Bakit?
Bakit?! Bakit mo ko sinaktan?!
Ni segundo hindi ko pinalagpasan
Para lang ika'y makasama
At mahalin ng buong puso at kaluluwa
Pero bakit?! Bakit mo ko iniwan?!
Bigyan mo naman sana ako ng dahilan
Dahil ako'y sobrang nasasaktan
Wag mo naman sana akong gantohan
Buong buhay ko kasama kita
Makita lang kita napakasaya ko na
Pati puso ko nagwawala na
Pero hanggang dun nalang pala..
Nakita ko may kasama kang iba
Dun na nagsimula magsitulo ang aking mga luha
Parang binibiyak ang aking puso
Na binagsakan ng maraming bato
Lubos akong nasaktan
Idagdag mo pa nung sinabi mo nang harapan
Na gusto mo na akong hiwalayan
At ika'y aking kalimutan
Nasaktan man ako sa iyong sinabi
Pagibig ko sayo'y hindi mamumutawi
Basta kung may problema ka man
Nandito lang ako sa iyong tabi kailanman
Kahit iniwan mo akong sugatan,
Mamahalin kita nang walang hanggan
At kung saan ka man masaya
Aki'y tatanggapin at masayang magpaparaya
A/N: Ayos ba mga pis?! Masyadong lame ngayon eh kasi wala akong maisip na maganda. Yaan na babawi ako next time kapag nakita ko na yung inspiration ko. Nakss!😂
Hay nako, see you next time na nga!xoxo
itsmepinkiel
BINABASA MO ANG
La Poesia
PoesieSa La Poesia matatagpuan at mababasa ang mga tulang isinulat ko mula nung nagsimula akong maging isang manunulat. Iba't-ibang uri ng mga kwentong puso at bagay na tiyak kong marami kang mapupulot na aral mula sa aking La Poesia.. HIGHEST RANKING: #6...