Bilang

7 0 0
                                    


Hindi pa ba ako sapat at nagdagdag ka pa ng isa?
Ganoon ka ba kasakim para gawing dalawa ang dapat ay isa?
Kulang pa ba ang pagmamahal ko para gawin mo kaming tatlo?
Apat na beses kang naglihim sakin.
Limang beses kang nagsinungaling.
Anim na beses kitang pinatawad.
Pitong beses mo akong sinaktan.
Pitong beses din bago ako matauhan.
Walong araw akong nagluksa bago ka binalikan
Binalikan para bigyan ka ng siyam na sampal at siyam na tadyak
Diyan sa mukha mong liha na mismo ang nahiya
Huwag na huwag mo akong pagtataguan.
Wala pa tayo sa sampu.
Sampu.
Sampung beses kitang lulunurin sa putikan
Kasama yang higad mong ‘ka-i-bi-gan’
Na hindi pinalad maging artista kaya nauwi sa pagiging extra.
Labing-isa.
Labing-isa beses kitang paluluhain.
Labin-dalawang beses kitang paluluhurin.
Labin-tatlong beses kitang papagapangin.
At sa ika labin-apat ng pebrero ng taon na ito.
Ako mismo ang magdadala sayo sa pinto ng impyerno.

Sentiments of MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon