Kabanata 2

415 22 2
                                    

Sa likod ng simbahan ay madalas ako doon, dahil sa mga bulaklak na alaga ng padre, pati ang mga isda sa maliit na lawa.

Ang aking ama't ina'y may kausap sa loob, samantalang ako'y nagpaalam upang maparito at balikan ang mga bulaklak kahit na napaka raming ganoon sa aming hardin. Medyo marami ang mga taong nandirito at sila'y nagpapahangin lang din at binibigyan ng pagkain ang mga isda ng pagkain nito.

Ako'y nahihili dahil hindi ako nakabili ng pagkain nila, siguro dito muna ako sa mga bulaklak mananatili.

"Bili na po kayo ng kakanin! masarap po ito gawa ng aking ina!"

Dinig kong sigaw ng isang ginoo, may dala siyang bilao nama'y naka patong na dahon ng saging dito.

Matangkad siya sa akin at panigurado ko ding mas matanda siya sa akin dahil siya'y nagbibinata na.

Pwede bang ipakain ang kakanin sa isda? kung ganoon ay bibili ako ng kaniyang tinda.

"Ginoo!"

Ang aking porselanang balat ay nagliwanag lalo ng tumama ang sikat ng araw dito. Hindi ito masakit sa balat dahil maaga pa lamang, sa halip ito ay mainam sa katawan.

Lumingon siya sa akin at agad na nag tama ang aming mga mata, habang papalapit ako sa kaniya ay hindi napuputol ang aming titigan at sya ay nanatili lamang sa kung saan siya upang hintayin ako.

"Ano iyon binibini? bibili kaba?"
Nakangiti nitong sabi.

Ipinakita niya ang lamang ng bilao, agad na inatake ang aking ilong ng amoy ng mabangong latik. mukhang masarap nga ito, ngunit ako'y busog pa. Nais ko lamang sanang bumili para sa mga isda.

"Ako'y bibili para sa mga isda"

Saglit siyang natigilan at tumawa.

Hindi ko alam kung bakit ba siya tumatawa, may nakakatawa ba sa aking mukha? mayroon ba'ng dumi? o may mali sa aking sinabi?

"Binibini,ngunit ang aking itinitinda ay para sa tao lamang"

Pagpapaliwanag nito sa akin at natatawa padin, nakakahiya ang aking ginawa, buti na lamang at hinfi masyadong dinig ng mga tao ang aking sinabi, ramdam ko ang pag init ng aking pisngi.

"G-ganoon ba?"

Tumitig ako sa kaniyang mga mata upang iparating na iligtas niya ako sa kahihiyan.

Ngunit nainis lamang ako sa kaniya ng muli siyang humalakhak.

Bigla akong napabalikwas ng maramdaman ang init sa katawan. tagaktak ang pawis sa aking noo at katawan.

Nananaginip pala ako, ngunit parang totoo ang lahat ng mga pangyayari.

Ang munting ginoo sa aking panaginip, pamilyar siya, ang kaniyang mata. at sa tingin ko'y parte iyon ng mga aking nawalang alaala.

Kumirot ng kaonti ang aking puso at tumagal ito ng ilang segundo bago nawala, uminom ako ng tubig at inalala ang iba pang detalye sa aking panaginip o ng aking alaala.

Kapag tinatanong ko ang aking ama't ina tungkol doon ay inililihis nila ang usapan.

Gusto ko'ng malaman kung sino ang ginoo, at bakit siya ang aking naalala.

Hindi pa sumisikat ang araw ay nagsimula ng kumilos ang aming mga taohan upang simulan na ang kanilang mga gampanin.

Ang mga tagalingkod ay nag handa na ng agahan, kumain kami nang sabay sabay at dinig ko lamang ang pag uusap ng aking ama't ina tungkol sa aming negosyo.

The Love of GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon