"Tita?!" hindi ko talaga maaninagan ng maayos ang mukha niya. Malabo kasi ang mata ko eh hehe.
"Ako ito Char!" si Tita nga. Ang mommy ng magaling na si Josh.
Lumalapit siya. Mukhang kagagaling niya lang ata sa isang business trip dahil sobrang formal ng itsura niya. Hindi ko siya masyadong makilala dahil parang bumata siya sa kanyang itsura.
Nagbeso-beso kami. Parang mommy ko na din siya kaya wala ng ilangan factor. Alam mo yun? Hihi :'>
May klase pa ako pero nag decide muna ako na sa next subject na lang pumasok. Pumunta kami ni Tita sa isang malapit na cafeteria at doon nag --usap.
"Char, humihingi ako ng despensa sa lahat ng maling nagawa sa iyo ni Josh ha. Lumipad na siyang patungong Europe pero may ipinapamigay siya sayo." sabay abot ng kahon.
Ang gaan lang ng kahon na yun. Ano kaya ang laman nun?
"Ano naman po ang laman nito Tita? Ayos lang po at kinalimutan ko na ang lahat ng pangyayare. Lahat ng mapapait na nanyare sa aming dalawa ni Josh." sinabi ko habang pinagmamasadan ang maliit na pink na kahon.
"Mabuti naman kung ganun Char. Kumusta naman ang pakiramdam mo? Alam mo na, nagalaw ka ni Jo---"
"Ayoko na po pag usapan ang mga tulad niyan tita. Tama na po na napatawad ko na siya at tapos na ang lahat."
"Tama ka Char. Anyway, wala akong idea kung ano ang nilalaman niyan. Binigay lang sa akin ni Josh yan bago ako lumipad dito. Nung nasa airport kami ay kinuwento niya ang lahat ng nanyre sa sainyong dalawa.."
"Hehe. Mabuti naman po at na kwento niya sa inyo. Hindi na niya ako hinayaan pang magsumbong sa inyo."
"Ganun naman talaga si Josh, very unpredictable. May naipalit ka na ba para kay Josh?"
Alam mo yung mga ganitong tanong?
BINABASA MO ANG
Sex doesn't matter
Fiksi RemajaSa panahon ngayon, madalas na ang discrimination. Yung bang, madaling i judge ang relationship ng both sexes. Mali ba talaga ito? Pag sinabing babae, kailangan ba para sa lalaki na agad? Pag sinabing lalaki, kailangan ba para sa babae na agad? Sa...