TCPATN: 07 | Membership Training Part 2

73 1 0
                                    

Membership Training Part 2

•LACEY POV

"Maligo ka na Jai" sabi ko kay Jaiden na busy ngayon sa cellphone niya.

"Ok~" tumango naman siya at ngumiti pagkatapos pumasok na siya sa banyo.

Inayos ko yung mga gamit ko at tsaka ko kinuha yung damit na susuotin ko ngayong araw. 

"Lacey!" rinig kong sigaw ni Jaiden mula sa banyo kaya tiananong ko siya kung bakit, "Uhmm, nakalimutan ko yung T-Shirt ko pwede pakikuha sa luggage" lumapit naman ako sa luggage niya at nung kukunin ko na yung T-Shirt may nahulog na Locket, pinulot ko ito, wala naman sigurong mangyayaring masama kung titignan ko yung nasa locket noh? 

•JAIDEN POV  

Pagkatapos iabot ni Lacey yung T-Shirt ko sinuot ko na toh at lumabas ng may towel sa balikat ko, tinignan ko si Lacey at nakita ko na nakatitig siya akin with blank expression.

"May problema ba?" I asked her. Umiling naman siya habang nakangiti, pagkatapos pumasok na siya sa banyo. Weird.

Pinatuyo ko yung buhok ko habang hinihintay na matapos si Lacey, pagkalabas niya ay sinuot ko na 'yung sapatos ko at nag ready nang lumbas.

Maya maya nag ring yung doorbell, binuksan ko ito at bumungad ang mga pagmumukha nila Tiffany at Arden.

"Gurang, bilisan mo diyan!" pang aasar naman ni Tiffany kay Lacey na kasalukuyang sinusuot ang sapatos niya.

Hinagis ni Lacey ang Cap niya kay Tiffany at sapul ito sa ulo niya "Aray~" she whined while holding her head, tumawa naman kaming dalawa ni Arden.

"Tama na nga 'yang drama mo, puntahan na natin 'yung dalawa" sabi ni Lacey habang pinipulot 'yung Cap niya at isuot ito.

Sinarado na namin 'yung kuwarto at pinuntahan namin sina Quinn at Ran, "Lovebirds! Tara na!" pagkasabi nun ni Arden lumabas na yung dalawa sa kuwarto nila, at sabay sabay na kaming pumunta sa event center ng hotel.

"Guys, since hardcore yung activity niyo kagabi, ngayon we are going to have fun" masayang sabi ni Sir Ez, at nagsigawan naman kaming lahat.

"Magsiupo na kayo, dahil magsisimula na tayo sa mga activity natin" agad naman kaming sumunod sa sinabi ni Sir Ez at umupo na kami.

"Syempre dapat opening number muna, kaya kaming teachers niyo sasayaw~!" kanya kanyang cheer na ang mga estudyante para sa mga paborito nilang teachers, pero syempre loyal kami kay Sir Ez kaya siya ang chini-cheer namin.

Pagkatapos ng opening number ng mga teachers, pagod na pagod na nag salita si Sir Ez, "Pagpasensiyahan niyo na ako, medyo tumatanda na si Sir Ez" tumawa naman kaming lahat sa sinabi niya.

Pagkatapos ng walong oras ng walang tigil na mga activities, sinabi na ni Sir Ez ang last activity for the day.

"At ang last na activity ay mag s-spend kayo ng time with your pair, at gumawa na ako ng mga pair" sabi niya sabay taas ng papel kung saan nakasulat ang mga pangalan namin. sinabi niya ng malakas ang pangalan ng bawat pair.

The Campus Princesses And The NerdWhere stories live. Discover now