02: the flower stand

131 20 3
                                    

Everything felt so heavy. Even the backpack he brought with him weighs him down, kahit na tatlong pares lang naman yon ng damit. His heart is in his stomach. His eyelids are falling too. Ang bigat bigat lang ng lahat.

"Matulog ka na muna."

Igigiya sana ni Sehun ang ulo nya sa balikat nito pero iniwas nya yon.

"Don't."

He almost thought Sehun will understand pero mukang busy pa rin 'to sa lalaki nya. He didn't even try to accompany him back to China. May kailangan daw tong gawin sa Japan. Hanggang airport lang nya kayang ihatid si Luhan... tangina naman, kung hindi pa siguro to pupunta ng Japan, hindi pa sya nito maihahatid sa airport.

Habang tumatagal, lalong nanunuot ang galit sa kalamnan nya. Sa lalaki ni Oh Sehun, at kay Oh Sehun. Gusto nyang mag-makaawa sa dalawa, kahit ngayon lang, kahit hanggang China lang, kailangang kailangan nya lang talaga si Sehun sa tabi nya. Pahiramin muna sya nito. Wag muna nitong kunin lahat ng oras ng lalaki.

Bullshit.

That was so pathetic. His mind wasn't sober enough to think rationally. Bakit sya ang manghihingi sakanila? He has all the right to do anything he wanted. Sila dapat ang nagtatago sakanya. Pero bakit parang sya pa tong pulubi sa kanilang tatlo. Sya pa tong nanlilimos sa oras, atensyon at pagmamahal ng lalaki.

"I'll go to China directly after I'm done in Japan." Hinalikan sya ni Sehun sa noo saka ito tumayo dahil tinatawag na ang flight nito pa-Osaka.

He was left there alone wondering why the kiss didn't even feel like a kiss. It felt like a brick was busted on his forehead. Hindi katulad ng dati.

Bago tawagin ang flight nya, tinawagan nya muna si Yixing para sabihing pauwi na sya. Yixing has always been a big part of his family's life. Inampon to ng nanay nya nung limang taon na sya, apat taon to non.

Yixing played the role of the son that he didn't get to fulfill... because of his pride and ambitions.

Everything was planned from the very start.

Nag aral sya sa ibang bansa, nagtraining sa iba't-ibang kompanya, he toughen his connections and himself, para pagbalik nya, handa na syang magtake over sa kompanyang pinaghirapan ng Baba nya.

Sehun was never in tha plan. Sehun just happened, and he was so unprepared, his world suddenly changed it's orbit, it suddenly changed plans, and it changed his priorities.

Now look what happened, ganto yata talaga kapag tumataliwas ka sa plano. It becomes painful.

●●●

The vigil was set to be held once he got home. Pangalawang gabi na ng burol ng Baba nya, and he knew how much stress their Mama is undergoing.

Nakapagpamigay na rin ng invitations for the wake, it was handled by Yixing. Sehun was the company's model in Korea kaya naman binigyan din ito ng invitation, but heck, pag pasok nya bumungad agad sakanya ang pagkalaki laki nitong flower stand.

Fucking asshole. Wala talagang balak pumunta.

"Luhan?" Niyakap nya ang Mama nya saka nya ito hinalikan sa pisngi.

No words were spoken, niyakap nya lang ang ina at hinayaan itong umiyak sa balikat nya. God knows how much pain his mother feels right now.

If he could just share his mother's pain. Pagkatapos nilang magyakapan, dumating si Yixing na may dalang tubig. Yixing will always be the better son between the both of them.

HunHan: Enough ¦ 슬픈 사랑 SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon