Ako ang Para Sa'yo

2 0 0
                                    

Matagal na kitang hinahanap
Ngunit hindi pa rin kita makita
Hindi ka naman nagtatago,
Sadyang hindi lang tayo pinagtatagpo.

Lahat ibinigay ko mahanap ka lang,
Puyat, pagod at panahon ang inalaan ko.
Naikot ko na ata ang buong sangkalupaan
Sadyang mailap ka lamang.

Ako lang ba?
Lagi nalang ako.
Ikaw ba?
Hinahanap mo rin ba ako?

Hindi na nga ako makatulog sa gabi sa kakaisip sa iyo,
Pati sa umaga, ikaw ang dahilan ng pag-gising ko.
Sa tanghali ito na naman ako, lakad doon, lakad dito.
Maging sa hapon sa pagod ay hindi papatalo.

Ilang beses ko ng ipinagpilitan and sarili ko sa iba.
Muntik na’kong magsawa sa salitang ‘hindi’.
Meron din naming tumanggap sa aking ng buong buo.
Ang iba pa nga ay kusang sinusuyo ‘Ako’.

Ngunit may mali.
May kulang.
Hindi ikaw sila.
Hindi ako masaya.

Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang hintayin,
Wala ng oras na dapat pang sayangin.
Ngunit importante ka sa buhay ko,
Ang siyang bubuhay sakin sa oras na kailangan ko.

Umaasa pa rin ako na magtatagpo tayo,
Maririnig ko din ang matamis mong ‘Oo’,
Ang mga salitang ‘Ako talaga ang para sa’yo,
At ang mga katagang, “You’re hired”.

Sentiments of MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon