Ikaapat:(Alanor at Erak)

31 1 2
                                    

Bumaba ang malaking uwak sa tabi ni Garniera.
Lumapit ang asul na dragon sa itim na ibon at para silang nag uusap.
Bumaba ang lalaking sakay ng ibon.
Sinalubong siya ng tatlo.
"Itay!"Sigaw ni Gabion habang patakbong lumalapit sa kanyang ama.
Anak,Aguban.
Buti na lng at nakita ko kau.
Nakita ni aguban ang sugat sa balikat ng kanyang tiyuhin.
"May dugo ang katawan mo Tiyo Alanor.May sugat ka."Sabi ni Aguban habang inaalalayang makaupo sa isang bato.

"Tinamaan ako ng kalaban.Ang mga humahabol sa akin.Mabuti at naligaw ko sila.Pahingi muna ng tubig."
"Sinong kalaban itay."
"Ang mga Baralkan."Sagot ni Alanor habang umiinom ng tubig na binigay sa kanya ni Aguban.
"Baralkan?Bakit ka gustong patayin ng mga Baralkan?"Tanong ni Gabion.
Dahil alam nila na ako ang gumagawa ng mapa ng buong Asoria.Gusto nilang makuha ang kabuuang mapang ginawa ko.
Hindi pwedeng mapasa kamay nila ang gawa kong mapa dahil ito ay sagrado."
"Sagradong mapa? Bakit sagrado ang mapang gawa mo itay?"
"Dahil dito makikita ang lokasyon ng maalamat na apat na dragon.
Ang dragong si Bersek,Ragita,Myor at Hira.
Ang apat na pinagmulan ng ibat ibang lahi ng mga dragong nabubuhay sa ating mundo."
Tumingin si Alanor kay Garniera.
"Ang asul na dragong iyan ay isa sa mga lahi ni Hira.
Nanatiling nakamasid sa kanya ang tatlo na naghihintay sa kasunod niyang kuwento.
"Ang apat na dragon sa kasalukuyan ay nananatiling natutulog sa kanilang taguang tahanan.Kapag sila ay natagpuan ng mga kawal ng Baralkan ay siguradong papaslangin nila ang mga ito at kukunin ang kanilang puso at ito ay kanilang pagsasamahin upang muling mabuhay si Gargarak.Ang unang dragon na siyang pinaka makapangyarihan sa lahat.

"Bakit naman nila kailangan buhayin ang unang dragon?"Tanong ni Gabion.
"Bago ko sagutin yang tanong mo,sino ba tong magandamg dalagang kasama nyo?Kasintahan mo ba Aguban?
"Ahhh hindi po tiyo.Hehe,di nga pala namin naipakilala sayo.
Siya po si Agamiya.Ang...ahh...ikaw na nga ang magpakilala Agamiya."Sagot ni Aguban.
Nakangiting bumati ang dalaga sa bagong dating na si Alanor.
"Magandang araw po.Ako po si Agamiya.Taga Bagusay."
"Bagusay?Ang lugar sa ilalim ng dagat.Kung gayon ay isa kang sirena kung hindi ako nagkakamali?"
"Tama po kayo.Isa po akong sirena."

"Alam nyo ang lugar nila tay?"

"Oo anak.May kakayahan akong pumunta sa lugar na iyon sa pahintulot ni haring Daro dahil ako ay inatasang gumawa ng buong mapa at kasama doon pati ang lugar sa ilalim ng dagat."Paliwanag ni Alanor.

"Kilala nyo po pala ang aking ama."Nakangiting sinabi ng dalaga.
Nagkatinginan ang tatlong lalaki.

"Kung ganon ay isa kang prinsesa?Sinasabi ko na nga ba.Unang kita ko pa lang sayo may kutob na agad ako."Tanong ni Gabion na siya na rin ang sumagot.
Ngumiti lang ang dalaga at hindi na nagsalita.

"Kung ikaw ay prinsesa at pinahintulutang magkaroon ng paa...ibig sabihin nito ay isa ka sa mga hinirang na maging tagapaglakbay ng mga dragon.Tama ba ako Agamiya?"
"Opo...ahhh..."Napatigil sa pagsasalita ang dalaga.Hindi nya alam kung ano ang itatawag sa matandang kausap.
"Tiyo.Tiyo Alanor na lang din ang itawag mo sa akin."
"Ahh sige po Tiyo Alanor".At muling nagsalita si Agamiya."Tama po kayo.Ako po ay pinili at si Garniera po ang aking dragon.
Napatingin silang lahat sa asul na dragon na kausap ng isang malaking uwak.
Ang uwak ay sing laki ng isang kalabaw.Sakto lang para sakyan ng isa o dalawang tao.Di hamak na mas malaki ng apat na beses ang asul na dragon kompara sa itim na ibon.

"Tay,paano nyo nga pala nalaman na nandito kmi ni Aguban?"Tanong ng nagtatakang si Gabion.
"Dahil kay Erak anak.Ang ibong itim na malaki na yan."
"Ang tibok ng ating puso ay magsingbilis dahil ikaw ay aking anak.Ako nman ang hinirang ni Erak na maging tagapaglakbay na kasama niya.Dahil doon ay hinanap niya lang kung saang direksyon ng isang taong kasimbilis ng tibok ng puso ko kaya agad namin kayong nahanap."Muling sagot ni Alanor.
"Kakaibang ibon.Kahanga hanga."Sabi ni Aguban habang si Gabion at Agamiya naman ay sumang ayon sa kanyang sinabi.

Biglang umatungal ng malakas ang asul na dragon.Sumabay na rin ng sigaw si Erak.
Biglang bumulwak ang dagat sa kanilang harapan.lumabas ang napakalaking ahas.
Sa taas ng ulo ng ahas ay may nakasakay.
"Ama!"Sigaw ni Agamiya."
Gumapang ang dambuhalang ahas papunta sa kanila.bahagyang iniyuko niya ang janyang ulo at bumaba ang kanyang  sakay.Sumenyas ito sa kanya at muling gumapang ang ahas papunta kay Erak at Garniera.
"Magandang araw Haring Daro."Bati ni Alanor habang nakayuko.
Yumuko na rin ang dalawang binatilyo.
"Magandang araw din Alanor."Bati ng hari.
"Ama magandang araw din po."Nakangiting bati ng dalaga.

"Napasugod akong bigla sa balita ng mga sirena na nakita nilang may dumating daw na dambuhalang ibon at may nakasakay na isang lalaking sugatan.Tama nga ang hinala ko na si Alanor ang kanilang nakita.Halika kaibigan.Isasama muna kita sa aking kaharian at doon ka magpapahinga.

Dumampot ang Hari ng isang maliit na bato at ito ay biglang lumiwanag.Ibinigay nya kay Alanor ang batong kumikislap.
"Salamat kaibigan."At ito ay kanyang sinubo.
Ama!Gumagaling na ang mga sugat mo!
Gulat na gulat ang dalawang binata.

"Ang Hari Daro ay may kakayanang magpagaling ng anumang sugat."Paliwanag ni Alanor

"Kahit magaling na ang sugat mo ay kailangan mo pa ring mag pahinga kaibigan".Nasa iyo pa rin ba ang binigay ko sayong Arashe.
"Narito pa Haring Daro."Ipinakita ni Alanor ang bilog na nakasabit sa kanyang kwintas na natatakpan ng kanyang pulang balalabal.
Napatingin  ang dalawang binata sa kwintas na may berdeng bilog na nakasabit.
"Ang Arashe ay ang batong hininga."Wika ni Agamiya

"Batong hininga?"

"Ang sinumang may suot o hawak na Arashe ay maaaring huminga sa ilalim ng dagat."Paliwanag ng dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AsoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon