TCPATN: 05 | Squad

80 3 1
                                    

[A/N: Ang boring ng chapter na toh promise, pero kung gusto niyo parin basahin, basahin niyo pero wag kayo magreklamo kung pangit 'tong chapter kasi binalaan ko na kayo HAHAHAHA Joke Pis uli tayo] 

Squad

•TIFFANY POV

"Guys, uuwi daw si Kuya, pinapapunta kayo ni Mommy sa bahay" ani ko habang hawak hawak ang Cellphone ko dahil kakatapos ko lang kausapin si Mommy.

"When?" tanong ni Arden na kakalabas lang galing ng banyo.

"Mamayang Gabi" matipid kong sagot pagkatapos binuksan ko yung TV.

"Sure" - Quinn

"Sige" - Lacey

Sabado ngayon, at ngayon din ang arival ng pinakamamahal kong Kuya na si Timothy Dale Smith. Kapag ako nakita ko yun sasapakin ko yun, iniwan niya ako para mag aral sa US, Hmph! I hate him, but i still love him Hehehehe.

... 

"Kala ko ba pupunta tayo sa bahay niyo? bakit nandito tayo kina Jaiden?" tanong ni Lacey nang itigil ko ang sasakyan sa harap ng bahay nila Jaiden. 

"Ahh nakalimutan kong sabihin na ngayon yung Birthday ni Mommy, kaya sabi niya imbitahin ko daw friends ko"  sagot ko sa kanila sabay baba ng sasakyan at pindot ng doorbell.

"Ahh, kaya pala pinadala mo sa amin yung regalo namin para kay Tita!" sabi naman ni Arden at tumango ako.

"'Yan na siya" sabi ko nang makita kong palabas si Jaiden.

Nakasuot siya ng Brown na Beanie at brown long sleaves, Jeans, tsaka Brown na sneakers.

"Kahit walang pasok, nerd parin" natatawang sabi naman ni Quinn nang makita niya ang suot ni Jaiden.

"Bilisan natin susunduin pa natin si Ran" mukhang nagulat sila na isasama ko din si Ran dahil nakatitig silang lahat sa akin.

"Wag na kayong magtanong basta inimbita ko si Ran" agad akong pumasok sa Driver's Seat at sinenyasan sila na pumasok na dahil baka mahuli kami sa Birthday Party ni Mommy.

Pagka sundo namin kay Ran ay agad ko na pinatakbo 'tong sasakyan papunta sa bahay namin.

 •THIRD PERSON POV

Madaming malalapit na kaibigan ang pumunta sa Birthday Party ng Donya na si Rosel Smith, nag sasayawan ang iba sa Disco yung mga iba naman ay binabati ang Birthday Celebrant.

"Mommy Happy Birthday" bati ng unika iha niya, habang yakap yakap siya. 

"Tita Happy Birthday" sabay sabay na sabi naman ng lima habang nakangiti.

"Sige na, kumain na kayo dun kakausapin ko lang yung mga bisita" sabi niya habang nakangiti at tinanguan niya ang mga bata. 

"Wow, ang daming pagkain" sabay na sabi ng dalawang bunso sa grupo na sina Quinn at Arden.

"Eii, ang tatakaw talaga oh" natatawang sabi naman ni Lacey. 

The Campus Princesses And The NerdWhere stories live. Discover now