Note: Ito na po yung update! But before that I want to thank cutiexrcille for being the first person to comment on this story hehehe ( I was really happy when I saw someone commented on it. I was like weeeeeeeee!! hahaha) ...and I thank you for adding my story to your reading list. Thank you so much. :)))
Anyway, heto na po yung update.
*************************"Aray....hinaan mo naman ang sakit e!" bulyaw ko kay A.B. e kasi naman! kung makapag-'pahid' ng cotton sa sugat ko e parang galit na galit. Hindi na pahid yun, ngudngod na. May alcohol pa naman yung bulak.
Ikaw naman kasi Cheryl bakit ba kasi naisipan mong mag-scuba diving sa imburnal. Naka mini skirt ka pa naman! O ayan. Ang dumi dumi mo na nga, amoy tae ka pa!
I glared at him habang siya naman masyadong busy sa pag-gamot ng 'mga' sugat ko. O di ba? Ang dami!
This is all your fault-
"Hey, don't blame me. Ikaw kaya ang hindi tumingin sa dinadaanan mo kaya ka nahulog." Pag-putol niya sa iniisip ko.
"Aba! Paano mo nabasa iniisip ko? E hindi ka nga nakatingin sa akin e." sabi ko sabay halukipkip.
He tapped the side if his right eye and then said:
"Paraphernalia."
"Kung hindi nga kita tinulungan baka hanggang ngayon nandon ka pa rin. Dapat mag-thank you ka-" hindi niya na natuloy sasabihin niya kasi pinalamon ko na yung dalawang bilog na bulak sa kanya tapos binatukan ko siya.
"Hoy! Anong 'thank you'? E kung hindi dahil pinagpilitan mo sa akin na bampira ako edi sana hindi ako naglakad ng mabilis at makikilatis ko pa ang daan!" Iniluwa niya yung dalawang cotton sabay pout at tingin ng masama sa akin.
'Tong lalaking 'to, parang bata. Kung hindi ka lang cute kanina ko pa binuhos yung alcohol sa pagmumukha mo.
Nagulat ako nung bigla siyang ngumiti ng pagkatamis tamis sa akin. Ang gwapo.
"Thank you." Sabi niya at nagpatuloy nang gamutin yung sugat ko sa tuhod.
I blinked twice before I realized:
He can read minds. (Kung bampira nga siya. Malay natin hindi.)
*Ding Dong*
Agad kaming napatingin sa pintuan ng condo ko.
Oh no. Sigurado ako si Trish yun. Tinext ko siya kanina na masakit ang ulo ko e.Hindi niya ako pwedeng makitang sugatan! I'm not good in lying!
*Ding Dong*
Agad na nanlaki yung mata naming dalawa at mabilis na tinago yung first aid kit at tinapon yung nagamit na mga bulak sa basurahan.
I yelped when I felt him carry me in bridal style saka siya pumunta sa may bintana at binuksan ito tapos pumatong sa edge nito. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang makita ko yung mga sasakyan sa baba at kung gaano kataas ang mahuhulugan namin. I looked at him.
"Please tell me you're not going to jump." I said, my eyes almost popping out.
"I'd be glad to tell you that," he glanced at me.
"Do you want me to?" he finished.
I shook my head.
"No, please don't jump. Ayoko pang mamatay. Kung gusto mo, ikaw na lang. Huwag mo na akong idamay. Please. Ayokong madagdagan ang mga sugat ko masakit e." I begged and he sighed out loud.
"You're immortal." he stated at walang pa sabi sabing tumalon leaving my hearty heart at the fourth floor.
"CEDRIIIIIIIIIIIIIIC!!!!!!!!!!" Tili ko. Wala na, madilim na ang paligid.....kasi nakapikit ako. Pero ramdam na ramdam ko yung pagka-hulog namin.
"NAKUU! KAPAG AKO NABUHAY PAGKATAPOS NITO, KUNG TOTOO MAN ANG SINABI MO NA BAMPIRA AKO, SISIPSIPIN KO LAHAT NG DUGO SA KATAWAN MO-AAAAAAAAAAHHHH!!!!!" Nasa kalagitnaan ako ng pagda-dada with matching panggi-gigil and flap ni hair sa likuran ko dahil kay air nang mapansin kong malapit na pala kaming mag-land sa kalsada.
