Kabanata 8

155 12 2
                                    


Agad na tumayo ang heneral at hinila ako patungo sa isang puting kabayo na ngayon ay dala ng kaniyang koronel, si enteng!

Sumaludo ito.

"Heneral, ang inyong pinakamamahal na kabayo"
Sabi nito at iniabot sa heneral ang nag sisilbing tali.
Ginawaran naman niya ako ng isang ngiti at ganon din ang aking ibinalik.

"Wala ng hihigit pa sa pag mamahal ko sa binibining ito"Sabi ng heneral at inalalayan ako upang maka sakay sa puting kabayo.

"Ngunit, sabi mo'y pinakama--"
Natikom ang kaniya'ng bibig nang akmang bubunutin ng heneral ang kaniyang baril.

Naku po!
Hanggang ngayon pala'y dala dala niya ang ugaling iyan.

"Biro lang ho!" Naka taas pa ang kaniyang dalawang kamay na tila sumusuko. "Naku, sinabi naman niya talaga iyon" bulong ni enteng.

Labis ako'ng natutuwa na makita sila'ng ganiyan, at tila niyayakap ang aking puso sa tuwing naaalala ko na kahit noon pa man ay ganiyan na silang dalawa.

"May sinasabi ka?"

"W-wala ho, ang sabi ko'y mag iingat kayo"
Sabi ni enteng na nag pipigil ng tawa.

Pagkasakay ng heneral sa kabayo ay agad niya ito'ng pinatakbo patungo sa tahanan ng kaniyang amain,
Habang tinatahak namin ang pintong daan ay parang may nalilimutan ako? Ano iyon?

Nang makarating kami doon ay agad na sinalubong ako ng aking pamilya.

"Frances! Saan kaba nag tungo, por dios ang batang ito..pinag alala mo kami ng iyong ama't ate alona!"
Agad akong lumapit sa kanila at niyakap.

Bakas din ang takot sa mga iba pa'ng pamilyang narito.

Nakita kong nag uusap ang aking ama, sina ginoong marcelo pati na ang iba pang mga kalalakihan..

Ano na kaya ang nangyayari sa simbahan, si goyo nasaan na kaya siya, nang maihatid niya ako ay agad din siyang umalis upang puntahan at hanapin kung saan ba nag mula ang mga putok ng baril.

Kaya nang tumahimik ang paligid ay agad din kaming umuwi para masigurado ang aming kaligtasan.

Alas onse na nang mapag pasyahon kong matulog ngunit hindi agad ako naka tulog dahil sa aking mga iniisip.

Bakit nga ba kapag mulat ang ating mata ay kay raming nating naiisip, kaya siguro naka pikit ang tao kapag natutulog..

Sinabi naman sa amin ni ama kanina na mayroong nananakot sa mga tao pati na sa mga opisyal, kung baga may ipinadala ang kabilang hukbo na isang tao upang manakot at mamaril.

Ngunit wala naman daw namatay o nasugatan dahil ang nais lamang ng mga ito ay manakot.

Tatlong katok ang bumasag sa katahimikan sa aking silid at agad kong nadinig ang tinig ng aking ina kung kaya't pinapasok ko siya.

"Ina bakit ho?"

Ngumiti ito sa akin at pumasok sa aking silid at naupo sa aking kama.

"Frances..anak gusto mo bang makadinig ng isang kwento? Gaya noon?"

Agad akong nagtaka dahil bakit naisipan ng aking ina na mag kwento kahit alas onse na ng gabi.

Maari din naman dahil hindi rin ako makatulog baka makatulong ito.

"Ina nag lalambing kana naman.." sabi ko at tumawa kaming dalawa.

"Anak kahit lumaki kana at naging isang magandang dalaga, ikaw padin naman ang aking pinaka mamahal na bunso.."

Ngumiti ako sa kaniya at humanda na ako upang makinig sa kaniyang kwento..

"Kwento ito ng isang munting binibini na nakapagpatunay ng milagro"

Naka tingin si ina sa akin at naka ngiti..

"Isang araw may isang munting binibini na napaka ganda at masiyahin..maraming natutuwa sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na matalino at mabait..ngunit isang araw may nakilala siyang munting ginoo na naging matalik niyang kaibigan..palagi silang mag kasama tila di na mapag hiwalay"
Naalala ko tuloy kaming dalawa ni goyo ng kami'y mga bata pa lamang.
"Hanggang sa dumating ang ikinakatakot ng munting binibini, iniwan siya ng kaniyang matalik na kaibigan at nagpakalayo layo dahilan para masaktan ng lubos ang munting binibini at nag dulot ng sakit sa puso sa kaniyang mahinang puso
."
Bakit parang ako ang munting binibini sa kwento?
Tila mag katulad kami ng naging kapalaran sa buhay.

"Hanggang sa lumala ang sakit niya sa puso na nag sanhi ng kaniyang pagkamatay.."
Nadudurog ang aking puso dahil naiintindihan ko ang nararamdaman ng munting binibini sa kwento..
Bakit kailangan mangyari ang ganoong bagay sa kaniya..bakit kailangang umabot sa kamatayan ang kinahantungan niya?

Sabi nga, kung sino ang labis na nagbibigay sa iyo ng saya ay sila din ang magbibigay ng pinaka masakit na nadarama..

"Ngunit nagulat ang lahat..isang oras nang patay at hindi humihinga ang binibini ay bigla na lamang itong nagising ngunit burado na ang kaniyang alaala..kung kaya't tinawag itong milagro ng mga doktor"

Umiiyak na ang aking ina nang tumitig siya saakin.

Alam ko na, ako ang bida sa kwentong iyon..ngunit bakit ikinukwento niya sa akin ang mapait na karanasan na iyon?

"Ina.."

"Dahil sa pangyayaring iyon ay nagalit ang mga magulang ng munting binibini sa kaibigan niyang munting ginoo at hindi na ito muling ipinaalala sa kanilang anak dahil natatakot sila na muling mangyari ang bagay ns iyon.."

Humagulgol ang aking ina at yumakap sa akin.

Oo nga pala't hindi pa niya alam na nag balik na ang aking mga alaala.
Kung kaya siguro'y ibinabahagi na niya ito sa akin.

"Anak patawarin mo ako, hindi ko lang nais na mawala kapa sa amin..at ayon talaga ang pinaka ayaw kong mangyari sa lahat.."

Naiintindihan kona ngayon, kaya pala hindi nila nais na muli kong makita at maalala si goyo dahil sa nadulot niya sa akin.

Hinawakan ko ang dalawang kamay ni ina at tumitig sa kaniyang mga mata..

"Sinabi na sa akin ni criselda ang lahat ng nangyayari sa iyo--"

"Ina may dapat po kayong malaman.."

Halos magkasabay naming bigkas ni ina kung kaya't tumigil siya upang pakinggan ako.

Hanggang ngayon ba'y galit sila sa heneral? Alam kaya nila na ang munting ginoong kinagalitan nila noon ay ang heneral na pinagkakatiwalaan nila ngayon?

"Nag balik na po ang lahat ng aking alaala"

Nanlaki ang kaniyang mga mata at natakpan ng kaniyang kamay ang bibig dahil sa bigla.

Atsaka muli siyang umiyak.

"A-anak, patawarin mo ako"
Sabi nito sa gitna ng kaniyang pag iyak.

Sa katunayan, ay hindi na kailangan pang humingi ni ina o ni ama ng tawad dahil naiintindihan kona ngayon kung bakit hindi nila nais na magbalik ang aking alaala.
Dahil nais lamang nila ang aking kaligtasan.

"Wala po kayong kasalanan, naiintindihan ko po kayo"

Ilang sandali pa'y bumalik na si ina sa kanilang silid ni ama dahil iiwan naraw niya ako upang makatulog na ako.

Inaamin kong may tanpo ako sa kanila ni ama dahil hindi nila sinasabi sa akin ang aking nakaraan. Yun naman pala't may dahilan.

Kung kaya't masasabi ko na mahal na mahal talaga ako nila ama't ina.

At mahal na mahal ko rin sila.

The Love of GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon