《A N O I T O ?》

32 2 0
                                    

ANO ITO?

Ano ito? Ano itong nararamdaman ko?

Nung nakita kita, labis akong nairita

Masyado ka kasing feelingero

Na lahat ng babae ay nagkakagusto sayo

Pero bakit ganito?!

Kahit naiinis ako,

Unti-unti namang nahuhulog sayo

Na talaga namang naguluhan ako

Ano bang meron sayo?

At ako'y nahulog sa iyo

Sa pag-ibig nga, hindi ka seryoso

Paano pa kaya kapag naging tayo?

Ay! Oo nga pala!

Hindi mo pala alam na gusto kita

Bakit pa kasi ako umaasa?

Kung sa sarili ko na alam ko na wala tayong pag-asa

Pero kung sakaling mabasa mo man to,

Sana maintindihan mo

Gusto ko lang naman ipahayag ang feelings ko

Na nararamdaman ko para sayo

Basta iyong lang tandaan,

Na ang pag-ibig ko sayo'y ni panaho'y di lilipasan

Ilang segundo man ang lumipas,

Nararamdaman ko sayo'y di kukupas.

(A/N): Ok guys, napublish ko na yung unang poem. So what do you think?! Maganda ba or not?! Kung hindi, ok lang. Pero kung oo, super duper ok at mag vote ka narin para malaman ng ibang tao!

Bago ko malimutan, inspired pala tong poem ko sa crush ko. Kaya nung ginagawa ko to, feel na feel ko eh. Kinikilig pa nga eh.

Aish! Ang daldal ko na naman! Kung naenjoy niyo siya, wait nalang kayo sa next poem ko. Matagal akong magisip kaya asahan niyo na ha. Sige, babushhh!!!

xoxo

itsmepinkiel




La Poesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon