Paano ba?! Paano ba ito nagsimula?!
Ang mga hindi maintindihang nadarama
Na sayo ko lamang nagkaroon
At nagkaroon na ng "crush" dahil doon
Oo nga para sa iba
Ang CRUSH ay tanging paghanga
Pero parang iba kasi ang aking nadadama
At ito'y pagmamahal na
Nung una wala naman akong gusto sayo
Ngunit habang lumilipas ang oras, unti-unting tumitibok ang aking puso
Hindi ko naman inaakala
Na yung puso ko sayo tatama
Pero wag kang magalala
Hindi ako lubos na umaasa
Na magkakagusto ka sa tulad ko
Dahil sa huli, masasaktan lang ako
Pero kahit ganito,
Sana'y iyong mapagtanto
Na mahal na mahal kita
At hindi magbabago ang aking nadarama
(A/N): Huhuhu😢. Nasasaktan ako habang sinusulat ko to. Tumama sa heart ko eh. Pero sana naenjoy niyo, dont worry guys sa mga next poems ko ibang topic naman ang gagamitin ko, stay tuned lang ah! Thanks!
xoxo
itsmepinkiel
BINABASA MO ANG
La Poesia
PoetrySa La Poesia matatagpuan at mababasa ang mga tulang isinulat ko mula nung nagsimula akong maging isang manunulat. Iba't-ibang uri ng mga kwentong puso at bagay na tiyak kong marami kang mapupulot na aral mula sa aking La Poesia.. HIGHEST RANKING: #6...