Chapter 10

0 0 0
                                        

Mark's POV

Nandito na ako sa room pero wala si babe.

"Yvette?"-ako

"Bakit?"-siya

"Dumating na ba si Kate?"-ako

"Hindi pa nga eh, hindi mo ba kasabay?"-siya

"Hindi eh, sabi niya mauna na daw akong pumasok, weird nga eh ngayon lang kami hindi sumabay"-ako

"Baka naman may issue kayo?"-siya

"Wala"-ako

"Oh nandyan na pala siya eh, good morning bestfriend"-sabi ni Yvette kaya napatingin ako sa may pinto

"Good morning din bestfriend"-sagot ni babe tsaka nakipagbeso

"Good morning babe"-babe

"Good morning"-sagot ko rin sakanya tsaka ko siya hinalikan sa noo

Nag-uusap kami ng dumating ang teacher namin kaya umayos na kami.

--

Kate's POV

Uwian na namin ngayon at tinext ko na si Kyle na hintayin niya na lang ako sa kotse.

"Babe una na 'ko ha may pupuntahan pa kasi kami ni Kyle"-ako

"Ahh sige babe, see you tomorrow"-sagot niya at hinalikan ako sa noo

Nagpaalam na ako sa kanilang tatlo at tumungo na sa parking lot dahil naghihintay na sa'kin si Kyle. Pagkadating ko sa parking lot nakita ko agad si Kyle.

"Kyle!"-tawag ko sakanya at lumapit na ako

"Ate"-sabi niya at humalik sa pisngi ko

"Tara na"-sabi tsaka ako pumasok sa kotse. Habang nagbibiyahe kami..

"Kyle, ang sabihin mo sa kuya mo kapag hinanap niya ako bukas ay may pinuntahan lang akong importante at uuwi na lang ako ng gabi, ok?"-ako

"Sige ate"-Kyle

Ilang minuto lang ay nasa bahay na kami nauna na akong pumasok sa bahay.

"Hello manang"-sabi ko at nagmano sakanya

"Oh nak, kumain kana doon, nasaan si Kyle"-manang

"Susunod na po yun, manang hindi na po ako kakain nagmamadali po kasi ako si Kyle na lang po ang magpapaliwanag sayo"-sabi ko at umakyat na sa taas para makapagpalit ng damit dahil nagtext na si Tito na malapit na daw mag-landing ang eroplano nila.

Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako halos mahulog na nga ako sa hagdan sa sobrang pagmamadali ko.

"Nak dahan-dahan lang"-manang

"Sorry po manang nagmamadali na po kasi ako, sige po, Kyle ikaw nang bahala dito"-ako

"Oo ate"-Kyle

"Ingat sa pagmamaneho nak"-manang

"Opo"-ako

Pagkatapos kong magpaalam sa kanila pumunta na ako sa garage para puntahan yung kotse ko, oo may kotse ako hindi ko nga lang ginagamit, binuksan na nung guard yung gate dahil lalabas na ako. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa airport, buti na lang at hindi pa dumating yung eroplano. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating sina Tito. Nag-abang na ako doon sa exit at nakita ko naman sila agad, nilapitan ko sila at nagbigay galang.

"Tito, Tita welcome home po, kumusta po ang biyahe?"-ako

"Hay naku iha nakakapagod"-tita

"Ahh ganon po ba? Halina po kayo sa kotse para naman kahit papano ay makapagpahinga na kayo"-ako

"Mabuti pa nga"-tita

Pumunta na kami kung nasaan nakapark ang kotse ko.

"Pasok na po kayo tita kami na pong bahala ni Tito sa mga bagahe niyo"-ako

"Oo nga hon, pumasok kana dyan sa loob at ng makapagpahinga ka na"-tito, pumasok na si tita sa kotse at kami naman ni Tito ay inayos na ang mga gamit nila. Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit sa compartment ng kotse ay pumasok na rin kami.

"So iha, kumain ka na ba?"-Tito

"Ahh, hindi pa po eh kasi pagkadating ko sa bahay kanina pumunta na ako agad sa airport"-ako

"Naku namang bata toh, sana kumain ka muna bago ka umalis tsaka ok lang kung maghintay kami noh"-Tito

"Naku, ok na po tito, saan po pala kayo tutuloy ni tita?"-ako

"Siguro sa hotel na lang muna kami tutuloy kasi hindi na man pwede sa bahay niyo kasi magkatapat lang naman bahay niyo tsaka bahay namin"-Tito

"Kaya nga po Tito eh, pero Tito 'wag na kayo sa hotel dun na lang kayo sa bahay ko sa Bulacan"-ako

"Nakakahiya naman iha"-Tito

"Si Tito naman parang strangers naman tayo niyan eh"-ako

"Sige na nga, salamat iha"-Tito

"Wala yon Tito"-ako

Kumain muna kami sa isang restaurant dahil nagugutom na kami at pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa Bulacan.

************************************
Vote.. Like.. Comment po..😊

Impeccable Couple Where stories live. Discover now