Mark's POV
Hi. Ako nga pala si Mark siguro pinakilala na naman ako ni babe sainyo di ba? Kaya hindi na ako magpapakilala.
"Babe, Kyle uwi muna 'ko magbibihis lang tapos punta na 'ko dito"- paalam ko sakanilang dalawa
"Ok babe, bilisan mo tapos balik ka agad baka kasi mamiss kita agad"- babe. Ang sweet talaga nitong taong toh kaya di ko maiwan though wala naman akong planong iwan siya
"Grabe ka naman babe di pa nga ako nakakaalis pababalikin mo na 'ko"-ako
"Eih basta dalian mo na lang"- babe
"Opo, ahy! oo nga pala babe, alam mo na ba?"- tanong ko
"Oo babe alam na alam ko na kasi hindi mo pa sinabi sa'kin"- babe, pilosopa talaga toh pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko pa rin yan at tsaka may point din naman siya pano niya nga naman malalaman kung di ko pa nasasabi sakanya.
"Ikaw! Ang hilig hilig mong barahin ako pasalamat ka mahal kita"- ako
"Oh edi salamat"- babe
"Ikaw! Nku! Bhala ka nga dyan!"- sabi ko tsaka ko siya tinalikuran pero pinigilan niya 'ko
"Babe naman di na mabiro, halika na po rito sabihin mo na po"- siya, sabi na nga ba di ako nito kayang tiisin
"Basta 'wag ka munang magrereact patapusin mo muna ako, ok ba?"- ako
"Sige sige"- siya
"Kahapon nandun ako sa cafe tapos bigla na lang may umupo sa tabi ko at alam mo ba kung sino?"- ako pero umiling lang siya, halatang nakikinig talaga
"Walang iba kundi si Cindy"-ako
"O_O Anu?! Si Cindy?"- sya
"Oo nga, tsaka 'wag kang maingay baka marinig ni Kyle"- ako
"At bakit ka naman nun nilapitan? Tsaka 'bat pa siya bumalik? Baka masaktan nanaman ang kapatid ko"- siya
"Mamaya ko na sasabihin baka kasi hinahanap kana ni manang tsaka ni Kyle"- ako
"Bilisan mo magbihis"- sya
"Oo na nga, sige na pasok na"-ako
At ayun pumasok na siya at ako naman ay lumakad na papunta sa bahay ko, opo bahay ko, nasa ibang lugar kasi parents ko actually parehas kami ni babe na mag-isa lang sa bahay pero siya pinabantayan siya ng parents niya kaya may mga katulong, ako wala kasi ayoko kahit na pinipilit ako nila mommy at tsaka si babe may kapatid ako wala. Pumasok na 'ko sa bahay at nagbihis inayos ko lang ng konti yung mga kalat tsaka ako bumalik sa bahay nila babe. Nagdoorbell ako at binuksan naman ni manang.
"Salamat po manang"- ako
"Walang ano man iho, nga pala totoo bang kinausap ka ni Cindy?"- sya
"Ah opo, tara po sa loob na lang po tayo mag-usap"- ako
--
Kate's POV
Masaya na sana dahil umuwi na dito sa Pinas si baby bro pero bumalik din ang bruha, si Cindy, to tell you all si Cindy ay ex ng kapatid ko at siya rin ang kaisa-isang taong nanakit sa kapatid ko halos mabaliw ang kapatid ko nung naghiwalay sila..
¤Flashback¤
Nandito kami sa Amerika...
Nandito ako sa kwarto ko nagsosound trip nang biglang may pumasok at bigla na lang akong niyakap.
"Ate ba't ang sakit?"sabi nya, pinatay ko ung tugtog tsaka ko siya niyakap pabalik pero hindi siya umiiyak ah
"Tell me what happen, ate will listen"
"Nakita ko siya kanina sa mall may kasamang ibang lalake tpos naghahalikan sila, nung nakita ko yun agad ko syang tinawagan tinanong ko siya kung nasan siya at kung anung ginagawa niya sabi nya nasa bahay lang siya, at dun ko na sinabi na nakikita ko siya na may kasamang iba at yun nag-away na kami tpos sabi niya hindi niya na daw ako mahal dahil ang mahal niya na daw yung kasama niyang lalake, tpos nakipagbreak na sya. Ate ang sakit😥 may pagkukulang pa ba ako sa relasyon namin para gawin niya yun sa'kin? ayoko nang mabuhay kung wala siya sa'kin😥"- paliwanag niya, i can feel the pain that my brother is feeling right now. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan siya kasi yung tipong dapat lahat masaya bawal ang malungkot pero ngayon siya yung malungkot.
"Kyle wala kang pagkukulang, okay. Siya yung may problema dahil di siya marunong makuntento. Alam mo Kyle hindi siya kawalan at hindi ikaw yung nawalan kundi siya, kaya kung hindi ka na niya mahal edi kalimutan mo na yang nararamdaman mo para sakanya, at tsaka nandito kaming pamilya mo para tulungan ka"
"Pero ate mahal ko siya"
"Alam kong mahal mo sya pero kailangan mo ring kalimutan yang nararamdaman mo para rin naman yan sa ikabubuti mo. Kailangan mong matutunan na kalimutan ang pagmamahal mo sakanya. Siya nga kaya niya ikaw pa kaya?"
"Ate di ba aalis ka na bukas?"
"Oo bakit? Sasama ka?"
"Oo, pwede ba?"
"Hindi, kailangan mong tapusin pag-aaral mo dito yan ang sabi ni mommy. Punasan mo nga yang luha mo, drama neto. Tara sa bar counter iinom mo na lang yan"
"Haaaay! Salamat at may understanding akong ate, thank you ate love you"
"Oo na, tara"
¤End¤
Ayoko nang makita ang kapatid kong nasasaktan at umiiyak gabi-gabi dahil lang sa isang babae, kaya Cindy kung plano mong balikan ang kapatid ko para saktang muli pwes di na ako papayag.
Habang nandito ako sa salas narinig kong may nagdoorbell siguro si babe na yun.
"Babe ba't di ka pa nagpalit?"- babe
"Maya na, halina kayo ditong dal'wa pag-usapan na natin ang dapat pag-usapan"- ako
************************************
Ano kayang pag-uusapan nila?
Bakit nga ba naghiwalay sina Kyle at Cindy?Abangaaaaaaan!!!!!
Vote.. Like.. Comment😊
YOU ARE READING
Impeccable Couple
Teen FictionThis story is just based in my imaginations.. If there's any similarities of the events or the names of the characters to other stories its just a coincidence.. This is my first ever story so don't expect too much 'couz that too much might hurt you...