://img.wattpad.com/cover/17238227-288-k650431.jpg)
BINABASA MO ANG
unang araw ko sa wattpad
Randomat dahil likas na malawak ang imahinasyon ko. heto ang isang napakagandang storyang handog ng isang gwapong gago na kagaya ko. :) haha. although medyo opposite sa sinabi ko pero wala akong pakialam. wag nyo kong mumurahin, mahalin niyo ko. :) hehe...