Kabanata 5

209 12 2
                                    


(Karugtong ng naunang kabanata)

Ang mga kamay niya ay nasa aking magkabilang pisngi.

Hindi pa wasto ang aking paghinga nang buhatin niya ako at agad akong nakaramdam ng mabibilis at malalakas na pintig ng puso, hindi ko matukoy kung sa akin ba iyon o sa kaniya.

Aking nakita ang pagkabasa ng kaniyang kasuotan at agad na nag alab ang aking mga pisngi nang mapagtanto ang aming posisyon.

"Salamat Ginoo, kung hindi dahil sa iyo marahil ako'y nalunod na"

Ang kaniyang nag aalalang mga mata'y nasa akin lamang.

Hindi ko manlang namalayan na mayroon siyang kasama, isa pang ginoo na sa tingin ko'y kasing edad niya lamang.

"Kung hindi dahil kay enteng ay nalunod kana binibini"

Paano naman mangyayari iyon? Siya itong nag ligtas sa akin.

Ramdam ko padin ang takot nang pag masdan ko ang ginoo, kita ko sa kaniya'ng mga mata na siya'y nag aalala rin dahil sa nangyari.

"Oo binibini, sinabi ko sa kaniya ang pagkahulog mo, ako na sana ang sasagip sa iyo ngunit naunahan naman niya ako"
Sabi ni Enteng.

Iniupo niya ako sa malaking puno malapit lamang sa lawa at pinunasan niya ng isang tela ang aking buhok.

Habang tinitignan ko siya ay nakatuon lamang ang kaniyang pansin sa ginagawa
"Frances, sabihin mo paano ka napunta sa lawa?"

Ngayon na sa aking mata naman ang kaniyang mga mata.

"Naglalakad lamang ako at bigla na lamang bumagsak ang aking katawan sa lawa"

"Batay sa aking nakita, nakatingin ang binibini sa mga puno, kaya hindi niya napansin ang lawa," Sabi ni Enteng.

Atsaka ko lamang naalala ang kulay asul na ibon, na may dalang halaman sa kaniyang tuka.

Doon ako nakatingin kaya bigla na lamang ako'ng bumagsak sa tubig.

Nagising ako sa isang sigawan na bumalot sa buong lugar, hindi ko matukoy kung anong oras na, ngunit madilim na.

Dahil sa lamig ng hangin, siguro'y mag uumaga na.

"Frances! Hija!"

Ang aking ina'y mabilis na lumapit sa akin at hinila niya ako patayo.

"Ina, Ano po ang nangyayari?"

Mabilis niyang isinara ang bintana, at hinila ako sa isang gilid at doon ako'y kaniyang niyakap.

"May mga pinatay ang mga kastila anak, kaya't ang iyong ama at ang iba pa'y naghihintay sa pag dating ng heneral"

Ngunit bakit nag kakagulo ang lahat? At ang mga Kastila? Sobra na ang kanilang ginagawa, maraming mga pilipino na ang kanilang pinapaslang!

Ilang segundo ang nakalipas at sa wakas ay tumahimik na ang paligid.

Ano na kaya ang kaganapan?

Lumabas kami ni ina sa aking silid upang tignan kung ano na ang nangyayari.

Napatigil kami ni ina nang mapansin kung sino ang nasa ibaba kausap ng aking ama.

Ang Heneral.

"Heneral, kakailanganin na ng iyong mga kawal ang mga armas na aking nabili"
Matigas na sabi ng aking ama.

"Huwag po kayong mag alala senior, gagawin ko po ang lahat upang tuluyan ng mapaalis ang mananakop sa ating bayan."

Ako'y napalundag ng dumapo ang kaniyang tingin dito sa amin ng aking ina.

The Love of GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon