Magsasalita na sana uli si Aguban nang biglang bumuka ang pakpak ng ng dambuhalang halimaw na kulay asul.
Napatingin si Aguban.
Nilingon ito ni Agamiya at sinenyasan ng isang kamay.
Nanatiling nakatayo ang mala ahas na may apat na paa at muli niyang tiniklop ang malapad na pakpak sa kanyang likod.
"Sino ang halimaw na yan?Bakit sya sumusunod sa utos mo?""Siya si Garniera.Ang aking dragon."Ako ang kanyang pinili upang maging kaisang diwa at puso."Sagot ng dalaga.
"Kaisang diwa at puso?Naguguluhan ako."Tanong ni Aguban habang nagkakamot ng kanyang ulo.
Noon pa man.
Ang mga dragon ay natutulog ng mahabang panahon pagkatapos ng kanilang misyon o paglalakbay.
Magigising lamang ito kapag handa na ang kanilang kaisang puso at ako ang pinili ni Garniera para maging kanyang kasama sa kanyang paglalakbay."Ahh..Kaya ka pala binigyan ng pulseras ng iyong ama ay para magamit mo sa iyong paglalakbay."Patango tangong sinabi ni Aguban.
"Oo.At ang sabi ni Garniera ay may iba pa siyang mga kasamang Dragon at may iba pang mga piniling kagaya ko at sa aking palagay ay isa ka doon." Sagot ni Agamiya.
"Ako?Pinili?Teka...baka nagkakamali ka lang.Paano mong nasabi na isa ako sa mga napili.?"
"Hindi ka ba nagtataka o nagtanong man lang sa sarili mo kung bakit nakakatagal ka sa ilalim ng tubig kapag ikaw ay sumisisid?"Tanong ni Agamiya.
Hindi nakasagot ang binata.Nanatili siyang nakatitig kay Agamiya."Yun ang isang katangian ng mga pinili.Higit na mas mahaba ang iyong hininga dahil ikaw ay kaisang puso din ng dragon kaya iba ang lakas ng iyong puso at pati na rin ang buong katawan kaysa sa mga pangkaraniwang tao."Paliwanag pa ng dalaga kay Aguban.
"Ahh.Kaya pala."Sagot ng binata
"Kung ganoon,sino at saan ang aking dragon?""Baka hindi pa ito ang tamang panahon para magpakita siya sayo."
Sagot ni Agamiya."Ahhhh!!!Halimaw!!!Aguban tulungan mo ako!!!"Sigaw ng bagong malay na si Aguban.
Bumangon siya at patakbong nagtago sa likod ni Aguban.
Nanatili lang ang malaking asul na dragon sa kanyang kinatatayuan.
Waring hinihintay ang utos sa kanya ng kanyang piniling manlalakbay na si Agamiya."Teka...sino sya Aguban?Nobya mo ba siya?Ang ganda naman nya Aguban."Nakangiting tanong ni Gabion.Panandalian niyang nakalimutan ang asul na dragon nang makita niya ang magandang kausap ni Aguban.
"Anong nobya?"Tanong ni Agamiya.
"Yung ganon ba."Pinagdikit ni Gabion ang kanyang dalawang hintuturo at sa senyas niyang iyon ay nalaman ng dalaga kung ano ang salitang "nobya".
Hindi nakapagsalita ang dalaga at namula ang kanyang maputing mukha.Pumikit siya at tinakpan ang kanyang mukha.
Alam ni Aguban na nahihiya ang dalaga."Tumigil ka nga Gabion!"
Siya si Agamiya.Siya ang tumutulong sa akin sa panghuhuli ng mga isda.""Ah ganon ba?Akala ko kasi sya ang."
Biglang tinakpan ni Agabon ang bibig ng kanyang pinsan.
Tumigil ka na.Huwag mo nang sabihin.
Nanatili pa ring nakatakip ang mga kamay ng dalaga sa kanyang mukha.Di nya alam ang kanyang gagawin.Natanong nya rin sa kanyang sarili kung bakit bigla siyang nahiya nang malaman niya kung ano ang ibig sabihin ng salitang nobya.Hindi niya rin alam sa kanyang sarili kung bakit sa kanyang isip at puso ay natutuwa siya.
Bigla niyang naramdaman ang paghawak ni Aguban sa kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha.
"Agamiya,pasensya ka na sa pinsan kong ito.Hindi niya alam ang mga sinasabi niya.
Siya nga pala,siya si Gabion.Ang pinsan kong baliw.""Baliw?Baliw siya?"Seryosong tanong ng inosenteng si Agamiya.
"Aguban ano ba!?Naniwala tuloy tong si Agamiya.Huwag kang maniwala sa kanya binibining maganda.Hindi ako baliw.Medyo lang naman.Heheheh."Nakangiting sinabi ni Gabion habang nakayuko ang ulo tanda ng pagalang sa dalaga.
Dahil sa sinabi ni Gabion ay nalaman din ni Agamiya na nagbibiro lang si Aguban sa pagsabi na baliw ang kanyang pinsan.
Sa kanilang kaharian sa ilalim ng dagat ay hindi sanay magsalita ng pabiro ang kanyang mga kapwa sireno at sirena kung kaya ay akala niya ay seryoso si Aguban sa kanyang sinabi.Ngayon ay naisip niya na iba pala ang ugali ng mga nakatira sa lupa.Normal lang sa kanila ang pagsasalita ng pabiro at ito ay kakaiba ngunit nakakatuwa sa pakiramdam ni Agamiya.
