WAX DID the very last thing he would do. Mula sa bodega ng kanyang bahay ay inilabas niya ang isang lumang gitara. Iyon pa ang gitara ng namatay niyang kapatid. Naluluha siya habang tinitingnan iyon dahil naaalala niya ang buhay na buhay na itsura ng kanyang Kuya Noah. Bakit ba ang tagal niyang nagalit sa mundo dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid? Hindi niya akalain na ang gitarang iyon ang magpapaalala sa kanya ng mga masasayang ala-ala nila noong nabubuhay pa ito.
He remembered his brother teaching him how to play. Iyon ang gabi-gabing bonding-an nila nang umalis ang kanyang ina para sumama sa childhood lover nito. Pinunasan niya ang isang luhang kumawala sa kanyang mga mata. Those were beautiful memories with his brother that he chose to forget.
Ngayon, may lakas na siya ng loob. Habang pinapagpagan niya ang gitara ay kinausap niya ang kapatid kung nasaan man ito. “Kuya, pahingi ako ng lakas at galing mo sa pagtugtog. It’s been years since I last tried to play. Kailangan ko lang ulit ngayon dahil kailangan kong mabawi si MJ. I need her to like me again so we could be together. Kung nasaan ka man, help me, okay?”
~~~
WALANG gana si MJ nang sagutin ang tawag ni Jessy. “Ano’ng kailangan mo?” matabang niyang tanong.
“Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Lumabas ka nga riyan sa kuwarto mo!” talak nito sa kabilang linya.
Nagtaka pa siya na binisita siya nito. “Bakit ka nandito? Break na kayo ni Emilio? Wala kayong date?”
“Bitter ka!” natatawang wika ni Jessy. “Nandito rin siya kasama ko. Kaya lumabas ka na sa pageermitanyo mo diyan sa kwarto mo! May dala kaming masarap na food.”
Iyon lang naman ang kahinaan niya. Pagkain. Mula’t sapul kasi, masarap ang mga luto ni Jessy. Biglang pumasok sa isip niya ang unang date nila ni Wax, kung date ngang matatawag iyon. Pinakain siya nito sa Tom-guts bago sila magpunta sa opisina ng lalaki.
“I miss him,” bulong niya.
“Ano’ng ‘I miss him’ ka diyan! Hoy! Labas ka na kasi. Dalian mo. Baka lumamig ang pagkain, biglang umalis,” natatawang wika nito.
Naguluhan siya sa sinabi nito. Pero alangan namang hindi niya harapin ang buwisita niya. Kaya’t tumayo na siya sa kama at mabilis na nag-wash up sa banyo at lumabas.
Nagulat pa siya nang sa paglabas niya sa garden nila, biglang may malakas na tunog ng gitara at pumainlalang sa kapaligiran ang isang tinig na masayang umaawit. Inilibot niya ang paningin para hanapin si Jessy at Emilio pero wala ang dalawa. Hindi niya rin makita kung sino ang tumutugtog at umaawit ng awitin na iyon. Kaya’t sinundan niya na lang ang pinanggagalingan ng tunog.
Pagliko niya sa isa pang tagong parte ng hardin ay doon niya nakita ang hindi niya inaasahan na magaganap sa buhay niya. There he was, standing at the middle of the gazebo, playing a guitar and singing her a song! Beside him was her parents and siblings, Jessy and Emilio. Hinihintay siya ng mga ito! Napakamot siya ng ulo. Bakit ba hindi siya naligo at bakit naka-shorts lang siyang lumabas? Halatang bagong gising siya!
“There was a time when I would have believed them. If they told me you could not come true. Just love's illusion. But then you found me and everything changed and I believe in something again. My whole heart will be yours forever. This is a beautiful start to a lifelong love letter.”
Wax paused a little and greeted her. “Hi, Musique Joaquinne. My heart is so glad to see you again,” nakangiting pahayag nito na malakas na pumapainlalang sa malalaking speakers.
Mangiyak-ngiyak siya. Nasa harapan na niya si Wax. Ilang linggo niyang sinukuan ang happiness dahil nawala ito sa buhay niya. Subalit heto ito ngayon, inaawitan pa siya! Parang kailan lang ay sinabihan niya itong wala sa tono kaya galit sa musika. Nagkamali siya. That song of Sara Bareilles sounded more romantic with his voice.
BINABASA MO ANG
Blackmailing the Music-hater [PHR] - Completed
Romansa"Ang sabi dito sa ending ng nobela mo, MJ kissed the love of her life while whispering how much she loved him. Ano pa ang hinihintay mo? Handa na ang mga labi ko. Halikan mo na ako."
![Blackmailing the Music-hater [PHR] - Completed](https://img.wattpad.com/cover/139917905-64-k581492.jpg)