ako si devilishlystupid sa username ko palang mapapagtanto niyo na ako'y isang munggago at muntangang nilalang. sa kabanatang ito aamin ako.
nais ko lang ipabatid sa mga nagbabasa ng aking kwento na lingid sa inyong kaalaman ako'y may pinagdadaanan. hehe biro lang!
ganito kasi yan,
sabi nga ni pareng @emosyon
"mas gusto niya ang wattpad kaysa facebook kasi dito malaya mong masasabi ang nasa isip mo. pwede kang magmura kung kailan mo gusto at walang mangingialam sayo kahit lahat ng mura nasabi mo na. pwede mong ikwento lahat ng katarantaduhan mo ng hindi ka hinuhusgahan ng mga tao. minamahal ka ng tao sa kung ano ka at sa kung anong sinusulat mo. minamahal ka hindi dahil mukha mo o sa mga natagumpayan mo sa mundo."
totoo. pawang katotohanan ang lahat ng sinabi niya na umabot sa puntong nais kong umiyak! haha biro lang pero seryoso heto ang opinion ko...
ako si Prince. isang mapagmurang nilalang. isang mayabang at tarantadong lalaki. nagsulat ako hindi para sumikat dito kasi ang totoo nagsulat ako para malaman niyong gwapo ako. haha biro lang. nagsulat ako dahil dito ko nailalabas ang aking talento (di ako sigurado kung talento nga ang matatawag niyo sa ginagawa ko) pero guys, di ko alam kung bakit patuloy niyong binabasa yung sinusulat ko kahit alam kong wala talaga kayong mapapala sa mga binabasa niyo.
alam kong di ito lovestory. hindi horror o romance. hindi rin to teen fiction o adventure. ito ay kwento na hango sa aking karanasan sa tunay na buhay. hindi to lokohan kahit pa sabihin niyong walang kwentang ang mga sinasabi ko sa bawat kabanata na binasa niyo. pero ito ang gusto kong isulat e. haha
nagmumura ako. OO! alam kong anghel kayo at ako ang dakilang mapagmurang makapal ang mukhang tao. pero ito talaga ang tunay kong pagkatao. hindi ka sumali sa wattpad para makipagplastikan!
di ka sumali sa wattpad para makiuso.
di ka sumali sa wattpad para magpakitang tao. kunwari mabait ka para hangaan ka? NO.
di ganun. lahat tayo may masamang ugali. kahit ako alam kong may masama akong ugali. haha pero yung gusto kong ipakita yung devilishlystupid na akong ako.
pangalan lang ang pinalit pero kahit bali baliktarin niyo ang inyong utak, AKO ay ang tunay na ako.
buhay ng wattpad.
maingay.
makulit.
masakit.
haha! oo masakit. nakakasakit ng damdamin.
pero ang wattpad nagiging daan upang ilabas mo ang iyong pananaw sa mga bagay bagay sa SARILI MONG PARAAN. maaaring di nyo magustuhan ang paraan ng aking pagsusulat ngunit wala kayong magagawa. haha
![](https://img.wattpad.com/cover/17238227-288-k650431.jpg)
BINABASA MO ANG
unang araw ko sa wattpad
Randomat dahil likas na malawak ang imahinasyon ko. heto ang isang napakagandang storyang handog ng isang gwapong gago na kagaya ko. :) haha. although medyo opposite sa sinabi ko pero wala akong pakialam. wag nyo kong mumurahin, mahalin niyo ko. :) hehe...