Part I

105 11 0
                                    

Hoy bruha! nakasimangot ka na naman dyan! hindi uubra ang plantsa sa sobrang gusot ng mukha mo! biro ng kaibigan kong si Gek.

Pano kase si Mark nakanguso kong sagot sa kanya.

Ano si Mark? nakasalubong nyang kilay na tanong sa akin.Ang dakilang playboy sa campus.

E kase ayaw akong tigilan! ang kulit kulit! sinabi na kaseng ayaw ko na boyfriend -boyfriend na yan! sakit lang ng ulo yan! Saka di ako na naniniwala sa love-love na yan! parang nandidiri kong sagot.

Hay nako bes! ewan ko ba sayo! love is beautiful kaya! nagniningning ang mata niyang sagot saken.

And besides kapag nahanap mo na ang katapat mo nako! sinasabi ko sayo! lagot ka! siguradong huli ka! pahabol pa niya.

Naku! tigilan mo ako! Tara na sa library at may assignment pa tayo.

Magkaklase kame ni Gek matagal na kameng magkaibigan simula first year college, nagkasabay kame sa enrollment ayun para matanggal ang inip kinausap ako at nalaman namin na same section and course kame kaya lagi na kameng magkasama simula nun.

Saka alam din niya kung bakit di na ako naniniwala sa love na yan.
Masakit kase na lokohin lalo pa ang nangloko sa akin ay ang bestfriend ko at ang boyfriend ko.

Kaya ayun nawalan na ng saysay ang love sakin, nagasgas ang meaning nito sa akin.

***
Pres, pinapatawag ka ni dean sa office niya, bungad sakin ni Shea ang vice president ko sa council.

Bakit daw? tanong ko naman sa kanya.

Hindi ko din alam e, pero siguro baka may bagong student na naman at balita ko pa e pogi daw! Pres! baka destiny mo na yan! narinig ko sa hallway oppa daw ang peg e hahaha. natatawang sagot niya sakin.

Kahit kailan talaga baliw ka! puntahan ko muna si dean, naiiling na natatawang sagot ko sa kanya.

Good morning po dean bati ko kay Sir Ilagan ang dean sa department of Management.

Good morning din hija nangiti nyang bati sa akin.

May sasabihin daw po kayo sa akin?

Oo may transfer student tayo ngayon, inaanak ko gusto ko ikaw na magturo sa kanya ng mga rules and regulations ng university at mag tour sa kanya.

Aaa okay po dean, nasaan po ba siya?

Malapit na daw siya hija.

Oh! ayan na pala siya e. Hijo this is Cayla ang President ng Student Council siya na ang bahala sayo.
And hija this is David Caled Santos.

Hi nice to meet you sabay naming sabi.

Sige po dean balikan ko po siya after lunch.

Sige hija.

***
Habang kumakain sa university cafeteria walang tigil si Shea at Gek sa pagtatanong kay Cayla kung pogi nga ba ang new student.

Bes ano nga? pabitin e Oo at hindi lang e. nakalabing tanong ni Gek.

Oo nga arti. arti pres ha! kunwaring naiinis na sabi ni Shea.

Alam nyo kayong dalawa halip na iniintindi ang pagkain puro chismis ang inuuna! At paki sabihan nyo din pala ang council na may meeting tayo sa office mamaya.
Kasama ko kase tong dalawa nato sa student council muka lang walang mga paki alam pero mga responsable naman.

Nagkwentuhan pa ng kwentuhan ang dalawa pero di nako nakikinig.

Girls mauuna nako kailangan ko kasing i-tour yung bago utos ni dean.
Bye see you later.

***
After ng isang oras na paglibot sa buong university ay nagpaalam na si Cayla at Caleb sa isa't isa.

A/N:

Maikli lang ang story na ito mga hanggang 10 chapters lang siguro.
First story ko kase saka parang nauubusan ako ng idea. hahaha

Madami ding flaws at typographical errors hehe.
Hindi po ako pro kapag may nakita kayong *** ibig sabihin po nun iba ng scene para maliwanag.

boy meets girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon