Kabanata 6

159 9 4
                                    


Nagising ako sa isang kaluskos mula sa aking durungawan, kaya agad ako'ng napabangon at umupo sa aking higaan.

Kanina ay pinuntahan ako rito ng aking ina at dinalhan ng pagkain.

Ngunit nakatulog rin agad dahil sa aking kakaiyak.

"S-sino ang nariyan?"
Saad ko nang masundan ng mas malakas na kaluskos ang mahinang tunog kanina.

Pinulot ko ang patpat na laging narito sa aking silid, upang pag may ganiyang pangyayari ay may mahahagilap ako.

Nakalugay ang aking mahabang buhok at nadadama ko ang malamig na hangin mula sa bintana, siguro'y hating gabi na kaya't tahimik na ang paligid.

Nagulat ako nang makita ang isang maliit na kamay ang nakakapit sa aking bintana at nasundan ng maamong mukha ng munting ginoo at malapad ang ngiti sa akin ngayon.

"Kamusta po binibini?"

Nang makaakyat siya'y umupo siya sa aking kama at kinuha ang gatas na nasa aking lamesita

"S-sino ka? At paano ka nakaakyat rito?"

Sinilip ko ang bintana at may lubid na nakatali rito, ito siguro ang ginamit niya upang makaakyat.

"Ako ho si manolo..tama nga siya napaka ganda mo binibini"

Sino ang kaniya'ng tinutukoy na nag sabi na ako'y maganda? Atsaka sandali nga tingin ko'y labing dalawang taon lamang ang paslit.

"Ano ang iyong pakay at naparito ka ng ganitong oras?"

Iniabot niya ang isang liham at ngumiti ito.

Paano kaya nakalusot sa mga guwardya ang paslit na ito?

"Nautusan ho akong ibigay iyan saiyo"

Sino'ng walang puso naman kaya ang nag utos sa paslit na ito, hating gabi na at baka makita siya ng mga taksil na kastila.

"Sino'ng nag utos sa iyo?"

Pinagmasdan ko ang liham at nakita ko ang kaunting gusot rito, dahil siguro'y paslit ang humawak.

Hinihintay ko'ng sumagot si manolo ngunit pag tingin ko'y wala na ito at yabag ng mga paa papalapit sa aking silid ang aking naririnig.

Agad ako'ng bumalik sa aking higaan at nag panggap na tulog upang makaiwas sa kung sino man'g papasok.

Bumukas ang aking pinto at natanaw ko ang aking ama, nandoon lamang siya at pinagmamasdan ang kabuoan ng aking silid.

Nang mag lakad siya papalapit sa akin ay ipinikit ko na ang aking mga mata.

Narinig kaya niya si manolo?

Inayos niya ang aking kumot at hinalikan ako sa aking noo atsaka lumabas ng aking silid.

Galit pa kaya sa akin si ama? Mali nga siguro na hindi ko sinabi sa kanila ang pagbabalik ng aking mga alaala.

Nagawa ko lang naman iyon, dahil sa tingin ko'y hindi nila nais na muling bumalik ito.

Nang hindi ko na madinig ang yabag ng paa ng aking ama'y agad ako'ng tumayo upang tignan ang lubid na nasa aking bintana, ngunit wala na ito roon.

Saan naman kaya nag tungo ang paslit na iyon.

Umupo ako sa aking higaan at kinuha ang liham upang basahin.

Sa likod ng simbahan, sa ating tagpuan, doon at ako'y naghihintay pag tapos ng misa.

Hindi naka sulat kung kanino nag mula ang liham ngunit malakas ang pintig ng aking puso.

Nadarama ko, na mahalaga ang bagay na ito, na hindi ko dapat palampasin.

The Love of GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon