Sa ibabang bahaging sakop ng kaharian ng Asoria na malapit sa baybaying dagat ay may isang bayan.
Maliliit na dampa ang makikita dito.
Yari sa kahoy at kawayan at tipak na bato ang mga ito.
Ang malawak na kapaligiran ay puno ng mga gulay at halaman ganon din ng mga alagang hayop tulad ng baka,kambing,manok, at iba pang katulad nito.
Sa baybaying dagat ay may nagtataasang puno ng niyog.
Kapag lumalalim ang dagat ay naabot ng alon ang ugat ng ilan sa mga punong niyog.
Marami ring punong kahoy na may bungang prutas sa paligid gaya ng mangga,bayabas at iba pang kauri nito.
Ang harap ng dagat ay puno ng mga naggagandahang bangka na gamit sa pangingisda.
Tatlo lang ang malaking bangka na makikita rito gamit sa paglalakbay sa malayo at sa pangangalakal.
Ang karamihang bangka ay malilit na pang isahan at pang tatlong sakay.
Ito ang bayan ng Azalia.
Isang lugar na tahimik.
Ang tahanan ng mga Azaliana na tinatawag ding mga taong dagat.
Sagana sa yamang lupa at dagat na pinagkukuhanan nila ng ikabubuhay sa pang araw araw.
Bibihira ang kaguluhang nangyayari sa kadahilanang mas marami ang mababait na taong namumuhay dito..
Likas na matulungin ang mga Azaliano..
Masisipag sa kani kanilang mga trabaho.
Magagalang at maaasahan.
Mag karoon man ng konting pagtatalo ay agad namang naaayos dahil na rin sa kanilang pagkakaunawaan sa isat isa.
Masaya ang pamumuhay ng mga Azaliano kompara sa sa iba pang lugar sa Asoria.Dito ipinanganak at lumaki si Aguban.
Ang nag iisang anak ni Lot at Dolora.
Si Aguban matipunong Azaliano na kagaya ng kanyang ama.
Mahaba ang buhok nito.
Maamo ang mukha ni Aguban.
Siya ay may matangos na ilong na namana niya sa kanyang ina.
Ang labing walong taong si Aguban ay ang pinaka mahusay na maninisid ng kabibe na pinanggagalingan ng perlas.
Bihasa din siya sa panghuhuli ng malalaking isda at iba pang uri nito na nabubuhay sa dagat.
Usap usapan sa kanilang lugar na si Aguban daw ay may katulong na halimaw sa dagat upang manghuli ng mga higanteng uri ng isda.
Marami ang nakakakitang mangingisda rito ngunit tanging si Aguban lang ang kanyang nilalapitan at kinakausap.
Maging si Aguban man ay nagtatataka kung bakit siya nilalalapitan nito at tinutulungan sa kanyang pangingisda.
Bigla lang itong nagpakita sa kanya noong minsang siya ay mag isang naninisid sa gawing kanang bahagi ng dagat ng Azalia.
Papauwi na siya noon kaya nakasakay na siya sa kanyang bangka at habang nagsasagwan ay biglang may naghagis ng malaking isda sa loob ng kanyang bangka.
Lumingon sya sa pinanggalingan ng naghagis.
Ang nakita nya ay isang babae na may mahabang mapulang buhok.
Nakangiti ito sa kanya na parang nahihiya at naiilang.
"Ano ang pangalan mo?" Tanong ng mahiwagang babaeng halos kasing edad niya kung titignang maigi.
"Aguban."Tanging sagot ng tulalang binata.
"Ikaw nga!Ikaw ang pinili".Sinabi ng babae na biglang sumisid at lumapit sa kanyang bangka at may inabot ito sa kanya.Atubili itong kinuha ni Aguban.Isang kuwintas na dulo ay may kalahating dangkal na matigas na syel na hugis torotot."Hipan mo yan at paruroon agad ako sayo.Ako si Agamiya.Paalam taong pinili."Sabi ng mahiwagang babae.
"Teka muna!Anong pinili?"Sigaw ni Aguban sa papaalis na babae.Tanging matamis na ngiti lang ang sinagot nito habang lumalangoy at sumisid papalayo sa kanya.Nagulat sya nang makita nya ang bahaging ibaba ng katawan nito."Buntot ng isda?!"Di makapaniwala si Aguban sa kanyang nakita."Nananaginip ba ako?Isang sirena nga ba ang nakita at nakausap ko."Tanong ni Aguban sa kanyang sarili habang tinitingnan ang hawak na kuwintas.
Isinuot niya ito sa kanyang leeg at pagkatapos ay hinawakan niya ang nakalawit na syel.
Hinipan nya ito at tumunog ng isang matinis na tunog."Hindi pa man ako nakakalayo ay hinipan mo na agad.Hihihi."Malambing na sinabi ni Agamiya na bigla na lamang sumulpot sa gilid ng kanyang bangka at ang isang kamay ay nakahawak sa katig.
Gulat na gulat na naman si Aguban sa kanyang nakita.
