Kabanata 1

907 31 10
                                    

Mainit ang sikat ng araw ngunit malamig ang hangin dahil sa mga puno sa kapaligiran.

Tama nga na ang puno ang nag sisilbing sangga sa init dahil kung hindi ay mainit pati ang hangin.

Tanghaling Tapat ay nandito ako sa plaza upang maki isa sa mga taong sasalubong sa pagbabalik ng heneral ng aming bayan.

Kilala ko lamang siya bilang "Heneral Del Pilar" kailan may hindi ko pa ito nakikita ngunit sabi sa akin ng aking mga kakilala rito'y maliban sa pagiging matapang at matalino nito'y gwapo daw ito at napaka kisig pa. Kaya't maraming binibini ang nahuhumaling sa kaniya.

Basta't pag dating talaga sa mga gwapo ay kilala ito ng aking mga kaibigan, pero sa lugar nami'y walang hindi nakakakilala sa kanya.

Bulungan ng mga tao at ang mabilis nilang paglapit sa isang lugar kasabay ng mga yabag ng paa ng kabayo ang nagibabaw sa buong lugar.

"Andyan na ang Heneral!" sigaw ng isang kapitan at tumuwid ng maayos ang mga kawal na naatasan sa aming lugar.

Di katulad ng iba'y pumunta doon, ako'y nagtago sa isang malaking puno di kalayuan sa mga tao, tanaw ko ang lahat ng pwedeng maging pangyayari mamaya maya lamang.

Sila'y nag mula sa nueva ecija kung saan siya din ang diktador doon, ngayong taon ay bali-balita na paparating na ang mga amerikanong mananakop, bawat lugar, sa bawat dalampasigan, sa bawat gubat ay may inaatasang mag bantay upang mapigilan ang mga amerikanong patungo rito.

Si Heneral Del Pilar at ang iba pa'y nasa panig ng senyor presindenteng si Emilio Aguinaldo para ipaglaban ang inang bayan kahit na ang kanilang buhay ay ang maging kabayaran.

Nanlamig ako sa aking naisip.

Bumaba ang tatlong ginoo sa kanikanilang mga kabayo upang harapin ang mga kawal.

Mula dito ay hindi ko makita ng maayos ang kanyang itsura dahil sa suot niya sa kaniyang ulo.

Matipuno ang katawan at ang espadang nakasabit sa kanyang kanang bahagi ng baywang ay sumisigaw ng katapangan at pagiging magaling nito sa kaniyang pamumuno.

Nang mag si-alisan ang mga tao'y, bahagya akong lumapit upang masilayan ang kaniyang wangis.

Ngunit nakaka tatlong hakbang pa lamang ako'y agad na sumalampak sa lupa, sa kadahilanang pagiging lampa.

Bata pa lamang ako ay madali na akong matisod o di kaya'y madapa. Kaya naman lampa ang ini aasar sa akin ng aking mga kalaro noon. Ayon ang sabi sa akin ni ama.

Lumingon Ako sa pinarorooanan ng Heneral sa pangambang makuha ang kanilang atensyon, buti na lamang at wala na ito doon.

saan naman kaya iyon nagpunta kanikanila lang ang nandiyan pa siya, mas nakahinga ako ng maluwag na mapagtantong wala nga ito doon.

Isang braso ang pumulupot sa aking baywang kasabay nito ay ang walang kahirap hirap niyang pag angat sa akin.

Nang siya'y aking hinarap ay hindi ko maintindihan kung bakit galak ang aking nadarama, at ang malakas at mabibilis na pintig ng aking puso.

"H-heneral" nauutal kong sambit dahil sa sobrang lapit nito sa akin, ramdam ko ang pag init ng aking mukha at ako'y nakaka sigurado na pulang pula ito.

Sumilay ang mapang asar ngunit nakakaakit niyang mga ngiti.

Mapupula ang kanyang perpektong hugis na labi, ang kanyang kulay kayumangging mga mata'y mapupungay at ang mahahabang hugis arkong pilik mata ay ang dumedepina rito.

"Anong ginagawa ng napaka gandang binibining tulad mo sa lugar na ito?"

Saglit akong natigilan ng maalala kung gaano kami kalapit at kaunti na lamang ang agwat ng aming mukha sa isa't isa.

The Love of GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon