Mark's POV
Pagkauwi ko ng bahay ay tumungo na ako sa kwarto ko para maligo iniwan ko yung mga gamit ko sa kama. Pagkatapos kong maligo nakita kong umiilaw yung phone ko, tiningnan ko..
Dad calling...
Bat napatawag toh? Sinagot ko ang tawag.
~Dad?
~Nak?
~Bakit po kayo napatawag?
~Gusto ko lang ipaalam sayo na uuwi kami ng mommy dyan sa Pinas
~Kailan po? Para masundo ko kayo sa airport
~Naku huwag na 'nak, kami ng bahala ng mommy mo
~Sigurado po kayo?
~Oo nak, sige nak magpahinga ka na
~Sige po, ingat po kayo sa biyahe
~Oo nak
Bat kaya sila uuwi dito? Hindi naman sa ayaw ko, Haist! Hayaan na nga.
--
Cindy's POV
Bat ganon? Bat parang nagbago na siya? Bat parang di niya na ako kilala? Bukod sa mas lalo siyang gumwapo, nagbago na rin ata ang personality niya, ganon ba katindi yung sakit na naidulot ko sakanya para magbago siya ng tuluyan?
--
Kinabukasan
Kate's POV
Nagising ako ng maaga dahil may tumatawag sa'kin, tumingin ako sa orasan knowing that it's just 3 o'clock in the morning, you serious? Sino ba 'to..
Tito Marco's calling...
~Hello Tito, good morning po, napaaga ata ang tawag niyo?
~Good morning din iha, haha nagising ba kita?
~Hindi naman Tito, bakit po ba kayo napatawag?
~Tinawagan ko kasi si Mark kahapon sabi ko uuwi na kami ni Pinas pero hindi ko sinabi kung bakit at kailan
~Pero bakit nga ba Tito at kailan?
~Bukas kami uuwi
~Ahh, diba sa makalawa na birthday ni Mark tito? Yun ba yung dahilan?
~Oo iha pero mukhang nakalimutan na naman ng batang yun
~Palagi naman Tito eh, so ano pong plano niyo?
~Uuwi kami dyan pero 'wag mong sasabihin sa kanya para surprise, tsaka pwede bang magpatulong sayo iha?
~Anything Tito, ano po bang maitutulong ko?
~Pwede ka bang lumiban bukas tsaka sa makalawa sa klase?
~Ok lang po
~Tsaka pwedeng sunduin mo kami sa airport, text na lang kita kung anong oras
~Sige po Tito
~Sige iha salamat
Pagkatapos naming mag-usap ni Tito nag-ayos na ako dahil papasok pa ako sa school. Ilang minuto lang ay natapos na ako sa pag-ayos kaya bumaba na ako para kumain.
Habang kumakain kami ay inopen ko yung topic namin kanina ni Tito.
"Kyle bukas pala tsaka sa makalawa hindi ako papasok"-ako
"Bakit ate? May sakit ka ba?"-Kyle
"Wala naman tsaka may sakit lang ba ang pwedeng lumiban? Sa makalawa na kasi ang birthday ng kuya mo"-ako
"Surprise ate?"-Kyle
"Oo eh, kaya 'wag mong sasabihin sakanya"-ako
"Yes mam"-Kyle
Matapos kumain ay pumasok na kami ni Kyle, hindi kami sasabay ngayon ni babe kasi, hindi ko alam haha
--
Kyle's POV
Ano kayang plano ni ate? Sino kaya kasabwat neto, matanong nga.
"Ate?"-tawag ko sa kanya, nandito na kami ngayon sa school naglalakad papunta sa sari-sarili naming room
"Hmm?"-ate
"Sino kasabwat mo dyan?"-ako
"Parents niya"-kaswal na sagot niya, paano masasali dito parents ni kuya eh nasa ibang bansa sila?
"Paanong nasali dito parents niya? Diba nasa ibang bansa rin yun?"-ako
"Bakit di ba pwedeng umuwi dito?"-ate, talaga naman oh umiiral na naman ang ugali niyang yan
"Ate naman"-ako
"Oo nga uuwi sila dito at susunduin ko sila, pagkadating ata nila kami magpaplano at ikaw, kasabwat ka rin dito actually 5 lang tayong may alam neto, ako ikaw parents ni babe at si manang, sabihan mo na lang si manang"-ate
"Okay"-ako
"Oh nandito na tayo sa room niyo, pasok na"-ate
"Dali naman"-ako sabay halik sa pisngi niya, sweet naming magkapatid noh?
"Oo nga pala yung ibang details pag-usapan na lang natin pagdating sa bahay, yung plano natin kay Cindy gawin mo na"-ate
"Opo, see you later"-ako sabay pasok sa room
"Text na lang kita mamaya, sayo na 'ko sasabay, see you"-pahabol ni ate
************************************
Ano kaya ang plano nila para sa birthday ni Mark?
Ano nga rin ba yung plano nila kay Cindy?Want to know the answer? Tumutok lang sa mga susunod na kabanata para malaman ang sagot sa mga tanong natin.
Vote.. Like.. Comment..😊
YOU ARE READING
Impeccable Couple
Подростковая литератураThis story is just based in my imaginations.. If there's any similarities of the events or the names of the characters to other stories its just a coincidence.. This is my first ever story so don't expect too much 'couz that too much might hurt you...