"Huwag ka nang magtaka at magulat Aguban."Hindi ka nananaginip.Totoo ang nakikita mo.Isa akong sirena.Bakit mo ba ako tinawag?"Tanong nito."Ano ba ang sinasabi mong pinili?Para saan ba ako pinili?Sino ang pumili?"Sunod sunod na tanong ni Aguban.
"Hindi pa ito ang tamang oras para sagutin ang mga tanong mo.Malalaman mo rin ang lahat sa tamang panahon."
Muling sumisid ang dalagang sirena.Ilang segundo lang ay lumutang ito at inihagis ang dalawa pang malaking isda sa bangka.
"Magmula ngayon ay tutulungan na kita sa iyong pangingisda.Paalam uli Aguban."Huling sinabi nito at sumisid pailalim at tuluyan ng naglaho sa kanyang paningin.
Naiwang nakatulala pa rin si Aguban sakay ng kanyang bangka at nanatiling walang sagot sa kanyang mga tanong.
"Salamat Agamiya!Hanggang sa muli!"************************************
Tinupad nga ni Agamiya ang kanyang pagtulong sa binata.
Sa tuwing pumapalaot si Aguman ay lumalayo siya sa iba pang bangka.
Higit na mas malaking bangka ang kanyang ginagamit para mapagkasya niya ang maraming tiklis o lagayan ng mga isdang nahuhuli ganoon din para sa mga nakukuha niyang kabibe.
Kapag hinipan niya na ang palawit sa kanyang kuwentas ay agad na dumadating ang dalagang sirena at tinutulungan siya nito sa pangingisda.
Minsan ay magkasabay silang sumisisid sa ilalim ng dagat at masayang nakikipaghabulan sa ibat ibang uri ng isda.
"Bilisan mo Aguman!Ang bagal mo namang lumangoy!"Pang aasar ng nakatawang sirena habang lumalangoy ng paatras at nakaharap sa hirap na hirap nang lumalangoy na binata.
"Ahhh pagod na ako.Papahinga muna ako.Tara muna sa bangka."Sinabi ng binata habang lumalangoy pabalik sa kanyang bangka.
Sumunod sa kanya ang sirena.
Umakyat sa bangka si Aguman.
Nakatingin pa rin ang dalagang sirena sa kanya habang nakangiti.
Napansin ito ng binata."Bat ka ba nakangiti?"Tanong nito."Huh?Ahhh...wala...wala naman."Nahihiyang sagot ng dalaga.
"Bakit ko ba siya tinititigan?Nahuli niya tuloy ako.Nakakahiya."Akma na sanang sisisid palayo ang sirena nang bigla itong tinawag ni Aguban.
"Teka lang!Huwag ka munang umalis."Sigaw ng binata habang may kinukuha sa baunang bag at inihagis sa dalaga.
"Saluhin mo."
Sinalo nya nman ito at tiningnang maigi ang hugis pusong bagay na kulay pula.
"Ano to?"Tanong niya habang hawak hawak niya ang kakaibang bagay na ngayon niya lang nakita.
"Kainin mo."Sagot ni Aguban.
Napatingin sa kanya ang nagtatakang si Agamiya at napatingin uli sa kanyang hawak.
"Kakainin ko?..Ayoko nga.Hindi ako kumakain ng puso!"Galit na sinabi ng dalaga at akmang ihahagis ang hawak.
"Huwag mong ibabato yan!"Sigaw ng binata habang tumatawa.
"Hindi yan puso."Malumanay niyang paliwanag sa dalagang sirena.
Kinuha nya ang isa pang hugis pusong bagay sa kanyang baunan.
Hinawakan nya ito at ipinakita sa dalaga at biglang kinagat.
Napapikit sa takot at pandidiri ang dalaga ngunit narinig nya pa rin ang malutong na tunog habang nginunguya ito ni Aguban.
Minulat ni Agamiya ang kaliwa niyang mata.
Nakita niya si Aguban na nakangiti sa kanya habang hawak ang kinakaing bagay na hugis puso.
"Ang tawag dito ay mansanas.
Ito ay isang prutas na napitas ko sa punong nasa bakuran namin.Hindi ito puso ng tao o ng anumang nilalang.Sige na.subukan mo nang kagatin."Paliwanag ni Aguban sa nagtatakang kausap.
Dahan dahang nilapit ito ni Agamiya sa kanyang bibig at pikit matang kinagat.
Malutong ang tunog ng pagkakakagat ng dalaga sa mansanas at nginuya niya ito kagaya ng ginawa ni Aguban.Napatingin siya sa binata.Nakangiti ito sa kanya habang ngumunguya ng mansanas.Napangiti rin siya at sabay nilang kinain ang kanilang hawak na prutas.
"Papalubog na pala ang araw.Hindi ko namalayan.Uuwi na muna ako Agamiya."
"Sige.Uuwi na din ako.Baka hinahanap na din ako sa amin.
" Paalam.Hanggang sa muli Aguban!"************************************