Chapter 5: Familiar

26 1 0
                                    

"Sa bahay namin." Sagot niya pagkatapos niyang huminga ng malalim.

"Namin? May kasama ka dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ay wala, wala. Kakasabi lang e." Pamimilosopo niya sabay irap sa akin at lakad papunta sa direksyon ko. 'Tong lalaking 'to kung makairap tinalo pa ako na isang babae.

"Bading talaga 'to.." bulong ko pero narinig niya ata kaya biglang naramdaman ko na lang yung pagka-sandal ng likod ko sa pintuan.

He cornered me with his arms, his face is so close.

Oops...Wrong move.

He chuckled evilly while looking into my eyes.

"Yes. That's right. Wrong...move." He ran his fingers on my hair and then held my chin making me look into his eyes. He looked at my lips.

"Stop biting your lower lip. Mas lalong namumula at..." He whispered the last words in my ear and my beautiful eyes widened. Si hearty heart naman ang OA kung mag-react, parang nakikipag karera.

Baka mahalikan kita....mahalikan kita...

His last words echoed in my head nang makalayo na siya. He's smirking. Bakit ba kasi gwapo ka ha? Hindi ba pwedeng may hitsura lang? Kailangan gwapo talaga? Pahirapan ba naman ako? Ugh! This is so unfair!

Grrr!

Alam kong nabasa niya yun. Ngumiti lang siya. Akala mo naman magpapahalik ako sa'yo! Subukan mo lang magka-kamatayan tayo...pero okay lang naman kung malambot ang labi mo. Ansave?! Ang landi ko.

"Tiger." He patted my head sabay baba ng ulo niya para maging ka level ko yung mukha niya. I glared at him while amusement could not be hidden in his eyes.

"Little...tiger." And he gave it a last pat before holding my hand and pulling me to him, causing my face to bump on his chest...

He hugged me.... it is so warm, comforting at yung galit ko kanina nalusaw na. Tsk. Naku naman.

Kailangan malambing din? He rested his chin on my head. O matangkad din pala. Nakalimutan ko. Pwede na atang magmodel 'to e.

Cheryl stop it. Buti nga hindi ako nakikita nito kundi magmumukha na naman akong patay na patay sa kanya. Pigilan mo ang mga kamay mo Cheryl, huwag mo siyang yayakapin! Hayaan mo siya.

"Sorry kanina ha? Nasigawan kita. Huwag ka nang magalit." He gently apologized. Ay! Naku naman po! Cheryl! Maghunos dili ka!

Bakit? Bakit? Bakit kailangan mong maging ganito? Ang hirap naman magalit dito. Baka maputol yung lubid na nakatali sa akin at mahulog ako. Huwag Cheryl, huwag! Pigilan mo! Kumapit ka!

Useless arms. Hindi marunong sumunod!

"Sasagutin ko lahat ng tanong mo. Promise." He added and broke the hug before looking into my eyes.

"But first. Gutom ka na ba?" Tanong niya.

Yung tiyan ko kasi may pagka feeler yan, kaya siya na yung mismong sumagot hindi na yung bibig ko.

"Yup. You are." He concluded with a chuckle, saka niya sinabing kukuha lang siya ng pagkain ko pero bago pa siya makalabas may tinanong ako.

"Akala ko ba sa dining mo sasagutin yung mga tanong ko?" I queried.

"Eh mukhang hindi ka na ata makapag-antay e." He grinned before going out of the room, leaving me boiling.

Feeling defeated kasi totoo naman yung sinabi niya, I exhaled and looked around his room.

I'M A VAMPIRE?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon