《D E A R C R U S H》

18 0 0
                                    


Dear crush, alam mo
May gusto ako sanang sabihin sa iyo
Sana sa pag-amin ko
Wag ka sanang lumayo

Noon,wala naman akong nararamdaman
Wala rin akong pakialam kahit ika'y dumaan
Pero nung ika'y naging katabi
Biglang nagbago ang lahat ng aking gawi

Tuwing lumalapit ka sakin,
Di ko maipaliwanag ang aking damdamin
Makita lang kita
Parang mayroong puso sa aking mga mata

Hanggang ngayon,aki'y tinatago
Ang nararamdaman ko para sayo
Natatakot kasi ako
Na baka masaktan lang puso ko

Di ko nga malaman
Bat sayo ako nagkaganyan
Parang naiilang ako
At nahihiyang lumapit sayo

Crush, hindi naman ako umaasa
Na tayo'y magkaron ng pag-asa
Kasi alam kong may iba kana
At masaya kana sakanya

(A/N): Hellooooo guys! May bagong update nanaman ako pero may tatlo pa akong isusunod just wait. Sinipag kasi ako magsulat these past few days coz daming ganap kaya di na ako nagpatumpik-tumpik pa. But anyway, I hope you like and enjoy it! Stay tuned for more!

xoxo

itsmepinkiel

La Poesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon