Chapter 1

5 1 0
                                    

Kate's POV

I'm Kate Gonzales, 18 years old, 1st year college, i'm studying at Monteverde University which is one of our properties. Yan lang muna ang ibibigay kong info tungkol sakin kasi makikilala nyo rin naman ako.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay handa na para pumasok sa paaralan ng biglang dumating si..

"Babe tara sabay na tayong pumasok?"

Mark Gozon is his name, his my long time boyfriend. Everybody says that we're already a perfect couple kasi 4 years na kaming mag-on at sa apat na taong yun ay walang bumitaw sa aming dalawa laban kung laban para maisalba ang relationship namin at marami na ring pagsubok ang napagdaanan namin.

"Eh panu kung ayaw ko?"- biro ko sakanya

"*pout* bakit may kasabay kana bang iba? ayaw mo na ba akong kasabay?"- sabi niya na may pagtatampo sa boses

"Oo may kasabay na ako at oo rin ayaw na kitang kasabay"-biro ko pa sakanya

"Bakit yun ang sasamahan mo? Anong bang meron siya na wala ako?"-sabi niya

"Gusto mong sabihin ko sayo kung anong meron siya? Baka magsisi ka"-ako

"Bakit naman ako magsisisi, ha? Sabihin mo nga sa'kin"-siya

"Mayaman, gwapo, marunong tumugtog ng gitara, marunong kumanta... Ikaw meron ka ba non?"-ako

"Edi siya na, wala man ako ng mga bagay na yan eto ang tatandaan mo mahal naman kita at eto pa, may isang bagay na wala sakanya na meron sa'kin"-siya, hala nagdadrama na ang bebe ko

"At ano naman yun?"-ako

"Ikaw! Akin ka! Ikaw ang wala sakanya at ako lang ang nag-iisang taong naging tapat sayo habang ang ibang tao'y tinatalikuran ka na"-siya, okay? Saan na toh nanggagaling

"Pwede namang maging sakanya ako ah, ang totoo nga nyan sakanya na ako matagal na"-ako, hala😵

"Ahh sige, kung ganon pala di mo na ako kailangan. Sige ingat na lang kayo ng kasama mo"-sabi niya at tumalikod agad pero pinigilan ko siya, humarap naman siya sa akin.

"Ikaw naman babe siniseryoso mo masyado, binibiro lang naman kita"-sabi ko saka ko siya hinalikan sa pisngi

"Wow! May kiss, araw-arawin ko kaya ang pagtatampo para may libreng kiss ako"-sabi niya, pinalo ko siya sa braso

"Heh! Tumigil ka dyan, halika na nga"-ako

So ayun lumakad na kami papunta sa school. Pagpasok namin sa gate marami na agad ang bumati sa amin ng "good morning", lumakad na kami papunta sa room namin, magkaklase naman kami simula pa nung high school, di ko nga alam kung coincidence lang o sinasadya talaga ng tadhana.

Pagpasok namin sa room biglang tumigil ang lahat sa mga ginagawa nila at tumahimik. Anyare? 😕

"Wooops! Everyone! Attention!"- sabi nung kaklase namin at bigla namang pumunta sa may pinto yung iba pa naming mga kaklase kung saan kami naroon at gumawa sila ng dalawang linya(hindi yung drawing ah) okay? So anong nangyayari dito?

"Give way to our prince and princess"-sabi niya ulit. Okay gets ko na toh, makisabay na lang tayo lumakad na kami ni Mark at feeling may red carpet kaming dinadaanan, haha

"Hep! Hep!"- sigaw ni Yvette, she's one of our friends

"Hooorrrrrraaaaayyyy!"- pabalik na sigaw rin ni Migs, he's one of our friends din. Mga adik talaga toh. Ano bang nasinghot nitong mga toh at parang ang lakas ng mga tama, haha😄.

"Hahahaha"- kaming lahat maliban kay Yvette na nakabusangot na

"Yvette mukha mo di ko maipinta"- Migs

"Bakit may plano kang ipinta mukha ko? Kung ipipinta mo mukha ko siguradong maraming magkakainteres sa painting mo at yayaman ka"- Yvette

"Wala akong planong ipinta yang panget mong mukha, tsaka pano naman ako yayaman? Baka nga kahit isa walang bumili kapag ikaw subject ko"- Migs

"Anong sinabi mo?!"- galit na sabi ni Yvette

"Sabi ko, ang panget mo!!"-sigaw ni Migs

"Migs kung ako sayo tatakbo na 'ko bago pa ako maabutan ni Yvette"-sabi ko kasi naman nanabunot yang babaeng yan kapag pikon na

"Bakit naman ak-..."- Migs

"Valezaaaaaa!!!!!!"- sabi ni Yvette
sabay takbo papunta kay Migs. Lahat kami ay nagtatawanan na lang dahil para silang mag-asawang nag-aaway.

"Guys!!! Nandyan na si mam umayos na kayo"- sabi ng President namin.

Dumating na yung teacher namin at gaya ng normal na araw sa school dicuss lang nang discuss ang nangyari buong maghapon. Hanggang sa uwian na namin.

"Babe, halika na"- Mark

"Nandyan na po"- Ako

Naglakad na kami pababa, pagkababa namin nakita namin na may mga nagkukumpulang mga estudyante sa tapat ng isang kotse pero di ko makita yung kotse. Ano kayang meron?

"Ano kayang meron?"- ako

"Malay ko ba, ba't ako tinatanong mo eh magkasama tayo dito"- siya

"Ahh..Ganyanan na pala, sige! bahala ka dyan"-sabi ko sabay lakad palayo sakanya pero hinigit niya ako

"Toh naman 'wag ka nang magalit, love you po"- sabi niya sabay halik sa noo ko

"Tara na po tingnan natin kung sinong kumag ang nandyan"- sya at hinila na ako. Pagkarating namin dun sa lugar kung saan sila nagkukumpulan biglang nagsitabi yung mga tao dahilan para makita ko kung sino yung pinagkakaguluhan nila at pagkakita ko dun sa tao nanlaki ang mata ko ganto oh 😳, kailan pa siya dumating dito? Tsaka bakit siya bumalik? May nangyari nanaman ba sakanya?

************************************

Sino kaya ang dumating?
At bakit mukhang gulat na gulat ang ating prinsesa?

Upang malaman ang kasagutan, ating subaybayan ang susunod na kabanata...

Vote.. Like.. Comment po..😊

Impeccable Couple Where stories live. Discover now