nakashabu yata ako mga pre :)
JUNE 3, 2014 ngayon. alas singko ng umaga. hinintay ko talagang mag umaga para lang mailagay ko ang storya kong galing sa ideya ng aking malikot na medulla oblongata ka teamwork ng hypothalamus at cerebellum kasama na rin ang cerebrum. tang ina, san ko natutunan yan? XD matalino pala akong tao. maniwala kayo. sige, manalangin tayo.
in the name of the father.. of the son and of the holy spirit. salamat Panginoon sa pagbibigay ng isang talentong ako lang ang nakakalam :) mahal kita. alam mo yan.
sa pagtakbo ng kwento ko, nakilala tong mga nagagandahang dilag na parang diwata sa aking mga mata. potres. baduy. haha. diwata, ikaw ang pinakamaganda. pag pinagmamasdan kita parang nagmamalikmata. buti na lang kamukha ko si abra at nagagawa kong kantahin yung kanta niya. haha :)
sa nag iisang babaeng nagdagdag ng kwento ko sa reading list niya at gumawa ng book cover ko. check niyo sa who's reading this. dalawa lang kaming nandun. yeah. solong solo. haha :) biro lang. wag niyo akong husgahan sapagkat nasa sarili ko na at nasa katawan ko na ang pagiging palabiro. oo.
sabi nga nila may mga bagay na totoo pero mas madaling sabihin pag pabiro. maniwala ka. trust me :)
sabi ko naman sayong magaling akong gumawa ng kwentong kalokohan at nakakalasing kasi ako ang isang certified valedictorian sa asignaturang literatura. at gamit ang literaturang mga malalalim na salita na may malalim na pang unawa at nais kong iabot aking masidhing damdamin na may kasamang galak dahil maraming nagbasa ng kwento ko kahit puro pagmamayabang at kalokohan ang laman.
di ako mayabang. may kumpyansa lang talaga ako sa sarili ko. haha :) wag niyo isiping nagpapalusot ako kung ayaw niyong ihampas ko tong gitara sa mga pagmumukha niyo. BIRO yun :)
salamat @mhiellefioure, ayan na nasabi ko na ng walang intro intro. :) ang kauna unahang fans ko na nakilala ko dito sa wattpad. wala naman akong paki sayo kahit marami kang stalker sa message board mo. minsan nga napadaan ako dun nung isang araw. tang ina, nakakahiyang magmessage pero nilakasan ko ang aking loob at kinapalan ko ang aking makapal na mukha para lang mabati kita dun. at para pilitin magbasa ng aking kwentong kaepalan at kahunghangan. at dahil ika'y dakilang uto uto. nagbasa ka rin. at yun nagkunwari kang nagustuhan mo at nakipagplastikan sakin. haha :) biro lang. alam ko kasing idol mo ako. idol din naman kita kahit kunwari lang. haha XD
si @mgakwentonimaria na si maria na anak ng nanay at tatay niya na kapatid ng kapatid niya. na pinsan ko sa tuhod at balakang. XD salamat sa binitawan mong salita na susuportahan mo kung me kwento akong bago na gagawin. hehe. sasabihin ko lang na wala na akong kwentong gagawin. kundi eto lang. haha :) at gusto ko ding sabihin na sana mabasa mo to dahil ibinida ka ng gwapong kagaya ko sa kwentong kalokohang gawa ko. naalala ko tuloy tong sinabi kong "chicks na kita niyan bla bla bla.." tapos biglang comment mo "LOL". talagang capslock ah :) LOL. isang expression yan pag na aw awkward ang isang tao. tama ba? haha :) sign of the cross.
sa mga nagvote sa chapter ko. maraming salamat. kakandidato kasi ako bilang isang "gagong nilalang" na inilikha ng may likha. sa mga nagbasa na di nagcomment, silent reader ang tawag dun. salamat sa inyo. di ko na masyadong maalala ang mga nagvote at nagbasa, masyado kasing marami ang mga nagbasa haha mga tatlo. marami na para sakin yun. ganun kababaw ang aking kaligayahan na sana'y maunawaan niyo ang aking mga sinasabi.