"Ikinagagalak kong makilala ka Gabion."Nakangiting tugon ni Agamiya.
Hahawakan sana ni Gabion sa kamay bilang tanda ng pagbati nang biglang ibinuka ni Garniera ang kanyang malapad na pakpak.
Muli itong napansin ni Gabion at bumalik na naman ang kanyang pagkagulat at pagkatakot.
Muli na naman siyang nagtago sa likod ni Aguban
"Huwag kang matakot Gabion.Mabait si Garniera.Buong akala niya lang na ikaw ay isang kalaban kaya ka niya na nasaktan.Si Garniera ay aking dragon."
Di makapaniwala si Gabion sa sinabi ng dalaga.
"May kaibigan kang dragon?Kaya ka pala nakakapunta dito.Siguro ay sumasakay ka sa kanya.Taga saan ka ba Agamiya?"Tanong ni Gabion.
"Ako ay taga Adlana."
"Adlana?Aguban...Naalala mo pa ba ang kuwento satin ni Lolo Helario nung bata pa tayo?Yung tungkol sa lugar na Adlana"
"Oo Gabion.Naalala ko pa na ang Adlana ay lugar ng mga sireno at sirena.Sinabi niya na minsan na siyang naka punta doon."Sagot ni Aguban.
"At nakapag asawa ng sirena."Dagdag pa ni Gabion.
"Ang lolo nyo ay nakapag asawa ng sirena?"Tanong ni Agamiya.
"Oo Agamiya.Si Lolo Helario ay may nakitang sirena nung minsang mag isa siyang nangingisda sa lugar ding ito.Naikuwento niya sa amin na siya ay inabot ng malakas na bagyo nang hindi niya inaasahan nung araw na iyon dahil maganda naman ang panahon.nasira ang kanyang bangka at siya ay lumangoy para makaligtas pero di niya kinaya ang bagyo at siya ay nalunod."Kuwento ni Aguban kay Agamiya.
"Ayon kay Lolo ay una niyang nakita sa kanyang pagdilat ay ang napakagandang babae na pula ang buhok.Nakangiti sa kanya na para daw isang anghel."Dagdag ni Aguban.
"Pa...parang ikaw Agamiya.Katulad mo din ang kulay ng buhok.At maganda rin."Nakangiting sinabi ng binatilyong si Gabion.
Napangiti ang dalaga kay Gabion at tumingin din kay Aguban at nakaramdam uli ang dalaga ng pagkahiya.
"Ayan ka na naman Gabion.Sumisingit ka na naman."Inis na sinabi ng binata.
"Nasabi ko lang naman ang pagkakahawig nila at ng naging asawa ni Lolo Helario."Paliwanag ni Gabion.
"Natural!Eh pareho silang sirena."Napalakas na sinabi ni Aguban.
Napatingin si Gabion kay Agamiya.
Biglang binatukan ni Gabion si Aguban.
Aray!Ano ba?!Sigaw ni Aguban habang hawak ang kanyang batok.Kung wala lang sana ang kaharap nilang magandang dalaga ay siguradong gumanti na rin siya.Ganon silang magpinsan pag hindi nagkaka intindihan o nagkakabiruan.Hindi nawawala ang pambabatok at habulan upang gumanti.
Napatingin din at nagulat ang sirena sa ginawa ni Gabion kay Aguban."Bulag ka ba o pinasok na ng tubig alat yang utak mo?Ayan oh.Meron siyang paa!"Sabi ni Gabion.
"Sirena talaga ako Gabion.Totoo ang sinasabi ni Aguban.Nagkaruon lang ako ng paang kagaya nyo dahil sa aking suot na pulseras."Sagot ni Agamiya na nakaangat ang kamay na may suot na pulseras.
Ikinuwento niya kay Gabion ang lahat kung paano sila nagkita ni Aguban hanggang sa kanyang itinakdang kapalaran na maging isang manlalakbay dahil siya ang pinili ng asul na dragon.
"Ibig mong sabihin...si Aguban ay may dragon din?."
"Oo Gabion.Isa siya sa mga pinili dahil kakaiba din ang pintig ng kanyang puso.Hindi kagaya ng isang normal na tao."
"Maging si Garniera din ay sinabi sa akin na si Aguban ay isa din sa pinili."
Dagdag pa ni Agamiya.
"Ngunit bakit kailangan natin magkaroon ng dragon?Para saan."
Tanong ni Aguban.
Hindi pa nakakasagot si Agamiya nang muling humiyaw ng malakas c Garniera at ibinuka ang pakpak at tumingin kay Agamiya.May sinabi ito sa kanyang isip na tanging si Agamiya lang ang nakakarinig at nakakaintindi.
"Aguban!Gabion!May paparating!"Tumingin sila sa direksyong tinitingnan ni Garniera sa bahaging may makapal na hamog.
Lumabas ang isang malaking ibon na maypagkakahawig sa isang uwak.May nakasakay na isang tao.Ito ay sumisigaw habang papunta sa kanila.
"Gabion!..Aguban!.."
"Itay?Aguban,si itay nga..Tay!!"Sigaw ni Gabion habang kumakaway.