Isa sa mga kasamahang mangingisda ni Agabon ay ang kanyang labing limang taong gulang na pinsan na nagngangalang Gabion.
Ang kanyang pinsan at itinuturing na din niyang kapatid dahil halos sa bahay na nila ito lumaki.
Maagang namatay ang ina ni Gabion at ang kanyang ama naman ay inaatasan ng Hari ng Asoria na maging taga gawa ng mapa.
Siya ay laging naglalakbay sa ibat ibang bahagi ng Asoria upang mabuo ang mapa ng buong kaharian.
Kaya naman naiwan ang pag aalaga kay Gabion sa kanyang kapatid na si Dolora na siyang ina ni Aguban.
Si Gabion ay palaging kasama ni Aguban sa pangangahoy at sa gubat,pangingisda sa ilog o dagat gayon din sa pamamasyal palibot sa bayan ng Azalia.Nagtataka si Gabion at ang iba pa nilang kasama kung bakit biglang nawawala si Aguban kapag sila ay nangingisda at kapag uwian na ay bigla na lang itong dumarating at binibigyan ang bawat bangka ng tig iisang tiklis ng isda.
Minsan ay palihim itong sinundan ni Agabon.Iniwan niya ang kanyang bangka sa isa niyang kasama."Osing,bantayan mo muna itong bangka ko."Sabi niya sa kasama habang itinatali ang lubid ng kanyang bangka sa dulo ng bangka ni Osing.
Lumangoy ito sa dakong pinuntahan ni Aguban.
Mahamog sa bahaging iyon na dagat kung kaya hindi siya napapansin ng kanyang sinusundan.mababaw ang bahagi dagat doon.Hanggang leeg nya lng kaya nakakalakad si Gabion at napapahinga niya ang kanyang mga paa sa pag lalangoy.
Nakita ni Gabion sa malayong dako ang isang maliit na mabuhanging isla na mahigit tatlong metro lang ang sukat sa kanyang tantiya.Nandoon ang bangka ni Aguban.
Palihim na nag tago si Gabion sa mga batong nakausli sa dagat malayo sa puting isla kaya hindi siya napansin ni Aguban.Bumaba si Aguban sa kanyang bangka hawak ang tali at ang angkla.Ibinaon nya ang angkla sa buhangin upang hindi maanod ng alon ang kanyang bangka bagamat hindi naman masyadong maalon ang bahagi ng islang iyon.Nakatayo siya at palingon lingon ito sa paligid.Parang may hinahanap.
Biglang namang nagtago si Gabion sa malaking bato.
Maya maya ay dahan dahan uli syang tumingin kay Aguban.
Hawak ng binata ang dulo ng kanyang kuwintas.Hinipan nya ito.
Tumunog ito na parang matining na sipol.
Maya maya ay may nakita si Gabion.Isang babae galing sa kanang dagat na malayo sa pinagtataguan niya.Lumapit si Aguban sa babae.Hanggang bewang ang bahagi ng dagat doon.Nakita niyang kinakausap ni Aguban ang babae."Paanong nagkaroon ng babae sa islang ito?"Takang taka ang binatilyo.
Patuloy pa rin syang nakatingin sa kanila sa di kalayuan ngunit hindi pa rin sya napapansin ng dalawa dahil na rin sa makapal na hamog at sa batong pinagtataguan niya.
Hindi niya tuloy napansin na may isa ring nilalang na nasa likod nya."Hissssss.."Tunog ng nilalang.
Narinig ito ni Gabion.
At napansin nya rin ang aninong nanggaling sa kanyang likuran.
Kinabahan si Gabion at dahan dahan siyang lumingon.
Nagimbal siya sa kanyang nakita.Isang malaking nilalang na parang ahas.
Tumingala sya at nakita niya ang ulo ng dambuhalang nilalang.
Nakatitig sa kanya ang matatalim na mata.Ang matutulis na ngipin nito ay parang matatalas na kutsilyo.kumikislap ang maasul at makaliskis na balat na tulad ng isang ahas.Ngunit mayroon itong apat na paa na tulad ng isang bayawak.Biglang bumuka ang malapad na makulay na pakpak nito na walang balahibong tulad ng ibon kung hindi ay parang pakpak ng isang paniki.Ilang segundo ring natulala ang binatilyo habang nakatitig sa dambuhalang nilalang na ngayon ay nasa kanyang harapan at siya ay biglang napasigaw.
"Ahhhh!!!!Halimaw!"
Mabilis siyang lumangoy palayo sa halimaw ngunit kinagat nito ang bahagi ng kanyang suot na damit sa kanyang likuran at inilipad pataas.
Nakitang lahat ito ng dalawa."Gabion!" Napasigaw si Aguban habang tumatkabo papunta sa kanyang bangka.
Kinuha niya ang kanyang sibat gamit sa pangingisda.
Patuloy ang paglipad ng mala ahas na halimaw papunta sa maliit na isla habang kagat kagat ang damit sa likod ng sumisigaw na si Gabion.
"Aguban tulungan mo ako."Sigaw at iyak ng binatilyo.Patuloy ang paglipad ng mala ahas na halimaw papunta sa maliit na isla habang kagat kagat ang damit sa likod ng sumisigaw na si Gabion.
"Aguban!!Ahhhh!!tulungan mo ako,bilisan mo!"Sigaw at iyak ng binatilyo.
Nagpupumilit syang kumawala sa pagkakagat ng halimaw sa kanyang damit hanggang sa mahubat ito at siya ay bumagsak sa buhanginan.
May kaataasan din ang pagkakabagsak niya.
Naunang tumama sa buhanginan ang batok kaya nawalan ng malay si Gabion.Lumapag ang halimaw sa buhanginan at ngayon ay nakaharap ito kay Aguban.
Sumigaw ito ng malakas at binuka ang malapad na pakpak para sa pagsugod kay Aguban.
Susugurin na sana ni Aguban gamit ang kanyang sibat ng ngunit biglang sumigaw si Agamiya."Aguban,huwag!Kasama ko sya!
Amira tama na!"
Tumigil ang dambuhalang halimaw.
Tumingin kay Agamiya at nanatiling nakatayo sa buhanginan.
Waring hinihintay ang sususunod na sasabihin ng dalagang sirena.
Napatigil din si Aguban.
Nagtataka sa mga nangyari kung bakit sumunod sa sinabi ng dalaga ang dambuhalang halimaw.Lumapit si Agamiya sa buhanginan at ng hindi na nasasayaran ng alon ang kanyang buntot ay bigla itong lumiwanag.
Nakakasilaw na liwanag.
Napapikit si Aguban.
Gusto niyang tingnan ang nangyayari sa kanyang kaibigan ngunit di makayanan ng kanyang mata ang nakakasilaw na liwanag.
Maya maya ay dumilat siya.
Natulala si Aguban sa kanyang nakita.Si Agamiya ay nakaupo pa rin ngunit wala ng buntot ng isda.
Ang kanyang nakikita ngayon ay dalawang paa ng isang normal na tao.
Tulala pa rin si Aguban.
Hindi makapag salita ngunit patuloy na nakanganga.
Nakatitig ito kay Agamiya.
Ang halimaw ay nananatiling nakatayo sa harap ni Gabion na wala pa ring malay.Tumayo si Agamiya.
Nakangiting lumakad papunta sa binata.
Ngunit ng mga limang dipa na lng ang lapit nya kay Gabion ay biglang napaatras ang binata at patakbong bumalik sa bangka.
"Gabion!"
Napasigaw ang dalagang ngayon ay may normal ng paa ng tao.Binuksan ni Agabon ang kanyang nakuhang bag sa bangka at kinuha dito ang kanyang pamalit na damit.
Muli itong naglakad papunta sa dalaga at patalikod at nakapikit na iniabot sa dalaga ang kanyang reserbang damit.
"Bakit?"Tanong ni Agamiya.
"Isuot mo."Sabi niya na halatang nahihiya ang boses.
Napangiti ang dalaga at sinuot ang binigay na damit ng binata.
Mahaba ang damit kung kaya umabot ito hanggang sa hita malapit sa tuhod niya.
"Oh heto,nasuot ko na."
Dahan dahang humarap si Aguban ngunit naka pikit pa rin ang kanyang mata.
"Hahaha.Ano ka ba?Imulat mo na nga yang mata mo.""Sigurado kang nakadamit ka na ha"
"Oo nga."
Minulat ni Aguban ang kanyang mata.
Hindi pa din siya makapaniwala sa kanyang nakita.
Ang kanyang sirenang kaibigan ay nakatayo na ngayon sa kanyang harapan habang nakangiting nakaharap sa kanya."Paanong nagkaroon ka ng mga paa."Nagtataka niyang tanong.
"Ahhh.Dahil dito."Tinaas ni Agamiya ang kanyang kanang kamay at ipinakita ang kanyang suot na pulseras.
Ito ay gawa sa makukulay na maliliit na perlas na pinagdugtong dugtong."Binigay sa akin ito ng aking Ama para daw makalakad ako sa lupa para sa aking paglalakbay."Sabi ng dalaga.
"Paglalakbay?Saan?"Bakit ka mag lalakbay?"
Napasimangot ang magandang dalaga.
"Yan ka na naman sa mga magkasunod mong tanong eh.Isa isa lang naman."