TCPATN: 04 | Friends

91 3 2
                                    

Friends

•TIFFANY POV  

"Speaking of Jaiden, nabangga natin si Jaiden" sabi ni Arden, habang nakatingin kay Jaiden na walang malay na nakahiga katabi ang bike niya.

"Buhatin natin siya bilis! Dalhin natin siya sa Hospital" agad namin siyang binuhat at pinasok sa loob ng Sasakyan.

"Aish~ Lagot nanaman tayong apat" sabi ko habang minamasahe ang sintido ko sa sobrang stress. si Arden naman binabantayan si Jaiden na ngayon ay wala paring malay, binilisan ni Quinn ang pagmamaneho niya kaya maya maya dumating na kami sa Hospital. 

"Ok lang po ba siya?" tanong namin sa Doktor.

"Oo ayos na siya, na shock lang siya kaya siya nawalan ng malay, at tsaka na sprain yung kaliwang ankle niya kailangan niya ng crutch para makapag lakad pero kung kaya naman niya maglakad ankle brace nalang ang kailangan, tsaka wag niyo siya palakarin ng mga malalayong distansiya"  tumango naman kami pagkatapos pumasok na kami sa kuwarto kung nasaan si Jaiden.

"Hmm..." tinignan namin si Jaiden habang binubuksan ang mga mata niya.

"Ok ka lang?" 

"May masakit ba sa'yo?"

"Nasaan ako?" tanong niya sa amin.

"Nasa Hospital ka, obvious ba?" Lacey rolled her eyes, sinamaan naman namin siya ng tingin.

Biinalik namin ang tingin namin kay Jaiden, na ngayon  naka tayo na.

"Arghh--"

"Wag ka muna tumayo, baka lalong ma-sprain yung ankle mo" sabi naman ni Arden sabay alalay kay Jaiden.

"Kailangan ko ng umuwi, naghihintay si Mama" nagtinginan naman kaming apat, hindi pa pala namin na-inform yung Mama ni Jaiden.

"Sige, magbihis ka muna" inalalayan nina Quinn at Arden sa Banyo para makapagbihis na siya.

Maya maya lumabas na si Jaiden at suot suot na niya ang School Uniform.

"Tara na" binigay ko yung crutch kay Jaiden at ginamit niya yun, pagkatapos inalalayan siya ng dalawang bunso palabas kaming dalawa naman ni Lacey nakasunod sa kanila.

"Nasaan si Lacey?" tanong ni Quinn nang makapasok kami sa sasakyan.

"Binayaran niya yung Hospital Bill" sagot ko naman sa kanila sabay upo sa Driver's Seat, mabait ako ngayon kaya ako nalang mag da-drive. 

"Tignan mo nga naman yung gurang na yun, parang kanina lang bad trip na bad trip siya dito kay Jaiden pero ngayon siya pa yung nagbayad ng hospital bill" natatawang sabi naman ni Arden, at pagkabanggit niya ng pangalan ni Jaiden nakita namin na tulog na si Jaiden at nakasandal ang ulo niya sa bintana. 

"Pagod na pagod siguro siya" sabi ko naman pagkatingin ko kay Jaiden.

"Drive" nakita ko si Lacey na nakaupo na sa tabi ko at nakapikit pa, inaantok na din ata toh.  

...

"Umuwi na kayo, gabi na. Thank You din"  malumanay na sabi ni Jaiden pagkababa niya ng sasakyan, tumango naman kami at pumasok na kami uli sa sasakyan.

"Guys, kailangan nating makabawi sa kanya" sabi ko sa kanila habang nag da-drive, nasagasaan namin siya kay dapat lang na makabawi kami.

"Paano?" tanong ng dalawa sa likod.

...

"Bakit nandito kayo?" tanong ni Jaiden sa aming apat with a confused look, nandito kasi kami sa harap ng bahay nila para sunduin siya.

"Uhmm, sinusundo ka namin" sabi ko naman, tumango naman yung tatlo.

"You know, para makabawi" naka ngiting sabi naman ni Quinn.

"HIndi niyo naman kai--" hindi siya pinatapos magsalita ni Arden.

"Wag ka ng magreklamo, sakay na" inalalayan namin siyang dalawa ni Arden at umupo kaming tatlo sa likod, si Lacey naman ang nag da-drive at katabi niya si Quinn.

"May kaibigan ka na ba sa University?" basag ko sa katahimikan, pagkatapos tinignan ko si Jaiden.

"Oo" maikli niyang sagot, tumango naman ako. 

"Sino?" tanong ni Arden sa kanya, tinignan ko uli si Jaiden.

"Si Ran" 

"Ran Earl De Guzman?" tanong din ng driver namin for the day.

"Oo" tumango si Jaiden.

"Lima na kaibigan mo ngayon" nagulat kaming tatlo sa sinabi ni Quinn. Anong trip ng babaeng yan? 

"Ha?" pati si Jaiden nagulat sa sinabi ni Quinn.

"Friends?" nilahad ni Quinn ang kamay niya para sa handshake, tinanggap naman ito ni Jaiden at sabay tumango.

Tinignan naman kami ni Quinn ng Makiride-Kayo Look, nagkatinginan naman kami ni Arden at nagkibit balikat nalang.

"Well, I guess. Friends?" tanong ni Arden habang nakangiti, nginitian naman siya ni Jaiden pabalik sabay tango.

"Uhmm, yeah Friends" ngumiti ako ng awkward pagkasabi ko niyan.

Pagkatapos namin gawin yun tinignan namin si Lacey, tinignan naman ako ni Lacey ng 'What?' look at sinenyasan ko siya na makiride sa amin.

"*sigh* Oo na, Oo na Friends!" tumawa naman kaming apat maliban kay Lacey na pinark ang sasakyan. Nandito na pala kami sa University.

+  

[A/N: Yown guys!! HAHAHAHA wala na akong maisip sa chapter na toh eh, so yun nga katulad ng sinabi ko sa prolouge wag na kayo magreklamo, kami author dito HAHAHAHA de joke lang, Labyu Guys, pis tayo HAHAHAHA]



The Campus Princesses And The NerdWhere stories live. Discover now