《F I N A L L Y》

21 0 0
                                    


Finally, nakamove-on na ako
Move on sa feelings ko para sayo
Finally narealize ko
Na hindi ko deserved ang tulad mo

Sa totoo lang, masaya ako
At di na ko nagpapakatanga para sayo
Iniisip ko palang ang sarili ko noon,
Natatawa na ako dahil doon

Pero siyempre pinilit ko
Kahit nahihirapan ako
Dahil para naman ito sakin
At sa aking nakakainis na damdamin

Tsaka ginawa ko na rin yun
Pagkat napapagod na ako ngayon
Sa kakahabol sa iyo
Pero wala, binabalewala mo lang ako

Ngayon, gusto kong opisyal na sabihin
Na di ko na iniisip ika'y maging akin
Hindi naman ako sobrang desperada
Na ikaw lang ang gustong makasama

Pero kahit ganoon,
Kaibigan parin kita sa paglipas ng panahon
Handa akong suportahan ka
Sa lahat ng iyong ginagawa

(A/N): Yey! Napublish ko din ang gusto king ipublish. Sa lahat talaga ng poems na ginawa ko, ito yung fav ko kasi ang saya saya ko na nakamove na ako sa crush ko hihi... Sana nagustuhan niyooo and stay tuned for more! Thanks!

xoxo

itsmepinkiel

La Poesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon