Author's note
Ito yung POV ni Riz nung pinuntahan siya ni Laubree (Chap 4) hehe gulo ng utak ko kasi e.
— — — — — —
Riz's POV
"Hoy! Ano ng balak mo ngayon? Kailan mo balak magpakita sa kanya? Kailan mo siya balak kausapin? E kung 'wag mo na kaya siyang balikan? Baka saktan mo nanaman bespren ko e! Dun ka na lang kay Au----"
"Shut the hell up, will you?" Nagtitimping sabi ni Aki sakin.
Oo! Si Iñaki nandito! Hindi ko nga maintindihan sa gunggong na 'to kung bakit bumalik-balik pa e! Psh.
"You're so gay" naiinis na bulong ko.
"I said will you please shut your fckin' mouth? I don't need your help here! I didn't ask you to help me! So please tumigil ka na muna kakadakdak. Hindi nakakatulong." At pinipinilit niyang ikalma ang sarili niya.
"Aba't! Talagang sumasagot ka pa ha! Sana kase di mo na lang dinamay dito yung boyfriend ko sa problema mo! Edi sana wala din ako dito! Tsaka in the first place naman ikaw yung may kasalanan dito ah! Kung hindi mo sana iniwan ng ganon-ganon si Laubree para dun sa Aubrey na 'yon edi sana hindi ganito mangyayari!" Galit na galit kong sabi.
Hah! Grabe punong-puno na 'ko dito sa lalaking 'to! Daig pa bading! Una bahay ko 'to tapos kung maka-sigaw parang siya may-ari nitong bahay! Pangalawa iniwan niya si Laubree tapos ngayon naman sinisigawan ako na para bang ako yung may kasalanan saming dalawa, kapal. Asan kana ba kase Sid!
Pasalamat ka pinsan ka ng bebelabs ko, naku! Talaga naman kung hindi ka lang niya pinsan matagal na kitang nginudngod sa lupa dahil sa ginawa mo sa bespr---
"Riiiizzzz! Tao pooo!!"
S-shittttt! Si L-laubree ba yon!? Gosh wtd!!!? T^T
Napatingin ako kay Aki na ngayon ay natahimik rin. Sinenyasan ko naman siya na magtago na muna sa taas at sinabihang 'wag lalabas para hindi siya makita na Laubree.
At ilang segundo ang lumipas ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok.
Gosh Sid wru na babe, help me naman! Huhuhuhuhu
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko buksan ang pinto.
Whoo..inhale..exhale..inhale..exhale kaya ko 'to!
"Ta---" hindi na natuloy ni Laubree ang pagkatok dahil binuksan ko na yung pintuan.
"Hoy! Bruha ka kanina pa ako tawag ng tawag sayo dito! Bakit ngayon mo lang binuksan? Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya.
Pinagpapawisan naman ako dahil sa tanong niya..
Ano nang sasabihin kooooo huhuhuhu. 'Nako Bree kung alam mo lang kung sinong nandito sa bahay!'? No..hindi.erase..erase 'di dapat ako makialam sa problema nilang dalawa... Think Riz kaya mo yan!
BINABASA MO ANG
THE WISHFUL THINKER 2
Teen FictionHanggang kailan mo ba ako sasaktan? Or should I say. Bakit mo ba ako kailangang saktan? Siguro kaya tayo nasasaktan kase we expect too much, we care too much, and most of all we love too much. Sabi nga nila 'Lahat ng sobra nakakasama'. -Sa mga hind...