Author's Note:
I just want to thank RoesellaHetzer for voting and commenting on this story and also for appreciating the plot. Ito na yung update sana magustuhan mo :) Thanks for reading in advance haha....
I followed the young boy through the forest. May patago tago din akong nalalaman baka kasi makita niya ako. Ngayon ko lang napansin, familiar yung mukha nung bata. Kating kati na akong malaman kung sino siya. Tuloy lang ako sa pagsunod sa kanya, pero siya, dedma. Nasa likuran niya lang ako pero parang wala siyang nararamdaman. Kakalabitin ko na sana siya, nang may marinig akong sigaw ng isang babae. Bigla akong natakot kaya nabawi ko yung kamay ko.
Napatingin ako sa bata nang bigla siyang tumago sa puno. Yung takot kitang kita mo sa mukha niya. The next thing he did made me stiffen. Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga niya.
Takot ba siya sa akin?
Nilapitan ko siya para pakalmahin.
"Bata, huwag kang matakot-" naputol ang sinasabi ko nang may marinig akong sigaw ng taong ready nang pumatay sa likuran ko.
Nevertheless, tiningnan ko pa rin kung ano yung nasa likuran ko (malay ko ba kung nananakot lang yun diba?) . But what I saw made me scream in fear. Sino ba namang hindi sisigaw kung yung taong nasa harapan mo ay may dala dalang itak at handa ka nang patayin?
Ano ba naman 'to? Saan at kailan ba ako napadpad at parang trending ata ang patayan dito? Sikat ata ang KKK dito- Kataas-taasan, Kagalang-galang na Kamatayan ng mga anak ng bayan- Ay! Naku naman po! Huwag naman sana. Bakit ba lagi na lang nasa piligro ang buhay ko ngayong araw na'to? At ang dami dami kong tanong wala naman akong ni isang sagot!
He swung the itak to my direction, at mas nagulat ako sa nangyari, it went through me. Para akong invisible. Para akong multo at wala silang sixth sense.
Pano nangyari yon? May super powers ba ako?
And then, realization hit me. This can't be one of his memories right?
I watched as the boy dodged the blow with an amazing speed. Tinitigan ko talaga yung mukha nung bata.
Kamukha niya nga. Younger version.
Kahit gaano ka kabilis may limit pa rin yun, yes, nahuli siya. Kinaladkad si Cedric ng lalaki palabas nang gubat (hindi lang pala patayan ang uso dito, child abuse din). Ngayon ko lang napansin, ang lapit na pala naming dalawa ni little Cedric dun, kaso umepal yung war freak na kuya.
Muli kong narinig ang sigaw ng babae kaya nawala ang atensyon ko sa kanila at napatakbo ako sa labas ng gubat (buti na lang talaga hindi ako naka heels). Pagkalabas ko nakita ko ang isang grupo ng mga tao na nakapalibot sa isang malaking bonfire. But something is wrong. May nakita ako gumalaw sa gitna nito. I narrowed my eyes to distinguish what it is, medyo malayo kasi.
Ano ba yun?
Oh my gosh...
Napatakip ako sa bibig ko at napaatras nang malaman ko kung ano yun. Isang babae na nakatali sa gitna ng bonfire at sinusunog nila ng buhay. Yung mga sigaw na narinig ko, siya ba? Siya ba yun? Hindi ko napigilan yung mga luha ko. Bakit? Anong ginawa niya?
Bigla akong namutla nang maisip ko baka isunod nila si Cedric.
Hindi. Hindi pwede.
Nakita kong malapit na silang dumating dun sa mga grupo. Wala na akong ibang maisip kundi tumakbo para maabutan sila. Dumating na sila kung saan sila dapat makarating kaya mas binilisan ko yung pagtakbo ko.
BINABASA MO ANG
I'M A VAMPIRE?!
Teen FictionMay nakapag-sabi sa akin- BAMPIRA daw ako. Tss. Maniwala. Kung bampira ako, hindi dapat ako nakakatagal sa ilalim ng araw. Hindi dapat ako nandidiri sa dugo kasi yun ang dapat na nag bubuhay sa akin. Hindi dapat ako nag kakapeklat dahil sa sugat...