Author's Note :
Hello again! Hehe...So for this chapter, I would gladly dedicate it to Synopsis for voting on the previous chapter. Thank you po! And necklace po ni Cedric yung nasa picture.
________________________________________
Nagising akong karga-karga pa rin ako nung lalaki kanina.
Hindi man lang magpaka-gentleman, mukha ba akong sako ng bigas?!
I thought of moving but on second thought, I did not. Baka ihampas pa ako nito sa lupa kapag nalaman niyang gising na ako. Wala akong ibang makita kundi yung lupa at mga paa niya at kasalukuyan siyang naglalakad ngayon kaya ako nahihilo at nasusuka pero nawala yun nang mapansin kong may kulang.
Si Cedric. Asan si Cedric?! Baka may nangyari nang masama dun. Kailangan kong malaman kung nasan siya.
Rose...
Boses niya ba yun o baka guni-guni ko lang?
Rose...
Ayan na naman. Sigurado akong hindi na yun guni-guni. I tried to look at my surroundings pero hindi ko talaga magawa...
It's fine...you don't need to look for me...
Rinig ko na naman. Paano niya ba nagagawa 'to? Telepathy? Meron rin palang ganong powers yung mga bampira? In all fairness, ngayon ko lang nalaman yun.
Ikaw lang ang kailangan nila kaya iniwan nila ako. Makinig ka na lang. I will teach you how to do this.
I want to be happy because he is going to teach me how to do telepathy but I am quite troubled when I know that they need me. Para saan?
First, just think as if you are talking to me personally. Focus. Now once you're done with that, try saying something in your mind and I will tell you if you succeeded or not.
Pagkatapos kong marinig yun, I did what he said. I pictured out that both of us are talking. I imagined it. Malapit na akong makapag-focus. Konti na lang...konti na lang...malapit na...okay...ayan na!
"Aray!" Biglang sigaw ng lalaking nagbubuhat sa akin kasi muntikan na siyang madapa dahil sa isang malaking bato sa daan.
Lampa! Grrr! Ngayon magfo-focus na naman ako! Itong lalaking 'to kasi eh! Maglalakad na nga lang ng maayos hindi niya pa magawa!
Rose! I said focus! There is no time for you to get mad right now, you need to learn this!
Napilitan akong mag-focus instead na batukan yung kumag na hindi ko pa magagawa ngayon. Sige na nga mamaya na lang. This time nakapag-focus na ako.
Asan ka? I thought. Matagal bago siya makasagot. Gumana ba? Baka hindi. Mag-iisip na sana ako ulit pero narinig ko na siya.
You still need to practice but this will do. You succeeded.
Yes!
Here is what you need to do. Once you get to where their camp is, I want you to describe your surroundings, in that way mahahanap ko kayo.
Bakit di ka na lang sumunod dito?
Because I still can't move. Pati ikaw, hindi ka pa rin nakakagalaw ngayon. Your brain is the only part of your system that is not paralyzed besides your five senses.
Okay...
After approximately 30 minutes, the spell will lose its effect. I need you to describe where you are para mas mabilis kitang mahanap. Update me with all the happenings there.
Sige, sige...
Our conversation ends here, but if you need me, just contact me..
Anong cellphone number mo? De joke. Sige na...
BINABASA MO ANG
I'M A VAMPIRE?!
Teen FictionMay nakapag-sabi sa akin- BAMPIRA daw ako. Tss. Maniwala. Kung bampira ako, hindi dapat ako nakakatagal sa ilalim ng araw. Hindi dapat ako nandidiri sa dugo kasi yun ang dapat na nag bubuhay sa akin. Hindi dapat ako nag kakapeklat dahil sa sugat...