Laubree's POV
Ay shems! Nawala sa isip ko! Hays nakalimutan kong tanungin kung kaninong kotse yung nakaparada sa tapat ng bahay nila.
Bukas na nga lang.
Naglalakad ako pauwing bahay hanggang sa nadaanan ko yung park..
Hays. Miss ko na siya.
No! No! No! Laubree no! Erase. erase. erase. Hindi mo siya namimiss ok? Hindi. Kumalma ka lang Laubree gutom lang yan.
At nagdire-diretso na lang ako ng lakad. Hanggang sa nakarating na ako ng bahay.
"Oh hija sakto yung dating mo tara na't kumain" bungad ni mommy.
"Opo mom"
"Bree nasabihan mo na ba sila Riz?" Tanong ni daddy.
"Opo, Kaso hindi po ako nakapagpaalam kila tita kase pumunta daw po sila sa mall may binili, kaya ayun si Riz na lang daw po ang mag-papaalam" Sagot ko.
Nagkwentuhan pa kami habang kumakain. Ako ang naunang natapos kaya umuna na akong pumunta sa kwarto ko dahil hindi pa ako tapos magayos ng mga dadalhin ko.
Pag-upo ko sa kama ko ay bigla namang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko at may nakasulat na..
You have 1 notification
Hindi ko na lang pinansin kasi baka may nagmention na naman sa akin tapos nagpapalike ng kung ano-ano.
Pagkatapos kong magimpake ay naligo agad ako dahil sobrang init talaga hays.
Pagtapos kong maligo at magbihis dali-dali akong humiga sa kama dahil sa sobrang napagod ako mag-ayos ng mga gamit. ZzZz
Tok...
Tok...
Tok...
Tok...
Letse inaantok pa ako sinong hangal ba yan!
Inis akong bumangon at agad kong binuksan ang pintuan.
Pero nagulat ako ng wala akong nadatnang tao...
Tok...
Shet! Lord minumulto ba ako? Pls help me!
Babalik na sana ako sa higaan ko ng mapansin ko na may bumabato sa bintana ko...
What the hell??
Dahan-dahan akong lumapit papunta sa bintana ko at nung sumilip ako ay nakita ko...siya.
Si Aki...
Akala ko namamalikmata lang ako...sana nga namamalikmata lang ako. Pero hindi e andyan siya.
Nakatingin siya sa akin ng diretso. Hindi ko naman malaman kung anong nararamdama ko. Parang masaya akong nakita ko ulit siya. Standing outside, facing my room at binabato ang bintana ko.
Bakit ganito? Hindi dapat ganito! Hindi ganito yung usapan natin! Laubree wake up! Baka napagkamalan niya na naman na nandito si Aubrey! Minsan ka na niyang sinaktan kaya hindi imposibleng gagawin niya ulit yon so please! Laubree naman! Akala ko ba naka-graduate kana na sa pagiging tanga!? Valedictorian ka pa nga diba? Diba!!?
Sinarado ko na lang agad ang kurtina sa bintana ko atsaka bumalik sa kama pero wala pang 1 minuto...
Tok...
Tok...
Bullshit! Iniinis mo talaga ako!
Kinuha ko yung jacket ko at lumabas ako ng kwarto.
Ganyan nga Laubree kaya mo yan... Inhale... Exhale. Mainis ka sa kanya. Ibuhos mo lahat ng sama ng loob at wag na wag kang iiyak sa harap niya! Kaya mo yan!
Paglabas na paglabas ko ng bahay ay tinanong ko siya.
"Anong kailangan mo?" Matabang na sabi ko at tinitigan siya sa mata.
Laubree wag kang bibigay.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya.
"Do I know you?"
"Laubree please talk to me kahit 5 minutes lang please" nagmamakaawang sabi niya.
"Sorry but I don't talk to strangers" papasok na sana ako ng bahay ng bigla siyang nagsalita sa likod ko.
"Laubree I-i love you, please?kahit 5 minutes lang please?"
Napatigil naman ako at naistatwa sa kinatatayuan ko.
My god! T-tama ba y-yung narinig ko? H-he l-l-loves m-me??
NO! Laubree don't listen to him! Pinaglalaruan ka lang niyan!
Yeah right. Dapat na akong matuto. Minsan na niya akong naloko. Tama na yun.
Napatawa na lang ako ng mahina at humarap sa kanya.
"Really? You love me? HAHAHA grabe! You're so funny naman! Hahaha!" Sabi ko.
Nagseryoso naman siya at sinabing..
"Laubree I'm serious!"
"Oh really!? Hi serious! I'm Laubree!" Sarcastic kong sabi sa kanya.
Narinig ko ang mahina niyang pagmumura dahil napipikon na siya sa akin.
Take that asshole.
Hindi ko na siya hinintay magsalita. Pumasok na ako agad sa loob at dumiretso sa kwarto. Hindi na rin ako nagabalang sumilip pa sa bintana. Bahala siya diyan manigas siya.
Hah! Sad to say pero hindi mo na ako maloloko.
Pero may part sa akin na gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang pakinggan, gusto ko siyang makausap kaso wala e.
Ayoko na masaktan.
Ayoko na maging tanga.
Tama na.
Bigla namang nagunahan sa pagpatak yung mga luha ko.
Kaya ko pa ba?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
THE WISHFUL THINKER 2
Teen FictionHanggang kailan mo ba ako sasaktan? Or should I say. Bakit mo ba ako kailangang saktan? Siguro kaya tayo nasasaktan kase we expect too much, we care too much, and most of all we love too much. Sabi nga nila 'Lahat ng sobra nakakasama'. -Sa mga hind...