Chapter Seven

5K 108 4
                                    

SABADO. Kagaya nang napag-usapan, sinundo ni Wax si MJ sa bahay para turuang mag-bake ng cupcakes. Ang buong akala ni MJ na araw lang nila ni Wax ay nasira dahil sa biglaang pagpunta doon ni Sunshine.

“Sunshine!” gulat na sigaw ni Wax.

“May girlfriend na si Wax pero nilalandi mo pa rin siya! Ikaw pa itong punta nang punta rito sa bahay niya!” galit na galit na sigaw ng babae kay MJ.

“Excuse me, sabi ni Wax hindi ka naman niya girlfriend,” kalmadong sagot naman niya. Hawak pa niya ang mixing bowl.

Natigilan ang babae. “Eh ikaw, girlfriend ka ba niya?”

“Hindi rin!”

“Hindi rin naman pala. Eh, ano ang ginagawa mo rito?” malditang usisa ng babae. Pumitik tuloy ang pasensya niya.

“Aba! Friend din niya ako! Ano ‘to? Angkinan ng kaibigan? Hindi lang ikaw ang kaibigan niya! Pati ako ay friend niya rin kaya magtiyaga kang maghintay ng schedule mo kay Wax!” aniya at napalakas na nga ang boses niya. Handa na rin siyang makipag-away.

“Ano’ng schedule?”

“For your information, ilang beses nang hindi natutuloy ang lakad namin ni Wax dahil sa palagian mong pagsingit sa schedule namin. Hindi ko na mapapayagan na hindi na naman maluto itong mga cupcakes ko dahil sa pang-iistorbo mo! Bukas ka na lang! Kami muna ni Wax, my friend, ang magkasama ngayon! Aba, aba! Selfish!”

Noon lang natauhan si Wax mula sa pagkakagulat. Inawat sila nito at binuhat palabas ng bahay si Sunshine. Matapos ang ilang minuto, bumalik ito sa harapan niya at humingi ng paumanhin.

“MJ, pasensya ka na. Hindi ko alam na pupunta siya rito. Please, sorry. Aalis lang ako sandali. Ihahatid ko lang si Sunshine sa bahay nila. Babalik din ako agad. Please? Promise, babalik ako agad.”

“Are you sure?” may pagdududang tanong niya.

“Oo. I’m very sure. I promised to clear my schedule for you, ‘di ba? Hindi ko lang inaasahan si Sunshine na pupunta rito. Ihahatid ko lang, then we can continue baking the cupcakes.”

Nagbuntong hininga na lang siya. “Bilisan mo, ‘ha?”

Ngumiti ang lalaki. “Yes, sweetie. I’ll be very quick.” Binigyan pa siya nito ng mabilis na halik sa noo bago umalis.

Naiwan naman siyang tulala dahil sa halik na iyon. ”Hala, MJ. Ano’ng nangyari?” kausap niya sa sarili. Gumaan kasi ang pakiramdam niya. Ang ulo niyang nag-iinit na kanina ay biglang lumamig.

At dahil magaan na ang pakiramdam niya sa isang iglap, hindi na niya hinintay si Wax. Sinunod na lang niya ang nakalagay sa instructions kung paano mag-bake ng cupcake. Gusto niyang sorpresahin ang lalaki sa pagbalik nito. Subalit na-bake na ang cupcakes at lumipas na ang tanghalian, hindi pa rin bumabalik ang lalaki.

“Sabi niya sandali lang!” paghuhurumentado niya. Nang hindi na matiis ang inis, ibinalot niya lahat ng cupcakes maliban sa isang piraso na iniwan niya sa gitna ng dining table nito saka siya umuwi nang masama ang loob.

~~~

BAKIT ba kasi pilit ng pilit na puntahan pa rin ako kahit na ganitong dis-oras na ng gabi?” nayayamot na wika ni MJ. Ilang araw niyang hindi sinagot ang tawag mula sa lalaki. Hindi rin siya lumalabas ng bahay tuwing pupunta ito ng gabi. Mula nang iwanan siya nito sa kusina nito at sumama kay Sunshine, hindi na niya kinausap pa ang lalaki. Para saan pa? Maiinis lang siya.

Pinilit lang siya ng daddy niya na pakiharapan ang lalaki dahil ilang araw na raw nagmumukhang tanga sa labas ng bahay nila si Wax at sawa na raw gumawa ng dahilan ang daddy niya kung bakit ayaw niyang labasin ito.

Blackmailing the Music-hater [PHR] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon