《S A K I T》

5 0 0
                                    


Sakit

Sakit, yan ang aking nararamdaman tuwi-tuwina
Tuwing naaalala kang kasama ka sa piling ng iba
Parang dinudurog ang aking puso
Pero ano pa bang magagawa ko?

Matagal na akong may gusto sa iyo
Pero ni kailanmay di ko inamin ito
Hanggang sa dumating ang araw ang pinakaayawan ko
Ang magkaroon ka ng ibang gusto

Sa totoo lang,  kahit masaktan ako
Alam ko namang walang kuwenta ito
Dahil bukod sa di ko inaamin ang nararamdaman ko
Di mo pa ko gusto

Pero ano nga bang magagawa ko
Kung yan pala ang magpapasaya sayo
Mas nanaisin ko pang bumitaw na lamang
At piliting

Siyempre oo,  masakit sa part ko
Na may ibang gusto ang mahal ko
Parang pinagsasaksak ang aking puso
At pinagsakluban ng langit at mundo

Paalam,  yan ang nais kong sabihin
Paalam at gusto ko na kitang kalimutin
Kalimutin na naging parte ka ng buhay ko
At umibig sa isang katulad mo

Sakit,  yan ang naramdaman ko dahil sayo
Nung mga panaho'y akala ko'y may pag-asa ako
Ako, na sana ay makalimutan ang salitang "ikaw"
Ikaw na nagpadulot ng matinding sakit sa pusong naliligaw

(A/N): Helllloooo! Its been a while~
I'm sorry kung natagalan yung pagupdate ko, busy lang talaga ng sobra. Actually, marami na nga kong poems na di ko pa napa-publish. Ayoko muna kasi pagsabay-sabayin, mahirap yon HAHA.

yun lang sana nagustuhan niyo
xoxo💋

itsmepinkiel

La Poesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon