Chapter 8

1.9K 56 0
                                    

Riz's POV

"Sasama ako."

"Ay pusanggala!!" Gulat kong sabi. "Aki naman! 'Wag ka ngang manggulat! Tsaka anong sasama? Hindi pwede---!"

"Bakit hindi pwede?" Kalmado niyang tanong.

"Aki naman!"

"Hindi ako magpapakita. Sasama ako." Pagpilit niya.

"Hindi kami sasama 'pag sumama ka bahalakadyan."

"Edi 'wag." Sabi niya sabay upo sa sofa.

UGHHHH!

"Hindi ka namin tutulungan pagsumama ka!" Pananakot ko.

"Edi 'wag."

Edi 'wag pala ha. Tingnan natin.

"Sasabihin ko kay Laubree na iniwan mo siya para lang sa Aubrey na yon!" Taas noo kong sabi ng nakangiti.

"Don't you dare" Sabi niya habang tinitignan ako ng matalim.

"Bleh! Takot ako sayo, duh!!" Nangiinsulto kong sabi.

Bading! Bading! Bading! Badiiinggg si Aki!!

Umupo ako sa katabing sofa na inuupuan ni Aki at kasabay ng pagbukas ko ng TV ay ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang isang napakagwapo at matchong nilalang na may dalang groceries bag sa magkabilang kamay niya nasa likod niya naman ang isang matandang babaeng ermitanya—CHAROUGHT!! LABKOMAMAKO.

"HI MAAAAAA!" Bati ko atsaka tumayo at tinulungan si mama sa mga buhat niya.

"Riri bunganga mo, masyado kang maingay bata ka." Saway niya sa akin.

"Ma, what's this? Dami mong binili ah hahahaha! Ano meron?" Pagiiba ko ng usapan sabay halungkat sa groceries bag.

"Wala na kasi tayo stock ng pagkain dyan kaya nagpunta na din ako sa Pure Gold para sabay-sabay na." Paliwanag niya.

"Ahhhhh, okayyyy." Parang grade 1 kong sagot.

Natawa naman sila mama at sid sa ginawa ko pwera na lang kay Aki na tahimik at parang malalim ang iniisip.

"Oh siya, siya. Iho ilagay mo na lang sa kusina yan ako na magaayos mamaya." Sabi ni mama kay Sid.

"Oh Riri, ikaw na bahala sa mga bisita mo ha. May pupuntahan lang ako." Sabi ni mama sa akin.

"Sino nanaman ka-date mo ma?" Biro ko.

"Jusmiyo kang bata ka! Bibisitahin ko lang yung kumare ko no! Sige na sige na aalis na muna ako."

"Siya nga pala Rizza 'wag mong iiwan yung bahay ah. 'Wag muna kayong gumala-gala at 'wag tatambay sa kwarto ha? Dyan lang kayo sa salas, mahirap na." Natatawang paalala niya.

"Ma naman!" Natatawa kong sagot. "Sige na ma, 'wag kang papagabi ha? Sasaraduhan kita ng pinto" Seryoso kunyring biro ko.

"Aba aba naman hahaha, sige na alis na 'ko."

"Bye mamaaaa ingat mwaa!" Paalam ko.

Pagkalabas ni mama ay sinarado ko na agad ang pintuan at pinuntahan sila Aki at Sid. Seryoso silang dalawa na nag-uusap. Mukang pinapayuhan ni Sid si Aki ah..

Hmm some kind of boys talk e?

Hinayaan ko na lang muna na mag-usap ang dalawa. Pumunta na muna ako sa kusina at inayos yung mga pinamili nila mama.

Pagkatapos kong ilagay lahat ng groceries sa lalagyan ay pumunta na ako sa sala. Naabutan ko si Sid na nanonood ng TV at si Aki naman ay may kausap sa cellphone niya.

"Hey" Bungad ko kay Sid na mukang naiinis.

"What's the matter?" Dagdag ko.

Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Kausap ni Aki si Aubrey." Sabi niya habang nakatingin kay Aki.

WTFFFFFFFFF

"WHAT!?" Gulat at the same time naiinis kong sabi.

Napatingin naman sa side namin si Aki na nakakunot ang noo na parang nagtataka sa pagsigaw ko.

Pupuntahan ko na sana siya para agawin ang cellphone niya pero pinigilan ako ni Sid. Inirapan ko na lang siya.

Asshole.

Pagkabalik niya ay agad-agad siyang naupo sa sofa na may iritasyon sa muka.

"Ano sabi?" Pagbasag ni Sid sa katahimikan.

"Gusto niyang makipagkita." Sabi ni Aki at sumandal sa upuan at pumikit na para bang pagod na pagod na siya.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Sid.

"Next week itetext ko siya kung matutuloy o hindi."

Pinilit ko ikalma ang aking sarili. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

"So ano ng plano mo?" Tanong ko.

"Pupunta ako." Sagot niya habang nakapikit pa rin.

"Tatapusin ko na 'to." Dagdag pa niya.

               — — — — — — —
Author's note:

Sorry sa short update huhu.
Btw salamat sa lahat ng nagbasa at nagvote lablatssss!!!

THE WISHFUL THINKER 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon