"AKYAT BAHAAAAAAAAAAAAAAAAAY!!!-"
"asjsnfijdfdefhvhdkbhj" - naputol ang pagsigaw ko nang takpan ng lalaking akyat bahay ang nagmamalaki kong bunganga.
"sshshhhhh!!" - sita niya sa pag-iingay ko. Ayoko ngang tumahimik! Hump!
"Tatanggalin ko na yung kamay ko. Huwag kang sisigaw kundi!" - bulong niya sa akin kaya naman ako na ang nag-tanggal ng kamay niya sa bunganga ko at binulyawan siya.
Hinarap ko siya. Wow. Ang pogi niya.
Heh! Erase...Erase...
"KAHIT SAN KA MAN MAG-HANAP NG TAO NGAYON WALANG MATINONG TAO ANG MAKIKIPAG- COOPERATE SA ISANG AKYAT BAHAY NA NAKAWAN ANG SARILI NIYANG BAHAY!!!" - sigaw ko.
"Aisht! Ang ingay mo!" - sabi niya saka hinawakan ang ulo ko at nilapit ang leeg ko sa bunganga niya.
Bago ako mahimatay, naramdaman kong may tumusok sa leeg ko. Masakit.
****************************
May mahinang tumapik sa pisngi ko.
"Huy, gising" narinig kong sabi ng isang lalaki.
Lalaki?
Agad kong ibinuka ang mga mata ko. Oo nga. Yung akyat bahay. Nakahiga ako sa sofa. Tiningnan ko siya ngayon na nasa gilid ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" pasigaw kong tanong sa kanya.
"Pwede namang mag-salita ng maayos diba? Kailangan sumigaw?" Aba aba! At siya pa talaga ang may ganang mamilosopo ha.
"Bakit? Ano bang ine expect mo? Welcome ka dito sa condo ko? kailangan pa kitang paglutuan ng dinner? e mismong yung pintuan ayaw bumukas para sayo?!" Tinuro ko naman yung pintuan. Tiningnan niya naman yun nang parang nagtataka.
"Hindi naman ako diyan dumaan e."
Nanlaki ang mata ko. Nasabi niya pa talaga yun na parang normal lang na bagay?! Anong klaseng akyat bahay ba 'to? Hindi marunong gumamit ng elevator.
Malamang Cheryl. Akyat bahay nga diba? Atsaka huwag ka nang sumigaw ng 'tulong' wala rin namang makakarinig sa'yo e. Kung bakit pa kasi naisipan mong pumili ng soundproof na condo, yan tuloy. Lugi ka.
Pagda dada sa akin ng utak ko. Binalik ko na lang ang atensyon ko dun sa lalaki.
"Ako bang pinagloloko loko mo ha? E saan ka pa dadaan kung hindi diyan sa pintuan na yan?" Tinuro niya yung bukas na bintana.
Teka, huwag mong sabihing--
"Sa bintana ako dumaan." Nakatitig lang siya akin na parang nagtataka kung bakit napaka impossible nun.
Aba! Impossible talaga! Nasa fourth floor ang condo ko e! Agad akong napaupo ng maayos sa sofa.
"Papano ka nakadaan diyan?! e ang taas kaya ng building na'to. Considering the fact na nasa fourth floor ako." Nag shrug lang siya.
"Tinalon ko."
Napa nganga ako. Paano niya tinalon--
~ Now I'm speechless
Over the edge and
Just breathless
I never thought that I'd get-- ~
Biglang nag-ring yung cellphone ko sa bag ko, kaya bago pa matapos sinagot ko na.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
I'M A VAMPIRE?!
Teen FictionMay nakapag-sabi sa akin- BAMPIRA daw ako. Tss. Maniwala. Kung bampira ako, hindi dapat ako nakakatagal sa ilalim ng araw. Hindi dapat ako nandidiri sa dugo kasi yun ang dapat na nag bubuhay sa akin. Hindi dapat ako nag kakapeklat dahil sa sugat...