Wow, Cheryl, bakit feeling mo ba naka parachute ka? Girl, wala kang parachute 'bagsak' ang tawag diyan. Kumbaga sa English 'hit' hindi 'land'
Heh! Shut up brain! Shut up! Anyways...
Napansin kong may malaking truck na paparating. Teka nga muna! Akala ko ba nakapikit ako? Akala ko lang ba yun? Kelan ko ibinuka ang mata ko? Kelan?! Sabihin niyo!
*************************
"Huy! Nakatulala ka diyan. O ano, sisipsipin mo na ba yung dugo ko?" Biro niya. Nakita ko siya sa harap ko na naka-expose ang leeg. Napansin kong nasa rooftop kami ng isang mataas na building. Kung pano kami nakarating doon hindi ko na naisip.
I stiffened. Narinig ko ang pulse niya. Bakit may pulse siya? Di ba bampira siya? Patay na siya. Dapat wala siyang pulso. Napatitig ako sa kanya. Hindi na rin rumehistro sa utak ko ang tanong kung paano ko narinig yung pintig ng hearty heart niya kahit medyo malayo siya sa akin. Bakit ba ang bilis kong maniwala na bampira siya?
I suddenly felt thirsty as I listened to his pulse. Kung kanina nakaluhod siya sa harap ko, now he's leaning back on both of his arms while I am in the middle of his thighs, leaning forward and my right hand is beside his right hip. The fingers on my left hand stroked the side of his neck where his pulse is.
Alam kong mainit ang araw pero bakit parang hindi naman galing sa araw 'tong init na'to? Pati siya hindi rin alam ang gagawin niya ako naman, hindi ko macontrol ang katawan ko. I put my hand on his shoulder. Titig na titig ako sa leeg niya at mas nagulat ako sa susunod kong ginawa. I bit him. Napapikit ako nung malasahan ko yung dugo niya. Akala masusuka ako pero iba ang lasa ng dugo niya, masarap. I drank it.
Napahawak ang dalawang kamay niya sa ulo ko, I thought he would yank it away but instead, he just tilted it to the side and bit my neck. He also drank my blood.
Meganon?! So, ano 'to? Inuman pre? Tagay pa! Sabi ng inner self ko pero parang wala akong pakialam. I continued to drink na parang uhaw na uhaw ako. Pareho lang kami.
Inayos niya yung posisyon namin. I sat on his lap while both of my hands wrapped around him. His left hand held my head in place and his right hand wrapped around my waist.
Ngayon nakapikit na ako kanina ni hindi ko man lang alam nakadilat na pala ako. Ano bang nangyayari sa akin?
Bigla kaming napatigil sa ginagawa namin. We immediately drew our faces away from our necks.
Dumilat ako at nakita ko ang spacious rooftop ng building kung nasaan kami. But I feel something is about to come.
Lumabo ang paningin ko and my eyes opened wide when series of memories flashed into my vision.Sigurado ako hindi 'to sa akin. It's his...it's his memories.
Tumigil din siya kanina kasabay ko. Nakikita niya rin kaya ang mga alaala ko?
No, no. Hindi niya pwedeng makita ang mga alaala ko. May mga secrets din ako at hindi niya pwedeng malaman yun.
Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang isang batang nakatago sa likod ng puno. Sa tingin ko malalim na ang gabi at parang may sinusundan siya.
Nung lumabas na yung bata sa kinatataguan niya, I felt the urge to follow him and so I did.
Sino kaya 'tong batang 'to at sino ang sinusundan niya?
Pero in fairness naman sa akin ah. Lagi na lang akong napapatigil ngayong araw na'to.*************************
And that is the end of the update. I hope you like it! :)
Kung boring, sorry po...... :)
BINABASA MO ANG
I'M A VAMPIRE?!
Teen FictionMay nakapag-sabi sa akin- BAMPIRA daw ako. Tss. Maniwala. Kung bampira ako, hindi dapat ako nakakatagal sa ilalim ng araw. Hindi dapat ako nandidiri sa dugo kasi yun ang dapat na nag bubuhay sa akin. Hindi dapat ako nag kakapeklat dahil sa sugat...