kay @beinteotso na tingin ko'y beinte otso ang kanyang edad. haha :) na sobrang na insomnia nung mabasa niya to at panay tawag ng gago ah este gwapo sa mala goddess na mukha na kagaya ko. salamat sa iyong pagbabasa sa kwento kong aking pinaghandaan at pinag iisipan ng maigi bago ilabas sa entablado ng mga makata at manunulat na kagaya ko :) SALAMAMT SA PAG FOLLOW. na followback na kita kahit di ko nakasanayang mag followback kasi madalas followfirst ang nangyayari sa akin. haha :)
kay @hanao7
TANG INA. di ako naghithit ng katol miss. haha :) thinner yung hinithit ko magdamag. haha. thinner na may halong glue. salamat at nasabi mong may potential akong sumikat dito sa ibang dimension na aking pinasok. umaasa ako na patuloy kang magbabasa ng kwento ko kahit di mo naman nilagay sa reading list mo. :) okay lang yun. nawa'y makonsensya ka at idadagdag mo to sa reading list mo. maawa ka. haha :) biro lang. basta salamat sa pag aksaya ng panahon mo at sa pagiging uto uto sa pagmessage ko na basahin mo itong gawa ko haha :)
------------
tungkol naman sa akin..
congrats sa akin dahil may 10 followers ako. sa pagdami ng followers ko, dumodoble naman ang dami ng finafollow ko. XD tang ina. napapakamot ako ng ulo kahit wala naman akong kuto.
hanggang kelan ba nila kakapalan ang mukha nila at di man lang nila naisip na ifollowback ako? haha :) ang kakapal talaga. hindi ako HEARTLESS. natuto lang akong gumamit ng heart LESS :) haha oo. basag ang puso ko. at dahil basag yun, humithit ako ng rugby para mabuo ulit yun. potris anu daw? :)
maya 39 reads na itong kwento ko at sa awa ng mga taong napilitang magbasa may 11 votes na ako. sobrang nakakatuwa talaga ang mga pangyayari sa buhay ko dito kaya sa sobrang tuwa ko balak kong matulog ulit pagkatapos kong mai publish ito. oo. masayang masaya ako. masaya. kaya itulog ko nalang to kesa naman maghithit ako ng katol. XD :) hyper na hyper ako. ang tanga ko no? okay lang. mas tanga naman kayo. haha :) joke lang yun. lahat naman tayo tanga. mas tanga lang talaga kayo. :) sampalin niyo na ako.
----- umaga pa lang nanakit na ang utak ko sa pag iisip ng isusulat ko dito kahit di ako sigurado kung may utak ba ako. pero medyo ramdam ko naman na meron ako nun. haha :) may commonsense ako at may sense of humor. buti nalang non sense tong kwento ko.
nais kong sabihin sa inyo na labis akong nagagalak at nagpapasalamat sa pagbabasa niyo sa kwento ko kahit parang kanina pa yata ako nagpapasamat dito. nais kong ipabatid na nasa kailaliman at kaibuturan ng aking puso ang pasasalamat at tuwa ng mabasa ko ang mga magagandang komento niyo sa aking comment board na nagtulak sakin para ipush ko na ang pagsusulat. ang lalim ng aking pag iisip ay kasing lalim ng dagat pasipiko na kung inyong lalanguyin ay maaring malunod kayo... sa aking pagmamahal. haha tang ina. ang baduy.
alas sais na nung matapos ko itong itype.. sinisipag din pala ang mga gwapo na gaya ko kapag kinakilangan at kapag ginusto.
sabi nga ng quotes dun sa profile ni ano..
"may mga bagay na mali sa simula. pero pag natutunan mo ng ipaglaban, unti unti nang nagiging tama" :)
astig yun. dahil nilagay niya yun para sa mga frustrated writer na gaya ko na sobrang ambisyoso sa paghangad ng pangarap ng kasing taas ng cell site namin dito. abot abot ko lang. haha :)
nga pala, kung medyo idol niyo ako ng konte. konte lang naman. :) add niyo naman tong storya ko sa reading list niyo para di awkward na dalawa lang kami ang nandun. haha :) teamwork tayo mga pare. :)
magandang umaga sa inyo mga ka WATTPAD ko. :)
gago ako. :) di baleng gago basta gwapo. haha :)
peace tayo. tara kape tayo! :) kopiko to. XD
BINABASA MO ANG
unang araw ko sa wattpad
Casualeat dahil likas na malawak ang imahinasyon ko. heto ang isang napakagandang storyang handog ng isang gwapong gago na kagaya ko. :) haha. although medyo opposite sa sinabi ko pero wala akong pakialam. wag nyo kong mumurahin, mahalin niyo ko. :) hehe...