TCPATN: 03 | 2nd Encounter

137 3 0
                                    

2nd Encounter 

ARDEN POV

"Hey People! Gising gising na oh, nadito na tayo sa school" Pag gising ko sa mga nilalang na antok na antok kanina pa, kaya tinulugan ako.

Itong katabi ko nakasandal sa bintana at natutulog, itago na natin siya sa pangalang Quinn. Yung dalawa naman sa likod na itatago din nating sa mga pangalang Lacey at Tiffany ay sarap na sarap sa tulog at nakasandal pa sa isa't isa. Ang hirap maging bunso, Hayyy.

"Ha? Ansabe mo?" sabi ng tanda sa grupo namin habang ang isang mata ay nakadilat. 

"Nasa School na tayo?" tanong naman ng katabi ko. 

"Nasa School na nga agad tayo?!" gulat naman na sabi ng isa pang gurang sa likod. 

"Hindi ako mabilis mag drive, matagal lang kayo natulog" -_- expressionless kong sagot sa kanila. 

"Tayo na diyan bilis!!" sabi ko sa kanila sabay bukas ng pinto at labas. 

Sana maging peaceful ang araw na toh, ayaw ko na uli mag linis sa library men.

"Lets Go, Sago~!" excited na sabi ng tanda sabay lakad papasok ng University. Napailing nalang kaming tatlo sabay tawa ng mahina pagkatapos ay sinundan na namin si Lacey.

Buti nalang hindi kami late dahil sa mga tukmol 'kong kasama, kung hindi maglilinis nanaman kami sa library.

"Good Morning, Class" sabi ni Sir Ez sabay baba ng mga libro sa desk niya. 

"Good Morning Sir Ez" sagot naman namin sa kanya at tumango naman siya. 

Pagka bati namin kay Sir, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki, naka uniform siya, ngayon ko lang siya nakita siguro Transferee.

"Sorry Sir Ez, na traffic lang po ako" pagpapaliwanag niya habang naka yuko. 

"Ok lang, umupo ka na" sagot naman ni Sir Ez habang naka ngiti, tumango yung lalaki tapos umupo na siya sa tabi ni Ren. 

"Wassup, Jadien my bro" nag fist bump naman yung dalawa. Jaiden pala yung pangalan niya.

Bigla naman ang lumingo sa likod ko at nakita ko si Tiffany na naka titig kay Jaiden. Anong trip nito? 

"Hoy! na in-love ka na agad? Wow, men bakit ang bilis mo main-love sa mga lalaki?" tanong ko sa kanya habang magkadikit ang mga kilay ko. 

"Gaga, hindi ako in-love" sinamaan ako ng tingin ng loko. 

"Eh ano?" tanong ko uli sa kanya habang naka taas ang isang kilay.

"Basta may na se-sense ako, Aish! Nevermind" umiling siya at nilingon ang tingin kay Sir Ez na nag di-discuss na, umiling nalang ako at nakinig na sa discussion.

"Hoy, Lacey!" 

"Gurang!"

"Hoy tanda gising na" 

The Campus Princesses And The NerdWhere stories live. Discover now