Mark's POV
"So babe anong sinabi sayo nang bruhang yun?"- pagsisimula ni babe. Seryoso na kami ngayon
Ganito kasi yun.
¤Flashback¤
Nandito ako ngayon sa cafe, wala nagchichill lang. Nakapwesto ako dito sa may bintana, nagbabasa po ako ng libro nang may umupo sa tabi ko at nagulat ako sa nakita ko.
"Cindy?!"- ako
"Oo Mark, ako nga ang magandang babaeng nagmamahal kay Kyle"- Cindy
"Mukha mo! Anong nagmamahal? Baka nangloko. Ano bang ginagawa mo dito at bakit ka pa ba bumalik?"
"Nandito ako para ibalik ulit sakin ang Honey bee ko"
"Honey bee?! Wala ka nang ibabalik. Di ba ikaw ang nakipaghiwalay kaya bakit ka pa magsasayang ng oras at panahon mo na ibalik siya sayo? Wala ka nang babalikan!" sabi tsaka ako tumayo at inayos dahil aalis na sana ako pero may sinabi pa siya
"Kukunin ko ang dapat sa akin. Walang ibang makakaagaw saakin kay Kyle!, taandaan mo toh Mark gagawin ko ang lahat para maibalik sa'kin si Kyle!" pagkasabi nya nun umalis na 'ko.
¤End¤
"Walang'yang babaeng yan, humanda siya pagkatapos niyang saktan ang kapatid ko babalikan nya? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niya ng gera? Sige pagbibigyan ko siya😡"- babe, galit na siya niyan pagdating kasi sa kapatid niya masyado siyang protective.
"Babe hinay-hinay lang nandito naman kami para tulungan kang pigilan kung ano ang gagawin ni Cindy"- ako
"Oo nga nak, kahit wala ako sa tabi ni Kyle nung nangyari yun, eh naramdaman ko yung sakit nung sinabi mo yun sa'kin, ako na ang nag-alaga sainyo simula bata kaya masakit sa'kin na malalaman kong nasasaktan ang isa sainyong dalawa"- manang.
"At ikaw na lalake ka ang ginagawa mo sa cafe?!"-babe, paktay bat nabaling sa'kin?
"Wala"-ako
"Nagpaalam ka ba sa'kin?"-babe
"Opo"-ako
"At kailan ka naman nagpaalam sa'kin?"-babe
"Nagpaalam kaya ako sayo na pupunta ako sa cafe"-ako
"Wala akong naaalala na nagpaalam ka sa'kin na pupunta ka ng cafe"-babe, bat ba matalas ang memorya nito🤔
"Oo na po hindi na ako nagpaalam sayo, sorry na po😔"-ako
"Kung gawin ko rin kaya yun sayo"-babe
"'Wag po, hindi na po ako uulit promise"-ako
"Aba dapat lang kung hindi mawawalan ka ng kilay"-babe, sa lahat naman ng pwedeng pagdiskitahan kilay ko pa talaga
"Promise po, hindi na talaga.. Love you po😘"-ako
"Love you too"-babe, yiee😍 bati na kami bait talaga ng babe ko napatingin ako saglit kay manang at nakita kong nanunubig yung mata niya
"Manang, bakit po?"-ako, kaya napatingin si babe kay manang at nang makita niya ito ay agad nitong pinuntahan si manang at niyakap
"Manang bakit po? May problema po ba?"-babe
"Wala wala, naalala ko lang yung nasira kong asawa, ganyan din kasi kami nung mga bata pa"-manang, kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinunasan yung luha ni manang pero imbis na tumigil mas lalo pa siyang naiyak
"Manang naman hindi naman kita inaano bat umiiyak ka? Pinupunasan ko lang naman po kayo"-ako
"Tumigil ka nga dyan, bat mo ba kasi pinunas malay mo gusto yang ipunin ni manang sa mata niya😏"-babe, adik talaga 'tong gf ko napangiti naman si manang
"Ayan oh, ngumiti na siya, tama na kasi manang 'wag masyadong magdrama baka bumangon si manong para punasan yang luha mo"-babe
"Oo nga po"-ako
"Oo na po titigil na. Ang cute niyong dalawa sana 'wag kayong mahihiwalay kung away away lang walang iwanan ha"-manang
"Opo"-kami
"Mabalik tayo sa problema natin"-babe
"Oo nga ang layo na ng pinag-uusapan natin eh"-ako
"Kayo kasing dalawa"-manang
"Ikaw kaya ang may kasalanan manang, drama kasi eh"-babe
"Tama na yan baka kung saan na naman tayo umabot"-pag-awat ko sa kanila
"So anong plano natin ngayon?"-manang
"Sasabihin ba natin sakanya?"- ako
Alam ko yung lahat ng paghihirap nun ni Kyle para lang makamove on sa ginawa sakanya ni Cindy."Baka maapektuhan na naman siya"-babe
"Oo nga, 'wag na lang kaya natin sabihin"-mungkahi ko
"Hindi naman yun pwede kasi malalaman niya din naman yun kahit hindi natin sabihin sa kanya, malay mo magkita sila dyan sa labas edi malalaman niya rin kaya mas maganda na sabihin na natin sa kanya habang maaga pa"-babe
"Haba nun ah"-ako
"So sasabihin natin"-manang
"Ngayon na ba natin sasabihin sa kanya?"-ako. Habang nag-uusap kami bigla na lang nagsalita si Kyle sa likod namin kaya nagulat talaga kami.
"Anong pinag-uusapan niyo? Mukhang seryoso ah?"- biglang sabi ni Kyle kaya nagulat talaga kami"Ahh kasi-- Ano Kate ikaw na nga"-ako, tumingin naman siya sa ate niya
"Ano ba kasi yun ate? At anong sasabihin niyo?"-Kyle
"Ah k-kasi a-a-andito s---"- nauutal na sabi ni babe, nagulat kasi kami
"Ate ano ba kasi yun?"- Kyle
"Hays! NanditosaPilipinassiCindyathinahanapka"- mabilis na sabi ni babe, at parang di nya masyado naintindihan ni Kyle yung sinabi ng ate nya.
************************************
Ano kayang mangyayari kay Kyle?
Kakausapin nya pa kaya si Cindy?Abangaaaaaan...
Vote.. Like.. Comment po.. 😊
YOU ARE READING
Impeccable Couple
Teen FictionThis story is just based in my imaginations.. If there's any similarities of the events or the names of the characters to other stories its just a coincidence.. This is my first ever story so don't expect too much 'couz that too much might hurt you...