TCPATN: 01 | Campus Princesses

345 6 10
                                    

Campus Princesses

•THIRD PERSON POV•

"Hey! Gising gising na!" sigaw ng isang dalaga habang nakahiga sa sofa at yakap yakap ang isang unan.

Siya Si Lacey Anne Mendez, 18 years old pinaka matanda sa apat pero ang pinaka immature sa kanila.

"Good Morning~!" bati ng isang napaka gandang dalaga habang pababa ng hagdan.

Siya si Tiffany Dane Smith, 17 years old walang pinagkaiba kay Lacey mas mature nga lang siya ng 0.01%.

"Morning" malamig na sabi ng isang dalagang may hawak hawak na libro at nagbabasa habang pababa ng hagdan.

Siya naman si Quinn Sheila Darius 16 years old, ang dakilang bookworm ng grupo at ang pinakatahimik.

"What time is it?" tanong ng isang dalagang humihikab pa habang pababa.

And last but not the least siya si Arden Nicole Sarmiento, 16 years old ang chef ng grupo at ang pinakabata sa kanila pero mas mature pa kay Lacey.

At sila ang Campus Princesses.

"6 o'clock" sagot ni Lacey na ang sarap sarap ng higa sa sofa.

"It's only 6 o'clock?! at ginising mo na agad kami?" naka taas ang isang kamay ni Tiffany with matching taas kilay pa niyang tanong.

"Yeah, magisa lang ako dito sa baba eh" sagot naman ni Lacey pagkatapos ay sumubo siya ng popcorn.

"9:30 ang pasok natin, kaya sakto lang" sagot naman ni Arden na nasa kusina at nag lu-luto.

"Mabuti pa at mag ayos na tayo ng sarili natin" sabi ni Quinn sabay baba ng libro niya at akyat sa taas para maligo.

"Mabuti pa nga"

•LACEY POV•

"Done" sabi ko sabay upo sa dining table kung saan nakalatag na ang almusal namin.

"Ano yung Food~?" Bungad ni Tiffany pagkababa niya sa hagdan.

"Tocino, Bacon, Toast, Eggs, at Juice" sagot ni Arden sabay baba ng juice sa table pagkatapos ay umupo na siya.

"Lets Pray" sabi naman ni Quinn na nakaupo sa tabi ni Arden.

"God is good" panimula niya.

"God is great" sagot naman naming tatlo.

"Bless this food, that we are about to take, Amen" sabay sabay naming sabi, pagkatapos ay kumain na kami.

•••

"First period?" tanong ni Quinn sa amin.

"Mine is English" sagot niya sa tanong niya.

"Same" sabay sabay naming apat.

"Room 102, let's go" pagkatapos naming alamim ang first period namin ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa room.

"Uy tumahimik na kayo"

"Nandiyan na sila"

"Umupo na kayo"

"Shh"

Don't get us wrong, hindi naman kami yung tinutukoy ng mga yan kung hindi ang grupo ng bully sa school at guess what, classmate namin sila sa First at Third Period.

The Campus Princesses And The NerdWhere stories live. Discover now